Chapter 23: Raven

16 4 0
                                        

Damon's POV

"You're an idiot." Sabi ni Czarina at biglang nawala ng malay.

"Czarina!" Sigaw ko habang palapit sa kanya ngunit hinarang ako nitong bata.

"Not so fast." Sabi niya at ngumiti.

"You're one of the dark prince-candidates, are you?" Sabi niya hindi ko alam pero nahihilo ako at gusto kong matulog.

"Let us play a game." Narinig kong huling pagkasabi niya bago ako makatulog.

Bigla kong inimulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking noo. Panaginip lang pala ang lahat. Nakahinga ako ng maluwag. Tumingin ako sa paligid ko pero wala ako sa paaralan o kahit sa aking silid. Nasa isang silid ako na puno ng mga matatamis na candy nalumulutang sa hangin sa madilim na silid na tanging mga ilang kandilang nakalutang lang ang nagbibigay ng liwanag. Nasaan ako?

"Gising ka na pala." Sabi ng isang boses bata na nagmumula sa isang sulok.

Napatingin ako sa direksyon na'yon. Nakita ko ang bata sa panaginip ko na nakaupo.

So, hindi pala isang panaginip ang lahat.

"Hinintay ka namin magising para masimulan na natin ang ating munting laro." Sabi niya.

Namin?

Napatingin ako sa isang kadena na hawak niya. Sinundan ko kung saan nakakabit ang kadena ngunit laking gulat ko ng nakita kung sino ang nakakadena.

"Czarina!" Sigaw ko saka ako tumayo pero biglang may tumusok sa balikat ko sanhi ng pagkaupo ko at pagkapako ko sa pader.

"Aaaarrrggghhhh!" Daing ko.

Pagkatingin ko isang matulis na pahabang candy ang tumusok sa akin. aalisin ko na sana ngunit may tatlo pang matulis na candy ang tumama sa braso ko, sa forearm ko at sa gitna ng kamay ko sanhi ng mas lalong pagkapit ng buong kamay ko sa pader at mas lalong sakit na naramdaman ko.

"Waaaaaarrrrggghhhh!" Hiyaw ko sa sobrang sakit at pasama pa ng unting luha ng aking mga mata sa sobrang sakit.

Nakarinig ako ng munting pagtawa mula sa batang kaharap ko ngayon. Pilit kong ibinaling ang pagtingin ko sa kanya at kay Czarina na parang wala sa sarili niya.

"Czarina! Czarina!" Sigaw ko sa kanya nagbabasakaling mataohan siya.

Nakaramdam ako ng sakit ulit sa kamay ko. Pakiramdam ko namamanhid na ito.

"Hindi ka niya maririnig dahil wala ang tunay na siya dito." Sabi ng batang ito.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" Sigaw ko sa kanya.

"Hahahaha nasa ibang dimensyon lang siya kung saan matutorture ang kaluluwa niya." Sabi niya ng may halong panggigil at pananabik sa boses niya.

"Sino ka ba? At anong kailangan mo?" Mga tanong ko sa kanya.

"Ang dami mong tanong." Sabi niya na may pagkairita.

"Pero sige sasagotin ko. Ako si Raven, isa ako sa Ark Seven. Naririto ako upang taposin ang buhay ni Czelestine Morgan dahil may nakita siyang hindi niya dapat makita ngunit hindi ko pa siya tataposin dahil paglalaruan ko muna kayo nitong munti mong kaibigan." Sabi ni Raven at bigla niyang hinila ang kadenang hawak niya sanhi ng pagkatumba sa sahig ng walang kamalay-malay na Czarina.

Gusto sana siyang tulungan ngunit lubhang napasakit ng kamay ko sa kahit na unting galaw.

"Ngayon pumunta muna tayo sa pinakamasakit na pinagdaan ng kaibigan mo." Sabi niya na tumatawa.

Bigla naman nagbabago ang nasa kapaligiran namin. Nasa isang magandang lugar kami ngayon.

"Mama!" Sigaw ng isang munting bata habang tumatakbo papunta sa kanyang ina.

Kapag tinititigan mo ang bata kamukha niya si Czarina.

Teka baka si Czarina talaga iting batang ito.

"Oh, Czarina. Namiss mo ba ang mama mo?" Sabi ng mama niya sa kanya.

What in the world is going on?!

--------------------

Are you ready to know the story of Czarina and Czelestine Morgan?

SORRY FOR VERY SHORT CHAPPY HAHAHAHA

STAY AWESOME GUYS

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon