CHAPTER 31: THE TRUE LUXURIA?

4 0 0
                                        

Alieza's POV

Patuloy pa rin ang pagbaril sa'kin ni Dannah. Hindi 'man ako makalapit kayla Damon at Althea.

*bang bang*

Pagbaril niya ulit sa'kin buti na lang at nakaiwas ako agad saka ko siya binaril pabalik habang patakbo sa likod ng isang building. Hinihingal na'ko. Pero mas ikinababahala ko kung bakit nakakagamit siya ng Seven deadly sins na Thema. Isa ba siyang dark princess candidate?

Sinilip ko sila Damon, mukhang wala pang labanan ang nangyayari sa kanila. Kailangan ko na itong tapusin para matulungan ko sila.

*Bang!*

Agad ulit ako nagtago buti na lang sa wall tumama. O-O

"RECHANGE: diablo hell cannon." Pagpalit ko ng armas ko.

Mabigat. TwT Pero kailangan ko itong tiisin. Pumikit muna ako.

"1... 2..." Saka ako dumilat at lumabas sa pinagtataguan ko.

Hinanap ko agad kung saan nagtatago si Dannah at saktong nakita ko siya agad. Itinutok ko sa kanya ang cannon saka 'di nagdalawang isip na iputok agad ito. Napatumba pa ako sa lakas ng impact ng pagputok ng cannon ko.Isang malakas na pagsabog ang narinig ko kaya agad ako bumangon para tignan ito.Natamaan ko ba siya?

Pumunta ako sa pinatamaan kong lugar at agad kong hinahanap ng kalaban ko pero laking gulat ko nang nahanap ko siya nakahiga siya medyo malayo sa pinasabog ko. Nakaiwas siya.

"RECHANGE: Dagger of Hedes" Pagpapalit ko ng armas ko ulit.

Naglakad ako palapit sa kanya. Mukhang magkakamalay na siya kaya sinipa ko agad ang riffle na hawak niya, palayo sa kanya. Natamaan ko pati ang kamay niya kaya medyo nag-flinch pa ang mukha niya at dinilat ang mga mata niya. Inupuan ko siya sa bandang tyan niya para hindi siya makatakas sa'kin. Itinutok ko ang dulo ng dagger ko sa leeg niya. Nakatitig lang siya sa'kin. Hindi ko mapigilan tanungin siya.

"Isa ka bang dark princess candidate?" Tanong ko sa kanya.

Pero isang malakas na pagsabog ang narinig namin kung saan sila Damon ay naruruon. Na-distract ako kaya nagkaruon ng pagkakataon si Dannah na agawin ang dagger at gumulong sa'kin kaya nagpalit kami ng pwesto. Pumalag ako pero itinutok din niya sa'kin ang dagger ko.

"Hindi ako isang dark princess candidate dahil... AKO. ANG. TUNAY. NA. LUXURIA. NG TRINITY SEVEN." Pagkasabi niya ay bigla niyang hinawakan ang kamay kong may simbolo ng luxuria at saka niya isinaksak ang dagger sa kamay ko.

"Aaaaaaarrrrggghhhhhh!" Sigaw ko sa sakit pero sinakal niya ako.

Tinitigan ko naman siya ng masama saka niya itinaas ang kamay niya na may simbolo rin ng luxuria. Nanlaki ang mga mata ko.

Totoo kayang hindi ako ang totoong Luxuria ng trinity seven?

Leanna's POV

Naipunta ko na lahat ng estudyante sa mundo ko para matiyak ko ang sekguridad nila. Ngayon ay pinapanuod ko sila Lera maglaban. Nag-aalala ako sa kanya dahil hindi siya umaatake pero pag-iwas ang ginagawa niya. Napapakagat tuloy ako ng kuko dahil hindi ko siya matulungan. Nagulat naman ako sa kamay na humawak sa balikat ko. Pagtingin ko ay si Czelestine pala at mukhang nag-aalala rin siya. Napansin ko rin na parang gumuguho sa ang mundo ko at nagtatakot lalo ang mga katulad kong estudyante kaya agad kong pinigilan ito saka nagbuntong hininga.

"Alam ko ate Leanna na nag-aalala ka kay ate Lera at sa iba at ako rin nag-aalala ako sa kanilang lahat. Unting oras na lang at darating din ang tulong." Sabi ni Czelestine.

"Mas nag-aalala ako kay Lera dahil hindi siya lumalaban puro pag-iwas ang ginagawa niya. Kung patuloy siya ginagawa niya mas maraming injuries ang magkakaruon siya. At isa pa, kung makakarating 'man sila Halley at Kendra tutulungan muna nila sila Damon. Iniinis ako sa sarili ko dahil isa ako sa pinakamalakas ang kapangyarihan sa trinity seven pero wala akong magawa para matulungan sila ngayon." Sabi ko.

"Pero sa tingin ko hindi naman siya pababayaan ni Principal Kurt at saka nandito pa ang ate ko satingin ko tutulungan niya si ate Lera hinihintay lang niya ang oras na makakawala siya.Marami ka nang natulungan ate Leanna. Nakita mo kaming lahat na estudyante dito? Masasawi agad kami kung hindi mo kami pinapunta dito kaya 'di mo kailangan maliitin ang sarili mo." Sabi niya sa'kin na nagpagaan ng nararamdaman ko.

"Speaking of the pervert, Nasan nga ba si Principal Kurt?" Tanong ko.

Principal Kurt's POV

Palapit na'ko sa kinaruruonan ni Lera natagalan lang ako dahil may nagsisilabasang halimaw sa paligid ko. At ngayon, may naramdaman akong Aura na kasing lakas ko. Kaya napahinto ako at napangiti. Nag-appear siya sa harapan ko, ang principal ng western magus academy si Principal Gwen.

"No wonder kung saan nanggaling ang mga halimaw."  Sabi ko.

"'Di na bale. Hindi ka naman nasaktan."  Sabi niya na nakangiti.

"Kung ako sa'yo hindi ko na tutulungan ang estudyante ko kung hindi maglalaban tayong dalawa. At kung naglaban tayong dalawa mas malaking problema ang mangyayari." Babala niya sa'kin.

Na'ko naman. Sana Lera kayanin mo ang kalaban mo.

"So, papanuodin lang natin sila?" Tanong ko.

"Depende kung gusto mo rin makipaglaban sa'kin."  Sagot niya.

"Wag na baka lalong masira ang academy ko. At saka 'di ako pumapatol sa babae."  Sabi ko.

Tumawa lang siya pero ako ngumiti lang. Sorry guys, hindi ko kayo matutulungan. Malaki ang tiwala ko sa inyong lahat.

---------
Long time, no ud. Hahahaha
Stay awesome guys.
Keep reading.

Thanks <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon