Chapter 22: Idiot...

18 4 0
                                    

Alieza's POV

"Aalis muna ako, Leanna, para tignan ang nangyayari sa labas." Sabi ko sa kanya.

Pero hindi niya ako sinagot at nakatingin lang siya sa pintuan.

"Leanna?" Tawag ko sa kanya.

"Hindi mo ba nararamdaman? May paparating dito."  Sabi niya ng seryoso.

Napatingin ako sa pintuan at pinakiramdaman ang aurang sinasabi niya. Nagulat ako dahil napakalakas ng aurang iyon at mabilis na parating sa kinaruruonan namin.

"Mag-magus mode ka na, Leanna!"  Sabi ko sa kanya.

Tumango  naman siya.

"Connecting to Luxuria. Execute Thema. "  Pagkonekta ko sa thema ko.

"Connecting to Avaritia. Execute Thema."  Pagkonekta rin ni Leanna sa Thema niya.

"Hindi kay Czarina nanggagaling ang malakas na kapangyarihan na ito."  Sabi ni Leanna.

Oo nga. Hindi ganito kalakas ang kapangyarihan  ni Czarina.

"Sino kaya 'yon?"  Tanong ko.

"Kung sino 'man siya pakiramdam ko, may masama siyang binabalak sa atin."  Kabadong sagot ni Leanna.

Ano kaya ang mangyayari?

Czarina's POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa loob pa rin ng paaralan at babaka sakaling makakuha ako ng kapangyarihan mula sa iba pang istudyante dito ngunit sadya yatang wala na sila. Nang bigla kong naramdaman ang malakas na aurang  na nagmumula sa hindi kalayuang mula sa kinaruruonan ko.

"Sino kaya 'yon?"  Tanong ko.

Ewan ko kung bakit pero bigla akong kinabahan kaya sinundan ko ang aurang nararamdaman ko. Nagteleport agad ako papunta sa aurang iyon ngunit sadyang mabilis siya at hindi ko siya naabotan. Tatakbo pa sana ako nang may biglang may naramdaman akong kapangyarihan sa palapit sa akin. Mabilis akong nagteleport. Napagulong pa ako sa sahig pagkateleport ko. Sobrang bilis ng pangyayari. Patingin ko kung sino. Si Damon pala. Nagulat ako sa aura niya dahil mas lalo siyang lumakas pero mas malakas ang aurang nararamdaman kong papunta sa clinic building.

"Sa akin ka dapat ituon iyang atensyon mo."  Sabi ni Damon.

Kaya napatingin ako sa kanya. Mukhang nakopya niya ang kapangyarihan ni Kiendra.

"Mukhang lumakas ka yata." Saad ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Lumakas talaga ako." May pagka-proud pa niyang sinabi.

"Maganda 'yan. So that I will be more powerful when I steal your  powers, again." Saad ko.

"Hindi na mauulit 'yon." Sabi niya.

Mataas ang self-confidence niya ngayon.

"Makikita natin 'yan." Sabi ko.

Bigla siyang napunta sa  harapan ko at mahahawakan na niya ako pero bigla akong nagteleport sa malayo sa kanya. Nanlalaki ang mata ko. Paano niya nagawa 'yon?

"Sayang muntikan na!" Bigla niyang sabi.

"Mukhang nagulat ka." Sabi niya sa akin na  naka-smirk pa.

Bigla akong napa-smirk sa inis.

"Nagulat mo nga ako doon. But you can't beat me." Pag-amin ko sa kanya.

"Mukhang pati ang kapangyarihan ni Lera, nakopya mo." Sabi ko sa kanya.

"Actually, pinakatiwala nila ang kapangyarihan nila sa akin." Sabi niya.

Kaya pala...

*boggssshhh*

Biglang malakas na pagsabog ang narinig namin muna sa hindi kalayuan sa amin at 'yong malakas na aurang naramdaman ko kanina.

Pero...

Bakit kinakabahan ako? At una kong naisip si Czelestine.

"Nasaan si Czelestine?" Mahina kong tanong dito sa Dark prince candidate.

"Huh?" Respond niya sa akin.

"Nasaan si Czelestine?!" Diin kong sabi na may halong takot at pag-aalala.

"Na-nasa clinic building siya-" Sabi niya.

Hindi ko na siyang hinintay magtapos sa sinasabi niya at bigla akong nagteleport sa clinic building kung saan may pagsabog na nangyari. Pagkarating ko doon puro usok ang nakita ko at nalanghap ko kaya paubo ako. Pilit kong hinanap kung nasan si Czelestine.

"Cze-*cough* Czelestine!" Sigaw ko.

Nakakita ako ng butas na nagmumula sa isang kwarto sa clinic. Agad akong nagtungo doon. Laking gulat ko ng nakita ko sila Alieza at Leanna nakabulagta sa sahig. Lalo akong kinabahan at kusang hinanap ng mga mata ko si Czelestine pero nakita ko ang isang nakalutang na babae at nasa harapan lang niya si Czelestine na walang malay pa. Nakita kong tumaas ang isang upuan kusa itong nawasak upang maging matulis na bagay. Wag mong sabihin papatayin niya ang kapatid ko.

"Pasensya na, ito kasi ang utos niya." Sambit niya at biglang gumalaw ang matulis na kahoy papunta sa kapatid ko.

Hindi na ako nag-alangan pa at agad akong naglaho papunta kung nasaan ang kapatid ko at hinarang ko ang sarili ko. Naramdaman ko ang matulis na bagay na tumama sa likod ko. Naramdaman ko ang hapdi at sakit pero pinilit kong hindi sumigaw sa sakit.

"Huh? Saan ka nagmula?" Sabi noong babae.

"Czarina!" Biglang sigaw ng dark-prince.

Mukhang pagod na pagod pa siya.

Pero parang nararamdaman ko ang pagkahina. Epekto ito ng tumama sa akin.

"Umalis ka na dito! Sabihin mo kay Kurt ang nangyayari dito!" Sigaw ko sa kanya.

Alam ko wala siyang laban dito sa babaeng ito. Si Kurt lang ang may kaya sa kanya. Kaya kailangan niya umalis at ako naman lalabanan ko siya hanggat makarating si Kurt dito. Proprotektahan ko ang kapatid ko because no body will. No one really care about us. Makakasarili silang lahat.

"Anong akala mo sa akin? Hindi ko kayo iiwanan dito!" Sabi niya.

Natulala ako sa kanya.

"Are you an idiot?! I'm giving you a chance to live. You can't beat her, stupid!" Sigaw ko sa kanya.

"Kahit naman ikaw! Hindi mo siya kaya lalo na sa lagay mo! And..." Napahinto siya sa sasabihin niya.

"Kaibigan ko sila kaya mamatay muna ako bago ko kayo iwanan." Sabi niya saka ngumiti sa akin.

Idiot...

---------------

Sorry for late ud. Very busy T.T Alam niyo naman kapag college na busy na T.T I hope na enjoy niyo itong chappy :)

Stay awesome

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon