Chapter 21: Gate of Lost Souls

16 4 0
                                    

Czarina's POV

"Sigurado ka ba dito, Czarina?" Tanong ni principal Kurt.

Ngumiti ako ng pilya.

"Syempre naman. Nanakawin ko muna ang kapangyarihan mo at gagamitin ko iyon upang matalo ang Trinity Seven." Pahayag ko.

"You're picking the wrong choice, my child." Sabi niya at nag-smirk.

Nagtaka naman ako.

"Ayaw kitang kalabanin, Czarina. You better find someone else." Dagdag niya saka siya tumalikod.

Napakagat ako sa lower lips ko sa inis.

"What,now?! Are you scared of me? O hindi mo ko kayang kalabanin dahil alam mong mas lalong magagalit sa'yo ang pinakamamahal mong Lera kapag sinaktan mo ko?" Saad ko na may pagkasarkastiko.

Napatigil naman siya sa paglakad. Napangiti naman ako. Umeepekto.

"Paano ba naman hindi magagalit si Lera sa'yo? Pinili mo ang sarili mong reputasyon kaysa sa kanya. Pinakulong mo ang matalik niyang kaibigan na si Leanna. Patuloy mong sinasaktan ang damdamin niya." Saad ko.

Humarap ulit siya sa akin. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Oh, did I hit a nerve?" Lalo kong pangangasar sa kanya.

"I know what you are doing, Czarina. You are just provoking me to fight you." Sabi niya.

Aw, hindi pa rin iyon umepekto sa kanya?

"But you really hit a nerve on me." Sabi niya saka niya tinanggal ang eyeglasses niya at tumingin sa akin ng seryoso.

Hindi ko alam sa sarili ko pero napaatras ako at pinagpawisan ng malamig. Tsk. Ito na ang oras ko para sugodin siya.Tatakbo na sana ako palapit sa kanya para umatake ngunit may biglang may nakita ako sa likodan niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko ang isang malaking pintuan sa likoran niya ngunit maraming mga kaluluwang tila nakakulong sa pintuan iyon at pilit na kumakawala.

"A-a-no 'yan?" Tanong ko

"Ah, you already saw that. Well, that thing behind me is my grimoire. It is the Gate of Lost Souls." Sagot niya sa akin habang nakangiti.

Gr-grimoire niya yan?

"Oh, take this as a advice. Wag mong masyadong titigan. Ang lahat ng taong tumititig ng matagal sa grimoire ko nababaliw o hindi kaya hinihigop paloob. " Dagdag niya.

Agad kong tinanggal ang tingin ko sa grimoire niya at tinitigan siya. Malakas ang tibok ng puso ko halatang kinakabahan ako pero hindi ko dapat ipahalata kanya ito. Iniba ko ang eskpresyon ng mukha ko na nakangiti.

"You really have a pretty dangerous grimoire but..." Sabi ko na lalo kong ikinangiti.

"That will make our game more interesting." Sabi ko.

"Oh my, you are really into me but I will end this, now." Sabi niya saka niya sinuot ang eyeglasses niya at nawala.

Nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Wait!" Sigaw ko ngunit nakaalis na siya.

Bakit?

Bakit?

Bakit?!

"Bakit lahat sila iniiwasan nasaktan ako?" Bulong ko sa sarili ko.

Principal Kurt's POV

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon