Damon's POV
Dumaan na ang tatlong araw simula nang huli namin paglaban kay Raven at kay Czarina. Pagkatapos ng araw na ito pwede nang makawala si Czarina at malalaman namin kung kasama ba namin siya o kaaway. Pero positive ako na magiging kasama namin siya. At saka may tanong din ako sa kanya kung anong meron kay Kate.
Hindi pa nagigising si Czelestine. Marami pa sana kaming katanongan sa kanya. Kagaya ng bakit gusto siyang patayin ng isa sa mga Ark seven?
However, I feel bad about what happened back then. Wala akong magawa habang pinaglalaruan kami ni Raven. Hindi ko 'man lang magamit kapangyarihan ko o hindi kaya ang kapangyarihan ni Rory.
"Damon. Damon." Tawag sa'kin ni Alieza.
"H-huh? Ano 'yon?" Tanong ko at tumingin ako sa kanya.
Mukha siyang nag-aalala.
"Kanina pa kita kinaka-usap pero hindi ka pala nakikinig. May problema ba?" Sabi niya na nag-aalala.
Nagulat naman ako. Kanina pa pala ako space-out. >_<
"A-ah eh... Marami kasi akong iniisip. Sorry." Sagot ko sa kanya at napakamot ng batok at napangiwi.
Nagbuga na lang siya ng hangin at nag-nod.
"Tara na. Baka magising na si Czarina." Sabi niya ng malungkot at naglakad.
Sumunod naman ako sa kanya pero bakit bigla siyang tumahimik? Siguro akala niya hindi nanaman ako makikinig. Napabuga na din ako ng hangin. Malapit na kami sa Room kung nasaan si Czarina pero nakita na namin agad si Althea nakaabang sa pintuan.
"O, Prez., bakit ka nandito sa labas?" Tanong ni Alieza.
Tumingin naman si Althea kay Alieza ng walang ka-ekspresyon ang mukha.
"Hinihintay ko si Halley. May pag-uusapan kami." Sagot ni Althea.
Bakit ngayon ko lang siya nakita? Last na nakita ko siya before kaming umalis upang ibinigay sa'kin ang kapangyarihan nila Keindra at Lera.
Nakita naman ako ni Althea. Ngumiti ako sa kanya pero nakapoker-face lang siya. Hindi talaga siya gaano palangiti.
"Yo." Greet ko sa kanya.
"Yo." Sagot niya rin sa'kin.
"Hmmm... magkasama kayo." Sabi ni Althea kay Alieza.
Biglang namula si Alieza.
"Hi-Hindi. Nakasalubong lang kami at sabay na pumunta dito." Sagot ni Alieza.
"Gising na ba si Czelestine?" Pang-iiba ni Alieza ng topik.
"Hindi pa." Sagot naman ni Althea.
"Hmmm... Althea." Tawag ko sa kanya.
"Bakit?" Sagot niya.
"Parang ngayon lang kita nakita ." Sabi ko at ngumiti.
"Did you miss me, Husband?" Sabi niya.
Halata naman nagulat kami ni Alieza sa sinabi niya.
Ewan ko kung tease ba 'yon o seryoso siya. Hindi ko siya mabasa, eh. Walang kaemos-emosyon ang pagkakasabi niya. >=<
"Just kidding." Sabi niya naman agad.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"I just went to investigate something that's why I'm gone for awhile." Sagot niya sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasiFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...