Halley's POV
Hi, ako nga pala si Halley Madeeson Fuentes, 17 years old. Ako ang pride ng trinity seven at kanang kamay ni Althea.
At ito ang nangyayari, ngayon...
"Anong ginagawa mo, Alieza?" Tanong ko kay Alieza.
"Hindi niyo siya pwedeng patayin." Ulit niya.
"Bakit naman?" Tanong ni Kiendra.
"Dahil..." Sabi ni Alieza.
Hmmm, hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Na-hypnotized na siguro siya ng dark-prince candidate. Hindi siya ganito, eh.
"Nakalimutan mo na ba ang mga pinangako natin sa isa't isa na hindi tayo papayag na masira ang mundo?" Sabi ko kay Alieza.
"Hindi ko nakakalimutan pero paano kung pwede natin siya iligtas? Paano kung may another way, not just by killing him?" Sabi ni Alieza.
Tsk, ano ba ginagawa nitong lalaking ito kay Alieza?
"Alieza, we have a enough reason to kill him." Sabi ni Kiendra.
"He's the dark-prince candidate for pete's sake and you used to be the cold one, here. What did he do to you?" Sabi ko sa kanya.
Hindi na siya nakapagsalita at parang napag-isip-isip niya ang sinabi ko.
"Kiendra, ikaw na ang bahala. Wala siyang laban sa'yo." Sabi ko kay Kiendra.
"Okay, boss." Sagot niya saka dumaan sa gilid ni Alieza at tinapik ang balikat ni Alieza na hanggang ngayon tulala pa rin.
"Mantra Enchant!" Pagamit ni Kiendra ng Thema saka tumalon at sumipa malapit sa lalaking 'yon. Hindi na namin nakita ang buong nangyari doon sa lalaki dahil sa masyadong lakas ni Kiendra lumakas ang hangin at tinagay nito ang mga nakapiligid na mga bagay kaya hindi namin maidilat ang mga mata namin.
Ang kapangyarihan ni Kiendra ay pangbihirang lakas. Lahat ng sinipa at sinutok niya ay namamatay o nasisira sa isang tira lang. Samantalang ako, ang kapangyarihan ko ay mag-analyzed ng mga kapangyarihan ng kalaban upang gamitin ito laban sa kanila at I also reflect their magics so hindi ako maaapektohan kahit gamitin nila ang kapangyarihan nila laban sa'kin.
Idinilat namin ang mga mata namin nang tumigil na ang malakas na hangin. Nakita na lang namin ang malaking butas mula sa pagsipa kanina ni Kiendra. Napangiti ako.
Wala na siya...
"No..." Bulong ni Alieza.
Tinignan ko siya sandali at saka papikit na umiwas ng tingin sa kanya.
"Tapos na. Tara na, Kiendra." Sabi ko kay Kiendra.
Pero hindi siya nag-response sa'kin kaya tumingin ako sa kanya.
"Bakit hindi pa rin tumitigil itong black-hole phenomenon?" Sabi niya habang parang hindi siya makapaniwala.
Kahit ako nagulat dahil patuloy pa rin ang black-hole phenomenon at patuloy na pagsira ng school.
"Posible kayang buhay pa siya?" Sabi ni Alieza.
"Imposible." Sabi ni Kiendra.
Damn, masyado ko yatang minaliit ang kakayahan niya.
Damon's POV
Pagdilat ko nasa napakadilim na paligid. Bumangon ako kahit nangangapa ako sa dilim. Bakit kaya ako nandito? At saka wala na ang sakit sa puso ko? Posible kayang patay na'ko?
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
