Chapter 12: Saving operation

29 3 0
                                        

Damon's POV

"Oo, nakakapagsalita ako." Sabi ni Akky na para bang pinamamalaki niya ito.

Wow, ang weird pero ang cool.

"Pero hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang pagsasalita ko." Sabi ni Akky.

Tama siya. Si Leanna...

"Paano nakapasok ang mga devils dito?" Tanong ni Alieza.

Napansin ko si Lera na katabi ni Alieza. Ang seryoso ng mukha niya hindi kagaya ng dati na calm eskpresyon siya.

"Hindi namin alam kung saan sila nanggaling basta ang sabi ni Akky biglang nagsidatingan ang mga Devils." Sagot ni Halley.

"Sa tingin niyo may kinalamaan dito si Earl?" Tanong ni Althea in monotone.

Tumahimik sila sa sinabi ni Althea. Sino ba talaga si Earl?

"Hindi muna mahalaga kung may kinalaman si Earl dito o wala. Ang mahalaga ay maligtas niyo ang katawan ni Leanna mula sa mga Devils." Sabi ni principal Kurt.

"Ano ba 'yong mga Devils na sinasabi niyo?" Tanong ko sa kanila.

Hindi na kasi ako makarelate sa pinag-uusapan nila.

"Devils are tortured souls who Earls made to ease their suffuring by killing people or magus." Sagot ni Althea in monotone pa rin.

Wala talaga siyang expression.

"Dapat kayong magtu--" Sasabihin sa na ni Principal Kurt pero Halley interfere.

"Kami lang ni Kiendra ay kaya na sila. Hindi na namin kailangan ang tulong o makipagtulongan jan sa Pervert na 'yan." Saad ni Halley saka siya tumalikod at tinignan ako ng masama. Saka siya naglakad palabas.

Pervert? T_T Kailan pa 'ko naging pervert?

"Init naman ng ulo ni Halley." Sabi ni Kiendra habang nakangiti pa at sinundan si Halley.

"Oh my, oh my. Mukhang hindi kayo magkasundo ni Halley, Damon." Sabi ni Principal Kurt habang nakangiti.

*Boosh!*

Biglang hampas ni Lera sa lamesa ni Principal Kurt. Mukhang nasira pa yata 'yong lamesa parang may hati sa gitna, eh. O.O

"Bakit nakukuha mo pang ngumiti
jan ? Kasalanan mo kung bakit siya nasa dungeon!" Sabi ni Lera galit na galit.

First time ko siyang nakitang ganyan. Sa ilang besses na nakita ko siya palagi siyang calm at palangiti pero ngayon parang nag-aalala at nagagalit siya.

Tahimik lang si Principal Kurt at kaming lahat.

"Tsk! Ililigtas ko siya!" Sabi ni Lera at umalis.

"Sasama ako sa kanya." Sabi ni Althea at tumayo.

"Sasama ako sa kanila, principal Kurt." Sabi ni Akky at binuhat naman siya ni Althea.

Tumalikod na sila at aalis.

"Wait lang, sasama rin kami ni Damon." Sabi ni Alieza at hinawakan kamay niya ang kamay ko sabay hila niya pasunod kayla Althea.

Hindi na'ko umangal dahil gusto ko rin tulungan si Leanna. Naabotan naman namin si Lera. Mukhang nagpupunas siya ng luha.

"Lera, tutulong kaming iligtas si Leanna." Sabi ni Alieza.

Nakita lang namin siya tumango. Siguro ayaw niyang makita namin siyang umiiyak. Nauna siyang maglakad sa'min at sumusunod kami sa kanya. Nalalakad kami papuntang dungeon.

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon