Damon's POV
Tama ba ang pinasukan ko?
Nakatingin lang siya sa'kin.
" Hindi ka magrereak?" Tanong ko.
"Bakit naman?" Sabi niya para talagang wala siyang paki sa nangyayari.
"Lalaki ako at babae ka, at nearly naked tayong dalawa?" Sabi ko.
"I don't mind." Agad niyang sabi.
Unbelievable. Napagulo ako sa buhok ko at tinignan siya pero expressionless pa rin siya.
"Dapat simisigaw ka na ngayon eh. Kahit waaahh man lang!" Sabi ko at napatayo.
"Okay, parang ganito ba 'waaahh'" Sabi niya pero walang kaemosyon-emosyon.
I give up. =_=
Makatingin nga kung sa panlalaki ako pumasok. Humahon ako at lumabas. Pagtingin ko panlalaki naman pinasukan ko bakit may babae? O.O
Do-don't tell me multo ni Kate 'yon. T_____T Waaahh!
"Kyaaaaaaaahhh!" Sigaw ng isang babae.
Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Si Alieza pala na Tumalikod. Napatingin ako sa sarili ko. Oo nga pala, nakasapin lang sakin ang isang towel.
"Wahahahaha 'yan dapat ang tamang reaksyon ng babae kapag may nakita siyang nearly naked na lalaki!" Sabi ko habang tumatawa at tinuturo siya.
"For pete's sake, Damon, magsuot ka ng damit kapag lalabas ka galing sa cr o paliguan." Sabi nito.
Napatigil ako sa pagtawa at sumeryoso.
"Eh kasi naman, nakita ko si Kate sa loob." Sabi ko.
Napaharap siya sa'kin.
"Kate?" tanong niya pero naiwas siya ng tingin sa'kin saka namula siguro sa dahil sa suot ko.
"Althea..." Binulong niya na hindi ko masyadong narinig.
Naglakad siya papasok sa panlalaking hot spring.
"Hoy bakit ka rin papasok?" Sabi ko pero nakapasok na siya.
Guys wag niyong gayahin ang mga babaing 'to. T_T Nakakatakot.
"Althea! Anong ginagawa mo rito sa panlalaking hot spring?!" Rinig ko.
Althea?
Kaya dali-dali akong pumasok.
"I don't mind." Sabi naman nung kamukha ni Kate.
Tapos nakita niya ko.
"Waaaah..." Sabi niya without expession and emotion.
Ang labas tuloy ang weird at pilit.
"Late reaction ka, Althea." Sabi ni Alieza.
"This is so difficult." Sabi nung kamukha ni Kate in monotone pa rin.
"Damon meet Althea. Althea this is Damon." Sabi ni Alieza.
"Althea? Akala ko si Kate ka. Ha ha ha." Sabi ko.
"That must be my twin and you must be the dark-prince candidate, Damon Salvatore." Sabi ni Althea.
Kambal niya si Kate?
"I'm Althea Vernon. I am the Student President and the president of Trinity Seven. I'm also the twin sister of you-so-called Kate." Dagdag niya.

BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...