Damon's POV
Pagkabukas ni Lera ng pinto sumalubong sa'min...
Wala.
Walang kahit ano.
"Tsk! Masama 'to baka nakapunta na ang mga devils sa room ni Leanna." Sabi ni Alieza.
"Kailangan natin magmadali." Sabi ni Lera.
Tumango kami at nagsimulang tumakbo paloob. Seryoso ang lahat pati si Lera na ngunguna sa'min.
"Rory." Bulong ko kay Rory.
"Yes, master?" Sagot niya.
"May iba pa bang magic under imperium bukod sa end para magamit?" Tanong ko habang tumatakbo pa rin.
"Meron pa, ang Imperium:copy. Kaya nito kagayahin ang kapangyarihan ng iba, master pero may sinusunod lang ito na mga proseso." Sagot ni Rory.
"Anong mga proseso?" Tanong ko.
"Kailangan ko makita at ma-analyze kung paano nila nagagawa ang kapangyarihan nila at i-save sa data ko." Sagot ni Rory.
"I see." Sabi ko.
"Rory, simulan mo nang panuodin at isave ang mga data ng kapangyarihan nila." Sabi ko kay Rory.
"Got it, master." Sagot niya.
Bigla naman sila huminto sa pagtakbo kaya napahinto rin ako. Pagtingin ko sa harapan namin meron akong nakitang mga weirdong creatures. Ito ba 'yong sinabi nilang Devils?
"It looks like we got company." Sabi ni Lera at inilagay pa niya ang isang kamay niya sa bewang niya at ngumiti.
"Oh, right! Makaka-warm up na'ko." Sabi naman ni Kiendra habang nagpi-finger cracking at nakangiti.
Amazona yata ito, eh? >_<
"Kami na ang bahala ni Lera dito kaya mauna na kayo." Sabi ni Kiendra.
Tumango naman kaming lahat.
"Reconnecting to Invidia Archive. Execute Thema." Pagkonekta ni Lera sa Archive niya.
"Reconnecting to Gula Archive. Execute Thema." Pagkonekta ni Kiendra sa Archive niya.
" Fides: Mantra Enchant." Pagamit niya ng Thema ni Kiendra.
Iyon ang ginamit niya sa'kin noong papatayin niya sana ako.
"Expectatio: Shadow blades." Pagamit ni Lera sa Thema niya.
May lumabas na parang mga aninong espada sa dalawang kamay niya. Ang galing.
"Tara na, Husband." Sabi ni Althea saka niya hinawakan kamay ko at hinila niya ako.
Sumunod lang ako sa kanya sa pagtakbo at nakatingin lang ako sa mga kamay namin. Nakikita ko tuloy sa kanya si Kate. Ganyan rin ang ginagawa niya sa akin tuwing mabagal ako maglakad. Bigla naman kaming napahinto sa pagtakbo dahil ang daming mga devils ang nakaharang sa dadaanan namin at makikita mo sa dulo ang isang malaking pinto na pilit nilang sinisira buti na lang parang ipinoprotekhan ng isang panangga kaya hindi nila masira ang pinto at makadaan.
"Tsk! Naunahan na nila tayo." Sabi ni Halley.
Ang dami nila. Makakaya kaya namin sila. Binitiwan ni Althea ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Reconnecting to Ira Archive. Execute Thema." Pagkonekta niya ulit sa Archive ni Althea.
But this time may biglang lumabas na libro sa kamay niya.

BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...