Damon's POV
Napadilat ako ng mata pagkatapos kong mapaginipan ulit si Kate. Nagulat ako ng nasa isang hindi pamilyar na silid ako kaya bigla akong napa-upo.
"Sh*t!" Daing ko ng naramdaman ko ang pagkabigla ng tyan kong may sugat.
Oo nga pala, natamaan ako ng pana. Napahawak ako sa tyan ko pero nakita ko 'yong bigay ni Kate na libro nakasabit sa kamay ko.
"Pero nasaan kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko.
Mukha naman nasa hospital ako kasi puro puti ang nakikita at nakasuot ako ng pang pasyente.
May bilang pumasok na doktor yata kasi naka-lab gown. Nagulat naman siya ng nakita niya na gising na'ko.
"Gising ka na pala. Ako si Dr. Heiden Buenaflor Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng doktor.
"Okay naman po. Medyo nabigla lang itong sugat ko sa biglang pag-upo." Sabi ko.
Agad naman siyang lumapit sa'kin at itinaas ang t-shirt ko.
"Buti hindi dumugo ulit. Sa susunod mag-ingat ka ah? Para mabilis gumaling 'yan." Pagpapaalala ng doktor.
"Opo. Ah, dok , paano po ba ako nakapunta dito?" Tanong ko.
"Ah, si Alieza ang nadala sa'yo. Buti nga nadala ka niya agad dito." sagot ng doktor..
Si Alieza rin pala ang tumulong sa'kin...
"Speaking of, kailangan ko siyang i-inform sa paggising mo. Palagi ka kasi dinadalaw noong hindi ka nagigising." Sabi niya saka siya lubas saglit at medyo narinig ko na may inutusan siya.
Pumasok siya ulit.
"Dok, ilang araw na po ba ako natutulog?" Tanong ko.
"May mga tatlong araw na." Sabi niya.
Tatlong araw ?! O.O
"Ganun po ba, salamat po sa lahat." Sabi ko at ngumiti siya sa'kin saka umalis.
Sandali pa at may biglang nabukas ng pintuan. Nakita kong pumasok si Alieza.
"Totoo palang gising ka na. Buti naman." Sabi niya at sinara ang pinto.
"Kamusta pala ang pakiramdam mo?" Tanong niya saka umupo malapit sa pinaghihigaan ko.
"Okay naman." Sagot na at ngumiti naman siya.
"Salamat pala ah. Sa pagpunta sa'kin dito." pagpapasalamat ko sa kanya.
"Na-na'ko okay lang 'yon. Responsibilidad ko na gawin 'yon dahil ako lang ang nandun." Sabi niya habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri niya.
"Kahit na salamat pa rin." Sabi ko na nakangiti.
Namula siya. Ang cute >...<
----------------
After two days, nakalabas na'ko ng hospital este clinic ng school. Grabe akala ko talaga hospital kasi buong building 'yong clinic nila kaso clinic pala ng school.
Sa two days na 'yon medyo nakilala ko si Alieza. Mahiyain siya pero kung minsan nakakatakot kapag inasar mo at naasar siya. XD
By the way, kasama ko rin ngayon si Alieza papuntang school. Kasi lilipat na 'ko para mag-aral maging magus. Pagkapasok namin sabi niya punta muna kami sa principal kaya pumunta muna kami sa principal room. Nang nakarating kami. Agad siyang kumatok.
"Come in." Narinig naming tinig mula sa lalaki sa loob.
Agad niyang binuksan ang pinto. Tapos na sign siya sa'kin na pumasok. Pagkapasok ko, pumasok rin siya at sinarado ang pinto. Nakita ko ang isang nakangiting lalaking nakasalamin pero hindi siya mukhang matanda pero mas mukhang matanda sa'min ni Alieza.
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
