Chapter 16: Vengeful Soul (Part 1)

15 4 0
                                    

Alieza's POV

Naglalakad ako ngayon sa corridor papuntang klase ko. Pagkapasok ko sa silid-aralan. Narinig ko ang pinag-uusapan ng mga estudyante ko.

"Walang nakakaalam kung sino ang may gawa ng pagkabasag ng mga salamin ng bintana sa second floor." Rinig kong sinabi ng isa sa mga estudyante.

"Anong ba ang nangyari sa second floor?" Tanong ko bigla sa estudyante ko.

"Nabasag daw ang mga salamin ng bintana sa second floor. Sabi nila kagawan daw ng isang magus pero hindi pa nila alam kung sino." Sagot niya.

Sino kaya may gawa noon?

Hindi na'ko nagdalawang isip. Nagpaalam muna ako sa klase ko na hindi muna kami magkaklase ngayon. Mas mahalaga kung titignan ko muna ang nangyari sa kabilang building. Pagkadating ko nakita ko kaagad si Halley at Kiendra kung saan maraming bubug ang nakakalat sa sahig at mga sirang bintana

"Anong nangyari dito?" Agad kong tanong sa kanila.

Tinignan naman nila ako.

"Black hole phenomenon." Simpleng sagot ni Halley.

"This time, sino ang may gawa?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa namin alam... Pero baka naman ang pervert mong dark prince candidate." Sagot sa'kin ni Halley.

Napa-pout naman ako. Galit pa rin siya sa'kin sa ginawa kong pagpigil sa pagpatay kay Damon.

"That is rude. Don't accused someone who is nothing to do with this, Halley." Tinig ng nakikilala kong boses.

Czarina .

Agad kaming tumingin sa kanya. Si Czarina nga na nakangiti.

"Long time no see. And that will probably my fault, anyway. I messed up with my magic but I'm in control, now." Sabi niya na may halong pangangasar.

"Where have you been?" 'Yan lang ang tanong lumabas sa bibig ko.

"S-E-C-R-E-T" Sagot niyang may pagkasarcastiko at saka niya ko kinidatan

"Anong ba ang kailangan mo, Czarina?" Tanong ni Kiendra.

Tinignan naman niya si Kiendra.

"Kien, nandito ka rin pala." Sabi ni Czarina.

"Ouch naman, hindi ba ako ganoon kalaki para hindi mo mapansin pero sagotin mo ang tanong ko, Czar." Sagot sa kanya ni Kiendra.

Ngumiti naman si Czarina ng pilya.

"You will know soon but for now, ciao." Sagot ni Czarina na may pilyang tawa at biglang nawala.

"Kailangan natin siyang mahanap. May hinala ako na binabalak siyang hindi natin nagugustohan." Sabi ni Halley na nakatingin sa bolang crystal niya.

Ano ba ang nangyayari sa'yo, Czarina? Did Aly's death really breaks you?

Damon's POV

Naglalakad ako papuntang main building para pumasok sa klase. Nakita ko naman si Althea na nakaupo sa bench sa labas ng dorm. Hmm, puntahan ko kaya siya? 'Di bale mamaya pa naman ang klase ko. Binilisan kong naglakad palabas papunta kay Althea na kasalukayan busy sa pagsulat.

"Hey." Pagbati ko sa kanya.

Tinignan naman niya ako.

"Hey." Sagot niya at tinuloy ang pagsusulat.

"Ano 'yang sinusulat mo?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Paper works." Simpleng sagot niya.

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon