Chapter 20: Innocent Sinner's Memory

26 4 2
                                    

Damon's POV

Sinundan ko lang ang maliit na Kiendra kasama ang mama niya. Halatang masayang-masaya siya. Hindi naman nila ako napapansin siguro hindi nila ako nakikita. Sinundan ko lang sila hanggang napunta sila sa isang bayan. Nagulat naman ako noong biglang nagdilim at sumiklab ang apoy at puro sirang ang mga bahay. Puro nakahandusay na katawan sa paligid. Hinanap ko agad sila Kiendra at nakita ko naman ang mama niya sa ilalim ng puno. Mukhang may malalim na sugat siya sa bandang tagiliran kaya nakaupo lang siya nasa harap naman niya ang isang taong nakamaskara ng puti.

"Do you fear death?" Tanong nito sa mama ni Kiendra.

Tinignan naman siya ng napakatapang na tingin ng mama ni Kiendra at bigla siyang dinuraan.

"Hindi, Earl! Go to hell! Damn you!" Sagot ng mama ni Kiendra.

Earl? Siya ba ang kasalukuyang dark prince?

"Napakatapang mo talaga, Sarah." Sagot ni Earl habang naglabas siya ng panyo at pinunasan ang dura mula sa kanya.

"Sige, I will grand your death wish." Sabi ni Earl at kinuha niya ang isang payong na naging espada.

Tatakbo na sana ako upang pigilan siya ngunit ang batang Kiendra ang pumigil sa kanya sa pamamagitan pagbato sa likodan ni Earl ng bato. Tinignan naman siya ni Earl.

"No! Tumakbo ka na, Kiendra!" Sigaw ko kahit alam ko na walang makakarinig sa akin.

"Kiendra umalis ka na dito!" Sigaw ng mama niya pero huli na ang lahat dahil biglang napunta si Earl sa likodan ni Kiendra.

"Ano ka ba, Sarah? Bakit mo papaalisin na ang mabait mong anak? Nagsisimula pa lang ang kasiyahan. Hindi ba, sweety? " Sabi ni Earl.

Nanginginig naman si Kiendra sa takot.

"Gusto mo ba maglaro tayo?" Tanong ni Earl.

Umiling si Kiendra.

"Wag mo siyang idamay dito, Earl!" Sigaw ng mama niya.

"Shhhhhh..." Pagpapatahimik ni Earl sa mama ni Kiendra.

Naiiyak na si Kiendra ngunit pinipigilan niya ito.

"Wag kang mag-alala, masaya ito. Kayo lang ni mama ang maglalaro. Simple lang naman ang rule ng laro natin, eh. Mamimili si mama kung buhay niya o buhay mo? At kung ano 'man ang pipiliin niya, ikaw ang gagawa. Kapag buhay mo papatayin mo ang sarili mo pero kapag buhay niya papatayin mo siya." Pagsabi ni Earl at ibinigay niya ang espada kay Kiendra.

Ayaw kunin ni Kiendra ulit kusang kinuha ng kamay niya ang espada kaya hindi niya mapigilan umiyak.

"Ngayon, Sarah, mamili ka." Sabi ni Earl.

"Ma, please piliin mo ang buhay ko." Paghayag ni Kiendra.

Umiling ang mama ni Kiendra at ngumiti ng tipid.

"Buhay ko. Ako ang patayin mo, Earl!" Sigaw ng mama niya.

"Hahaha Sorry, Sarah pero hindi ako ang papatay sa'yo kundi ang sarili mong anak. Hanggang sa muli natin pagkikita Sarah, iyon kung makikita pa tayo." Sabi ni Earl saka siya umalis kasabay ng paglakad ni Kiendra patungo sa mama niya.

Pilit niyang pinipigilan ang mga paa niya ngunit kusa itong lumalakad.

"Ma... Hindi ko mapigilan ang sarili ko." Pahayag ni Kiendra na umiiyak.

"Okay lang, Kiendra." Pahayag ng mama niya na lumuluha na rin.

"Ayaw kitang patayin, mama." Sabi ni Kiendra na pilit pinipigilan ang sarili niya.

"Alam ko,anak kaya okay lang. Tandaan mo lahat ng tinuro ko sa'yo at tandaan mo na hindi ikaw ang pumatay sa akin, ah?" Sabi ng mama niya.

Palapit naman ng palapit si Kiendra.

"Wag mong sabihin 'yan, ma!." Sabi ni Kiendra na humahagulgol na.

"I need you! I still need you, mom..." Dagdag ni Kiendra.

Ilang lakad na lang ang lapit ni Kiendra sa mama niya.

"Kiendra, anak, mahal na mahal kita." Sabi ng mama niya.

"Ma-mahal na mahal din kita." Sabi ni Kiendra.

"Ipikit mo ang mga mata mo." Sabi ni mama niya at ngumiti.

Tumango naman si Kiendra at dahan-dahan pumikit habang humahagulgol.

"Wag mong ididilat hanggang sa matapos ito." Bilin ng mama niya.

Pinilit na tumayo ng mama niya at sinalubong siya ng yakap.

"Sorry anak kung mag-iiwan ako ng sugat sa puso mo." Sabi ng mama niya bago siya sinaksak ng espadang hawak ni Kiendra.

Natumba naman ang mama niya sa kanya pero naalalayan siya ni Kiendra kaya hindi sila natumba. Naidilat ni Kiendra ang mga mata niya. Nakita niya ang mama niyang nag-aagaw buhay na.

"I'm so sorry, ma." Sabi ni Kiendra sa pagitan ng mga iyak niya.

"It's not your fault." Sabi ng mama niya.

"Stay strong." Huling salita ng mama niya sa kanya hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng hininga at bumasak sa lupa.

Umiyak nang umiyak si Kiendra at nagdasal ng walang tigil. Napapikit naman ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkadilat ko nakita ko ang dalagang Kiendra sa harapan ko. Nakabalik na ako sa realidad.

"What just happened?" Tanong ko.

"Save her." Sabi ni Kiendra bago siya nahimatay.

Sinalo naman siya ni Lera para hindi siya biglang bumagsak sa lupa. Napahawak naman ako aa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kaya dali-dali ko itong pinunasan.

"Kung ano ang nakita mo kanina, iyon ang mapait na alaala ni Kiendra at pinagkatiwala niya sa'yo ang buong kapangyarihan niya kaya gawin mo ang dapat mong gawin." Pahayag ni Halley sa akin at hinawakan niya ang kamay ko at ipinakita niya sa akin ang isang tatak nasa kamay ko.

"Simbolo iyan ng Gluttony." Sabi niya.

Hindi ko sasayangin ang ipinagkatiwala mo sa akin, Kiendra. Bigla naman lumapit sa akon si Lera at hinawakan ang kamay ko at bigla niyang kinagat ang hintuturo ko.

"Ayan ipinagkakatiwala ko rin sa'yo ang kapangyarihan at kaligtasan ni Czarina." Sabi ni Lera.

Tumango naman ako.

"Ngayon sasabihin ko na ang gagawin mo sa mga kapangyarihan na iyan." Sabi ni Halley.

Principal Kurt's POV

Naglalakad ako sa corridor ng nakita ko si Czarina na nakaharang sa dadaanan ko.

"Hello, principal." Pag-greet niya sa akin.

"Hello, Czarina. Mukhang hinihintay mo ako, ah?" Sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Yeah, kinda. I guess I am your next date." Sabi niya at ngumiti ng pilya.

"I see, I see." Sagot ko at ngumiti rin sa kanya.

----------------

Second ud for today hahaha

Thank you for reading :)

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon