Damon's POV
"Are you ready, master?" Tanong ni Rory nakatayo sa harapan ko ngayon at handang gawin ang ano mang sasabihin ko.
Tumango ako sa kanya at ganoon din siya.
"Connecting to Luxuria Archive. Execute Thema." Pagkonekta ni Nick sa kapangyarihan niya.
Napatingin sa kanya na may pagkabigla sa aming mga mukha. Akala ko ba ang Trinity Seven at dark prince/ss candidates lang ang pwedeng gumamit ng Archive na seven deadly sins.
"I guess the rumors are true about the Ark's Noah." Sabi ni Rory.
"Anong ibig mong sabihin doon, Rory?" Tanong ko sa kanya.
"Sila ang parang Trinity Seven ni Earl. Tinawag lang sila na Ark's Noah dahil sa mga cross nasa noo nila." Sagot ni Rory.
So ibig sabihin ang tinatawag nilang Earl ay...
"Ang tinatawag nilang Earl ay ang dark prince, ngayon?" Tanong ko.
"Oo, siya ang kasalukuyang Dark prince." Sagot niya ulit.
"Oh, okay. Naliwanagan na'ko kung sino ba si Earl at kung sino ang Ark's Noah." Sabi ko.
"Kaya ituloy na natin ang laban ngayon." Tuloy kong sabi at tinignan si Nick.
"Bring it on, dark prince candidate." Sabi niya.
"Imperium: COPY. Mantra Enchant." Paggamit ko ng kapangyarihan ko.
Naramdaman ko naman lumakas ang buong katawan ko. Kaya sinubukan ko tamaan si Nick sa pagsuntok sa kanya kaso mabilis siyang nakaiwas at ang dingding ang nataman ko pero nasira ito. Wow ! Ang lakas ng kapangyarihan ni Kiendra.
"Nakakagulat iyon. Hindi ko naasahan na makakagaya ka ng kapangyarihan mula sa ibang Archive." Sabi ni Nick na medyo pa gulat.
"Not bad for a dark prince candidate but still you can't defeat me by that." Dagdag niya at ngumiti.
Nakakatakot na presensya ang lumabas mula sa kanya.
"Ako naman ngayon. Terminus: DEATH BUTTERFLIES." Pagkasabi niya noon may lumabas na mga paro-paro mula sa katawan niya at lumilipad ito papunta sa'kin.
Ano kaya nagagawa niyan?
Sinubukan kong kumilos para iwasan ang mga paro-paro pero hindi ako makagalaw. Malapit na sila sa'kin.
"Ruina: DESTROY." Narinig kong sabi ni Althea at may isang malaking double headed axes na dumaan sa paningin ko at saktong natamaan lahat ng paro-paro ni Nick.
Kaso biglang nasira at sumabog ang mga paro-paro pati ang sahig kaya tumapis ako at bumagsak.
Ouch, ang sakit noon ah. Paghimas ko sa bandang likod ko at pilit umupo. Puro usok ang nakikita ko hanggang nawala ang mga usok. Nakita ko si Althea na nakatayo pati si Nick. Pagtingin ko sa likod ko nakita ko rin ang iba pang trinity seven na nakatayo na hindi masyadong malayo sa kinaroroonan ko. Nakita ako ni Alieza at biglang tumakbo papunta sa'kin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya at tinulungan ako na tumayo.
"Oo." Sagot ko nang nakatayo na 'ko.
Niligtas ako ni Althea.
"You saved him, Althea the wrath." Sabi ni Nick.
"I won't let you to kill my future husband." Sabi ni Althea in monotone as usual.
Biglang tumawa si Nick at tumingin kay Althea ng nakakatakot.
"Nick, umalis ka na jan. Tapos na ang trabaho mo." Sabi ng isang boses ng lalaki na hindi ko nakikilala.
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasiFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
