Damon's POV
"Huh?! Ar-are you serious?" Sabi ko.
"Yes." Sagot ni Halley na seryoso ang mukha.
"Kapag nakipaglaban ako sa kanilang dalawa baka gutay-gutay na ako o hindi kaya mamatay ako!" Sabi ko.
Seryoso ba talaga siya na kakalabanin ko itong dalawang nakakatakot na amazonang ito? Nakita ko na kung paano sila nakipaglaban. There is no way that I could beat them. >__<
"Ito lang ang tanging paraan para matutunan mo kung paano gamitin ang kapangyarihan namin ni Lera." Sabi ni Kiendra habang nag-fifist-cracking pa siya.
"Don't tell me natatakot ka sa amin ni Kiendra, Mr. Dark prince candidate?" Pangangasar sa akin ni Lera.
Napapikit ako at hinilot ang sentido ko. Huminga ako ng malalim at...
"Ano sa tingin niyo ang kaya ko sa inyong dalawa?!" Sigaw ko sa kanila.
"Wag kang mag-alala meron sa'yo ang grimoire mo na si Rory. Mabubuhay ka kahit na bogbugin ka namin." Sabi ni Lera.
Hindi ko naman pwedeng gamitin si Rory sa laban sa kanila. =_____=
"Wala ng oras para magtalo para dito. Simulan niyo na." Sabi ni Halley.
She completely ignored what did I just said. O.O
"A-ano-?!" Pagproprotesta ko sana ulit.
Booggsshh!
Nagulat ako ng malakas na pagsabog sa harapan ko. Medyo napaatras ako buti na lang at nababalanse ko pa ang sarili ko. Puro usok lang ang nakikita ko pero ilang sandali lang may nakita akong kamay papunta sa mukha ko kaya mabilis akong umiwas. Pagkaiwas ko ramdam ko ang lakas ng suntok na tatama sana sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang may kutsilyo na nakatutok malapit na malapit sa mata ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Malakas ang kabog ng puso ko. Nawala ang usok ka pumapaligid sa amin nakita ko si Lera na nakahawak sa kutsilyong nakatutok sa 'kin . Nakita ko rin si Kiendra na nakatayo sa likod niya. Sigurado ako siya ang sanhi ng pagsabog kanina at pagsuntok sana sa'kin.
"Ano ba 'yan? Akala ko magiging masaya kang kalaban dahil sa pinakita mong nakakatakot na aura sa laban kay Czarina kanina." Sabi ni Kiendra habang nagkakamot ng ulo.
Huh? ._.
"Sayang ang pamimilit natin kay Halley kanina para dito." Sabi ni Lera at binaba ang kutsilyo niya.
Anong nangyayari...? Pinilit nila si Halley para ano?
"Sabi ko sa inyo dumiretsyo na lang tayo sa dapat niyong gawin para matapos na ito. Mapilit kasi kayo." Sabi ni Halley.
...
...
-_________-
Okay...
pinaglaruan nila ako?! +___+
Ibubuwis nila ang buhay ko para lang masubukan ang kakayanan ko. =____=
"Sorry boss." Pagpapasensya ni Kiendra.
"Waaaahhh! Dapat magsorry rin kayo sa akin dahil muntik niyo na ako mapatay kanina! " Sigaw ko.
"Relax, dude. Buhay ka pa." Sabi na ni Lera at tumawa.
Napa-facepalm na lang ako sa kanila.
"Pero isa pa." Pagkasabi ni Lera.
Agad akong napatingin sa kanya. Bigla siyang napunta sa harapan ko at winasawas niya ang kutsilyo niya sa akin. Agad ko itong iniwasan. Napansin ko naman si Kiendra sa tabi ko nasusuntokin ako kaya mabilis akong umiwas pero 'yong lakas ng hangin na nanggagaling sa suntok niya, ang naging sanhi ng pagkawalan ng balanse ko sa sarili ko kaya naihangin ako. Naramdaman ko na tumama ako sa bagay na medyo malambot at bumagsak ako padapa. Pagdilat ko medyo inangat ko ulo ko. Medyo blurry pa ang paningin ko. Nakakita ako ng drawing na pusa. Kinuskus ko pa ang mata ko, pusa na nakaprinted sa puting tela na parang...
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
ФэнтезиFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...