Leanna's POV
Pagkatingin ni Kuya Damon kay Ate Althea. Tahimik lang siya at saka nag-iba ang aura niya. Hindi ko maipaliwanag pero parang natatakot ako sa kanya. Parang umurong ang dila ko para tanungin kung okay lang ba siya. Dahan-dahan siyang tumayo. Natulala lang ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang tumayo.
"Kuya..." Bulong na napagtawag ko sa kanya.
Lumunok ako at nagkagat labi.
"Kuya!" Lakas loob kong pagtawag sa kanya.
Tumingin lahat sa'min pero hindi niya ako pinansin.
"Czarina Khate Morgan." Sambit niya sa pinakamalamig na tono.
Napaatras ako. Hindi siya ang Kuya Damon ko. Hindi siya ang Kuya Damon na nakilala ko. Nakita ko si Ate Czarina na nagulat, ay mali, natakot at umatras at ganoon din sila Ate Kiendra, Lera at ang iba pa.
Czarina's POV
"Czarina Khate Morgan." Sambit ng Dark- prince candidate sa pangalan ko ng napakalamig na boses habang nakangiti ng nakakatakot.
Nakaramdam ako ng panlalamig ng kamay ko at paglabas ng malamig na butil ng pawis mula sa'kin. Kusa akong mapaatras.
Lub dub
Naramdaman ko ang pagkawala ng kapangyarihan niya sa sistema ko kaya napahawak ako sa puso ko. Paano niya nabawi ang kapangyarihan niya ng ganoon lang?
Ito ba ang kapangyarihan ng isang dark-prince candidate. Napalunok ako. Pinikit ko ang mata ko at huminga saka ngumiti. Keep yourself together, Czarina. Hindi mo dapat ipakita sa kanila na natatakot ka.
"Oh my, oh my, I guess I need to retreat for now." Pagtaas ko ng kamay ko simbolo ng pagsuko ko.
Usually, hindi naman ako sumusuko ng tuloyan pero baka may magising ako dito sa dark-prince candidate na ito, na hindi ko dapat magising.
Napatingin ko sa kababata kong kapatid. Nakita ko na masama ang kalagayan niya. Kaya bigla akong pumunta sa kanya. Wala na akong paki kung pagtulongan nila akong huliin ngayon pero mas kailangan ko muna maibalik ang kapangyarihan ng kapatid ko. Lumuhod ako saka ko hinawakan ang kamay niya.
Lumapit ako sa walang malay niyang mukha saka ko hinalikan ang noo niya at binalik ang kapangyarihan niyang kinuha ko.
Saka ko dinikit ang palad niya sa pisngi ko habang nakatingin sa kanya.
"I'm sorry, sis." Sabi ko saka ako pumikit at dinamdam ang palad niyang matagal ko nang hindi nararamdaman mula noong umalis ako.
Simula nang tinalikuran ko ang lahat.
"Ate?" Sambit niya saka siya tumingin sa akin.
"I'm here. How do you feel?" Tanong ko sa kanya.
"I feel awesome. Thanks to you." Sagot niya na nakangiti at halatang nanghihina pa.
"Alam mo na hindi ako hihingi ng kapatawaran, hindi ba?" Sabi ko sa kanya.
I feel so selfish.
"I know." Sabi niya at ngumiti ng tipid.
Aalis na sana ako sa pagkahawak sa kamay niya pero hinigpitan niya ang hawak niya sa'kin kaya pinabayaan ko siya.
"Promise me, Ate. Kapag natalo ka ni Kuya Damon babalik sa amin kagaya dati." Sabi niya bigla saka siya dahan-dahang pumikit.
"Promise me..." Sambit niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.
I wish ganoon lang kadali.
"You knew I can't promised you that, lil'sis." Sabi ko at pinunasan ang mga butil ng luha na umagos mula sa mga mata ko.
Binababa ko ng kamay niya saka tumayo.
"Hey, dark-prince candidate." Tawag ko sa kanya ng hindi tumitingin.
"The next time, we fight. I won't let you win and I will proved that you are also a pervert like Lera's precious principal." Sabi ko saka ako nagteleport paalis.
Syempre hindi para umatras kundi para magplano ng panibago.
Just wait, my love, mapaghihiganti na kita sa mga walang awang tao na pumatay sa'yo.
Malapit na...
Halley's POV
It was so alarming when Damon changed into something develish. I can felt the cold atmosphere around him. It was dark. It was so terrifying.
Nakahanda na'ko upang tapusin itong pervert na ito kung gumawa siya ng kilos na hindi ko magugustohan dahil sa presensya na ipinakita niya. Buti na lang at tinapik siya ni Lera na sanhi ng pagkabalik niya sa sarili niya.
"Ano 'yong kakaibang nararamdaman ko sa kanya kanina?" Tanong ni Ma'am Alieza.
Wala naman sumagot dahil hindi din namin alam.
" That was the presence of the true dark prince within my master's body." Sagot sa amin ng grimoire niya.
May nakatagong demonyo sa loob ng pervert na ito na natutulog lang sa loob ng katawan niya.
Napunta naman ang atensyon namin sa dalawang magkapatid.Pinanuod lang namin sila Czarina at Czelestine. Halatang may pagmamahal pa rin si Czarina sa kapatid niya pero nakokontrol lang siya ng kagustohan niyang makapaghiganti at alam namin ni Lera iyon kaya naman hindi niya magawang saksakin si Czarina sa labanan nila at pati sa paggamit ko sa kapangyarihan ko, I hold back kaya hindi ko siya nakuha. I hope that there is a way to save her.
"She will come back, soon." Sabi ni President Althea in monotone.
"And that time, kapag nakuha niya ulit ang kapangyarihan mo. Alam na niya kung paano gamitin ito ng mahusay at wala nang makakapigil sa kanya." Sabi naman ni ma'am Alieza habang nakatingin sa pervert na dark-prince candidate na ito.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni Kiendra.
Nakaisip ako bigla ng ideya ngunit mukhang hindi ko magugustohan. =_=
"I hate to admit it but we need his help on beating Czarina." Sambit ko na nakuha ang lahat ng atensyon nila.
"Kailangan natin siyang sanayin sa kapangyarihan mo Kiendra at ni Lera." Pagpapahayag ko.
"Oh, sounds like fun." Pagsang-ayon ni Lera.
"Whatever the boss says." Pagsang-ayon din ni Kiendra.
"Magsisimula tayo pagkatapos na pagkatapos natin ipunta si Czelestine sa clinic." Sabi ko lahat naman sila tumango.
"Ako na ang magbubuhat sa kanya." Pagpresyenta ni Kiendra sa sarili niya.
Binuhat niya si Czelestine at nagsimulang maglakad papuntang Clinic. Sinundan lang namin siya hanggang sa nakarating kami. Sumalubong agad sa amin si Dr. Heiden at inasikaso niya agad si Czelestine. Ewan ko ba kung bakit pero hindi ko gusto ang presensya ni Dr. Heiden para kasing may itinatago siya sa amin. Pagkatapos niya, iniwan na niya kami.
"Halika na kayo at wala tayong oras na dapat sayangin." Sambit ko at umalis na ako.
Naramdaman ko naman na sumunod sila sa akin.
----------------
No Damon point of view for this second UD. :(
Bumabawi lang ako sa two weeks na hindi ako nakapag-UD
Thanks for reading. :)
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasíaFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...