'Yong pic ay si principal Kurt ah :)
----------------
Czelestine's POV
Nandito ako sa kwarto ko pagkatapos ko pumunta sa opisina ni Principal Kurt. Ako nga pala si Czelestine Morgan, 15 years old. Kaedad ko si Leanna.
Kasalukuyan kong pinupunasan ang mga luha ko.
"Nasan ka ba, ate? Namimiss na kita." Sabi ko.
"I miss you too, sis." Rinig kong sabi ni ate.
Si ate ba iyon?!
Napatayo ako at tumingin sa pinto. Nakita ko si Ate na nakatayo.
"Will you give me a hug?" Sabi niya habang bukas kamay siyang naghihintay sa pagyakap ko sa kanya.
Naglakad ako papunta sa kanya at yayakapin siya ngunit napahinto ako.
"Bakit? Ayaw mo bang mayakap ang ate mo?" Sabi niya.
May iba sa kanya parang hindi siya ang ate ko pero alam ko na siya ang ate ko. May nagbago sa kanya. Matagal na siyang nawala pero bakit ngayon lang siya nagpakita? Kaya may isang tanong na pumasok sa utak ko...
"Ano ba talaga ang kailangan mo, ate?" Tanong ko sa kanya na ikinabigla niya.
Agad naman nawala ang pagkabigla niya at tumawa.
"You really grown up, lil sis." Sabi niya habang ngumingiti ng pilya.
"Sagotin mo ang tanong ko ate." Sabi ko sa kanya.
"I want them all dead, sis." Sabi niya ng seryoso.
"Wh-what?!" Sabi ko sa kanya pero bigla siyang nawala at napunta sa likod ko.
"Stagna: Bind." Paggamit niya ng kapangyarihan sa'kin kaya hindi ako makagalaw.
Wala akong magawa dahil sa bilis ng pangyayari. Lakad siya paikot sa'kin at tumigil siya sa harapan ko. May nilabas naman siya na injection sa kamay niya.
"In order for that to happen, I need to kill first the trinity seven including the dark prince candidate." Sabi niya saka niya tinurok sa 'kin ang injection na hawak niya.
Nakikita ko sa mga mata niya ang puot at paghihiganti pero mas nangingibabaw ang pagluluksa at kalungkutan sa kanyang mga mata.
Bigla ko naramdaman na umikot ang paningin ko at dahang dahan pumikit ang mga mata ko. Medyo nagiging blurry ang paningin ko.
"Wa-wag mong gawin, a-ate Cza-Czarina." Sabi ko sa kanya bago tuluyang dumilim ang paningin ko.
Halley's POV
Dumereksyo ako sa paliguan pagkatapos ko mag-report kay principal Kurt sa nangyaring pagliligtas kay Leanna. Aaminin ko naiinis ako dahil wala akong nagawa para tumulong magligtas sa kanya.
"Boo!"
"Waaahh!" Sigaw ko sa pagkagulat at kusang hinampas ang taong nanggulat sa'kin buti na lang naiwasan niya.
"Woah, nice reflex boss." Sabi ni Kiendra habang tumatawa pa
Si Kiendra pala. Sira ulong ito buti na lang talaga naiwasan niya.
"I could've hurt you, idiot!" Sabi ko sa kanya at inirapan.
"But you didn't." Sagot niya sa'kin.
Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy maligo. Kung nagtataka kayo kung bakit siya nandito habang liligo ako. Iyon ay dahil pangmaramihan talaga itong paliguan at since pangbabae naman ito hindi na kailangan ng bawat room para pangpaliguan. Nagsimula na rin maligo si Kiendra.
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasyFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
