Lera's POV
Mapayapa akong naglalakad patungong eskwelahan nang nakita ko si Leanna na biglang lumabas sa harapan ko sanhi ng pagbagsak niya sa'kin.
"Ouch..." Daing ko sa balakang ko.
Ang bigat niya, ah. T__T
"Sorry, Lera. Pero nanganganib sila ate Alieza at kuya Damon!" Sabi niya.
May napansin akong matulis na bagay na patungo sa amin. Bago pa kaming tamaan ni Leanna ay hinagis ko ang aking shuriken (ninja star) kaya Hindi tumama sa amin. Agad naman tumayo naman si Leanna.
"Sa tingin ko buong school ang nanganganib ngayon, Leanna. Mukhang 'di muna natin matutulungan sila Damon dahil kailangan natin protektahan ang eskwelahan na ito." Sabi ko sa kanya habang hinahanap ang taong may balak na manakit saamin kanina.
Nang nakita ko siya sa hindi nalalayo sa kinaruruonan namin. Lumalapit na siya sa amin.
"Leanna, gusto kong equaculate mo ang lahat ng estudyante dito sa school." Bulong ko Kay Leanna.
"Eh, paano ka?" Tanong niya.
"Ako na ang bahala dito. Sigurado akong parating narin sila Kiendra at Halley. Mas mahalaga ang mga buhay ng mga nag-aaral dito." Sabi ko.
Alam ko ayaw niya akong iwan dito pero wala siyang magagawa kaya naaninag ko pa siyang tumango.
"Mag-iingat ka." Sabi niya bago tumalikod at tumakbo paalis.
Nakatingin at naghihintay lang ako namakarating ang makakalaban ko. Huminto siya medyo malayo sa'kin.
"Buti ikaw ang naiwan dito para kalabanin ako." Sabi niya.
Mukhang ako yata ang purtirya nito.
"Matagal na rin na panahon noong nagkita tayo. Natatandaan mo pa ba ako?" Tanong niya.
Actually hindi ko siya natatandaan.
"Hindi." Walang buhay kong sagot.
It looks like I pissed her from my answer.
"Ha! Paano mo nakakalimutan ang mukha ng taong sinumpang papatayin ka?!" Sabi niya.
"Maraming tao na ang nagsabi sa'kin niyan." Sabi ko.
"Mukhang nakalimutan mo nga ako ngunit ipapaalala ko sa'yo." Sabi niya at mukhang galit na galit siya.
"Reconnecting to Invidia Archive. Execute Thema!" Pagkonekta niya sa Archive niya na labis kong ikinagulat.
"Calder's Blade!" Tawag niya at may lumabas na malaking espada.
"Who are you?" Tanong ko sa kanya pero bigla niya akong sinugod.
Paghampas niya ng espadang hawak niya ay iniwasan ko ito pakaliwa sa kanya.
"Ang pangalan ko ay Ayi Sherlock..." Sabi niya na labis ko pang ikinagulat.
Bigla ko siyang naalala.
Isa ang pamilya niya sa mga napaslang ko noong ako pa ang tinatawag nilang 'assassin of death'.
"Siguro naman naalala mo na 'ko?" Tanong niya.
"Oo. Nandito ka para patayin ako." Sabi ko sa kanya saka ngumiti ng unti.
"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong kasalanan sa pamilya ko!" Sabi niya at muling sumugod sa'kin.
"Connecting to Invidia Archive . Execute Thema." Pagkonekta ko sa kapangyari ko at agad iniwasan ang tira niya. Agad din naman niya ako pinatamaan ng mga shuriken niya.
Damon's POV
Natulala pa rin ako sa biglang pagdating ni Althea sa harap ko. Naputol ang pagiging tulala ko sa kanya nang bigla ulit sinugod ni Danna si Alieza. Sanhi ng pag-iwan nila saamin.
"Oh, hi twin." Sabi ni Kate kay Althea.
Tinitigan lang siya ni Althea ng wala niyang reaksyon. Nagtataka naman si Kate.
"Hindi ka ba natutuwa, nagagalit o nagugulat na makita ako?" Tanong ni Kate sa kanya.
"Hindi." Walang ganang sagot ni Althea.
Natulala lang si Kate sa kanya.
"That was unexpected." Sabi ni Kate na parang hindi makapaniwala sa naririnig niya.
"Maraming na nagbago, Kate." Sagot ni Althea na wala paring eskpresyon.
"I see." Sabi ni Kate na mukhang nalungkot.
"Ayaw kitang makalaban, Althea. Magkapatid pa rin tayo pero wala akong magagawa kundi ang kalabanin ka kapag kinampihan mo si Damon." Seryosong tugon ni Kate.
"Give your best shot then, my twin." Sagot ni Althea.
"Okay." Sabi ni Kate.
Czarina's POV
"Hmmm, they have started then." Bulong ko sa sarili ko.
-----------------
Sorry maikli hahaha
Salamat pa rin sa pagsuporta.
Stay awesome guys
BINABASA MO ANG
Trinity Souls (On-Going)
FantasiFriendly reminder: Ang mga eksena na mababasa niyo ay pawang kathang isip lamang at ang iba'y nakuha ko lamang sa anime :) Ang mga tauhan at lugar ay puro kathang isip ko lamang. So, in short lahat ng nilalaman ng kwentong ito ay pawang kathang isip...
