Nang matapos ang klase ko umalis na agad ako sa eskwelahan,baka kasi maabutan pa ko ng mga kaklase ko,at may ipabgay na naman sila kna Zin.
Sumakay na ko sa bike ko at pumunta sa tambayan namin. Sobrang ganda talga ng dagat lalo na kapag sunset. Katabi lang ng dagat ang tambayan namin. Tumigil ako sa garahe nila Zin,oo tama dito ang tambayan namin.
Ni remodel ni Zin itong garahe nila,para na rin siyang isang maliit na bhay kumpleto ang mga gamit. Nagpadagdag siya ng isang kwarto at my dirty kitchen pa. Ang buong garahe naman my sala set at flat screen tv at mga video games, sa likod naman my maliit na stage kung saan nakalagay ang instrument ng barkada.
Mahilig kaming tumugtog. Si Michael sa base guitar, si Jake ang drummer,si Kent guitarist din,ako sa keybord at si Zin ang vocalist. Nung nandito pa si Avey vocalist din namin siya. Nakakamiss talaga ang babae yon.
Pag pasok ko palang sa loob inabot ko muna kay Zin ang sulat ng kaklase ko tsaka ako naupo sa sofa.
"Kaw talaga Ghaz pwde mo namang sabihin nalang kay Zin na gusto mo siya di mo na kelangan bgyan ng sulat si Zin"sabi ni Kent.Nag lalaro sila ng video games.
"Sira ka Kent di galing sakin yan, pinapabigay lang ng kaklase ko nuh."
"Bakit kasi tinatanggap m parin ang mga yan alam mo namang hindi binabasa ni Zin ang mga sulat na ganyan". sabi ni Michael habng my dalang pagkain. Siya ang cook ng barkada.Nag aral talga siyang magluto para sa mga chicks niya.
"Ganun talaga atleast binigay ko kay Zin hindi ko na problema kung binasa niya o hindi." sabi ko
Kinuha ni Zin ang sulat at ginusot ito tapos tinapon sa basurahan. Nagtawanan na naman silang tatlo. Bahala sila nagawa ko na yong part ko.
Nakita kong lumabas si Jake sa kwarto,mahilig talaga siyang matulog. Nginitian niya ako nang makita niya ako at dumeretso na sa kusina.
"Malapit nang umuwe si Avey, gumawa kaya tayo ng suprise party para sa kanya,dito sa tambayan natin?"sabi ni Zin
"Oo nga inuman tayo,mag overnight nalang din tayo dito sa tambayan,excited na ko,inuman na naman to,!"sabi ni Michael.
"Ikaw Kent,anung plano mo kapg umuwe si Avey,grabe sobrang tagal na din nung huli kayong magkita,sobrang miss na na siguro ang isat isa nu."sabi ko.
Ngumiti lang si Kent sa sinabi ko,parang may iba sa kanya ngayon.
"Anu ka ba Ghaz, tinatanung pa ba yan syempre may surprise si Kent para kay Avey,si Kent pa di yan nauubusan ng supresa,dba Kent" sabi ni Michael.
"Syempre naman ako pa,ready na lahat " sabi ni Kent pero parang my kakaiba talga sa kanya.
"Nga pala Ghaz, dadaan ako sa bahay nyo ngaun ha may pinapabigay kasi si Mommy kay Tito para daw sa business nila sabay na tayong umalis" sabi ni Zin,magkasyoso sa business ang mama niya at papa ko.
Nakaramdam na naman ako ng kaba ng naisip ko na sabay kmi ni Zin pupunta sa bhay. Sa mga ganitong simpleng bagay napapasaya na nya ako.
"hoy Ghaz wag kang masyadong kiligin dyan halatang halata ka naman e namumula kaya yang mukha mo,hahaha"
"yah!!!!! grbe ka tlaga Michael kung anu anu sinasabi mo,hindi totoo yan ha"
"bakt napaka defensive mo yata Ghaz,napag hahalata ka talaga eh hahaha"dagdag pa ni Kent.
Tiningnan ko si Zin nakangiti lang sya.Hindi ko tuloy maisip kung anu ang nararamdaman niya para sa akin.
"Sama ako, may sasabhin lang ako kay Austine"nagulat ako nasa likod ko na pala si Jake.
"kaw talaga Jake selos ka naman agad,akala ko pa naman mag kakamoment na sina Zin at Ghaz" sabi ni Michael
"tumigil ka nga dyan Michael,sumbong kita kay Kristine e,"sabi ko
"Hai naku dont say bad words Ghaz,kaw talaga makauwe na nga"
"haha sbi ko sayo e si Kristine lang katapat mo"
"So anu Ghaz tara na bago pa tayo gabihin ng sobra,ikaw Zin tara na"sabi ni Jake
"Ok ikaw Kent magpapaiwan ka pa ba dito?"
"Oo dto na muna ko ako na bhalang,magsara nitong tambayan"
"Sige Kent ,una na kmi sayo,mag ingat ka pag uwe ha" nginitian lang ako ni Kent,para talagang may kakaiba sa kanya ngayon,tinatago lang nya.
Sumakay na ko sa kotse ni Zin,ganun din si Jake. Sinakay nalang din ni Zin ang bike ko. Habang nag bbyahe kami,walang nagsasalita sa aming tatlo,grabe na pa ka akward naman ng moment namin, hindi na talaga ako nakatiis kaya nag salita na ako.
"Ah Jake kmsta pala ang pag rereview ninyo ni Kuya,diba malapit na ang laban ninyo?" May dadaluhan kasing contest sina kuya Austine,at ang mga geniuis ng university ang panlaban.
"Ok lang,kakausapin ko nga din si Austine tungkol dyan e,"sabi ni Jake grabe napaka seryoso talaga ni Jake,minsan nakakatakot din syang kausapin.
"Ah ganun b? Goodluck sa inyo ni Kuya,alam ko naman na mananalo kayo"
"Salamat Ghaztine, " binigyan niya ako ng napakalawak na ngiti,nagtaasan ang mga balahibo ko grabe ko cia.Nginitian ko nalang din siya. Napatingin naman ako kay Zin,kanina pa siya tahimik,mukhang nakiking lang sa sa usapan namin ni Jake. Haixt ang hirap naman nito.
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Teen FictionNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...
