Chapter 35: Past about Austine and Gaby

211 9 0
                                        

Andito kami ngayon sa rooftop ng eskwelahan.....pagkatapos ng klase dito kami tumatambay...hindi pa kasi tapos yung pinaparenovate ni Zin na garahe nila e para dun na yung maging tambayan ng barkada.

"anung plano nyo sa sunday???mag bonding naman tayo,matagal na nung huli tayong lumabas"Michael

"tapos anu???bigla bigla ka nalang ulit mag lalaho kasi anu? Pag nakakita ka ng babae humihiwalay ka na agad samin..panu magiging bonding yun?"Avey

"tama ka hon…wala namang ibang inatupag yang si Michael kundi ang mambabae…bute nalang talaga hindi ako naiingit sayo kuntento na ko dito sa hon ko"Kent

"hai naku eto na naman po tayo……parang kayo lang tao dito a…hello nandito din po kami"Gaby

"anu ka ba Gaby…wag ka ng mainggit samin ng hon ko edi ba andyan naman si Zin maging sweet din kayo sa isat isa"Avey

"oo nga naman babe……pwede din naman tayong maging super sweet gaya nila"Zin,bigla tumingin sakin si Gaby agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Parang may kumukurot sa dibdib ko hindi ko maintindihan kung anu ba to.

"so anu ng plano sa Sunday?"Mic

"sorry pass muna ko may pupuntahan kasi kami ni mama e...minsan lang syang umuwe kaya sasamahan ko na at balak ko ding isama tong si Avey"Kent

"ako din....may pupuntahan din ako sa sunday"Jake

"ako ok lang...wala naman akong plano sa sunday"sabi ko

"naku panu ba yan may gagawin din ako sa sunday e....mother things din e....ok lang ba sayo babe na di ako kasama?"Zin

"ok lang babe....baka umiyak tong si Mic kapag wala syang kasama e"

"Grabe ka naman sakin Gaby,so sarado na usapan ha...tayong tatlo ang mag dadate sa sunday"
…………………
Sunday

Andito na ko sa meeting place naming tatlo……sana lang talaga may mangyari dito sa bonding daw nato. E panigurado naman na iba ang gagawin ni Mic..

Ilang minuto lang dumating na si Gaby....late na naman tong si Michael.

"kanina ka pa ba Austine?pasensya na ha medyo nalate kasi ako ng gising"

"hindi naman kararating ko lang din...intayin nalang natin si Michael." Walang nagsasalita samin habang iniintay si Michael. Bakit parang kakaiba ata ang kinikilos nitong si Gaby. Ok lang kaya sya?

"ok ka lang ba Gaby?bakit parang di ka mapakali dyan?"

"ha?ok lang ako...wag mo kong intindihin..ang tagal naman ata ni Mic?"

Narinig kong nag ring ang cellphone ko kaya agad ko tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Michael...bute na lang...nasan na kaya ang lalaking to.

"o Mic asan ka na?nandito na kaming dalawa ni Gaby sa meeting place naten...."

"anu???sinasabi na nga ba e.....bakit ba ako sumama pa sa bonding kuno mo....ibang klase ka talaga..bahala ka balang araw makakahanap ka din ng katapat mo....yung babae na mag papabago sayo at mamahalin mo ng todo....tsk sige na bye na"

"anung sabi ni Mic..??may kadate na naman ba syang iba?"

"anu pa nga ba?tara na ihahatid na kitang pauwe...pasensya na ha naabala ka pa ngayon"

"sayang naman yung araw naten kung uuwe lang tayo....tayo nalang dalawa ang mag bonding....gusto kong pumunta ng amusement park"

"sigurado ka ba??"

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon