Chapter 27: Move On

205 9 1
                                        

Ghaztine

Pagdating ko sa bahay kagabi dumeretso na agad ako sa kwarto ko. Ayaw na ayaw kong makikita ako nina papa lalo na iyak parin ako ng iyak hanggang ngayon. Ayaw kong sabihin ni kuya na matagal nya na akong sinasabihan tungkol dito pero hindi ako nakinig. Bakit nga ba pinilit ko parin, bakit ba ako umasa sa sinabi ng mga kaibigan ko na gusto rin nya ako. Sobrang sakit lang talaga,ngayon hindi ko na alam ang dapat kong gawin,panu ako haharapan sa kanila,panu kami ni Zin?

Napatingin ako sa cellphone ko nung narinig ko na nagriring ito, nakita ko naman ang pangalan ni Jake. Panu nga kaya kung hindi ko nalang pinilit ang sarili ko kay Zin,panu nga kaya kung kay Jake ko nalang binigay ang pag mamahal ko,mararanasan ko pa ba ang mga ganitong bagay. Nakakatawa ngayon naiisip ko na tama si Trixie wag dapat,akong ambisyosa na magugustuhan ako ni Zin. Hindi ko sinagot ang tawag ni Jake,ayaw ko muna silang makausap ngayon, baka lalo lang akong umiyak.

1 message received
Jake

Princess wag mong isipin nag iisa ka,tandaan mo kapag kailangan mo ko dadating agad ako kahit nasaan ka pa. I will always be there for you.

Salamat Jake,pero sa panahon na to gusto ko munang mapag isa,ayaw kong idamay kayong lahat sa bagay na pinilit ko ring gawin. Pumasok ako sa banyo para maligo,baka mahalata nina papa bukas na umiyak ako ngayon. Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Kristine na nakaupo sa kama ko. Alam kong alam na nya dahil malungkot ang mukha nya at para na syang iiyak. Hindi ko nalang sya pinansin.

" anung ginagawa mo dito matulog ka na maaga pa ang pasok natin bukas ah,isusumbong kita kay papa parati ka nalang nag pupuyat,panu na yung mga............."

"Ate.................alam ko na ang lahat.........di mo na kailangan mag mukhang matapang sa harap ko, alam ko pinipigilan mo lang umiyak kasi ayaw mung mag alala kami pero ate ok lang yan,andito naman ako para makinig sayo. Di mo na kailangan mag mukhang matapang sa harap ko"

" nakakainis kayong dalawa ni Michael, bakit kasi sinabi pa nya sayo,huhuhuhu Kristine huhuhuhu bakit hindi ako magkalove life tulad mo,bakit hindi ako gusto ng taong gusto ko huhuhuhu,sobrang sakit kung alam mo lang. "

"Sige ate iiyak mo lang yan, kailangan mo yan ngayon, diba alam mo naman dati pa na pwedeng maging ganito ang resulta kapag ng tapat ka sa kanya? Kilala naman natim si Zin diba,sobrang mahal nya kayong mga kaibigan nya,siguro iniisip lang nya na ayaw nyang mawala kayo sa kanya."

"Dapat pala di nalang nya ako naging kaibigan,dapat pala strangers nalang kami,sa isat isa malay mo magustuhan nya ako."

"Nyek e kung ganun sa tingin mo naging close kau,sa tingin mo mararamdaman mo pa ngayon na mahal mo pala sya."

Natigilan ako sa sinabi ni Kristine,kung tutuusin may point naman sya,edi sana strangers talaga kami sa isat isa,baka lalo lang ako mainis sa kanya dahil sa ugali nya dati.

"Ate wag mong piliin kung saan madali,kasi baka pag sisihan mo lang ang mga bagay,at wag kang gagawa ng malaking desisyon kapag malungkot ka kasi makakaapekto yan sa future mo,kung di mo man maramdaman ngayon,malay mo balang araw"

"Alam mo Kristine sobrang naguguluhan na ko,hindi ko alam ang gagawin ko. Panu ko sila haharapin bukas,anu nang mangyayari samin ni Zin?Grabe hindi ko na talaga alam."

"Ate ikaw lang makakasagot nyan, itanung mo sa sarili mo kung anu ba ang gusto mung mangyari, tandaan mo ate maraming choices na pwedeng pag pilian nasasayo lang kung anung pipiliin mo"

" bakit ganyan ka mag salita,masyadong malalim at tska parang mas matanda ka pa kesa sa akin ha"

"Ewan ko sayo ate,ituloy mo lang yan pag iyak mo,choice mo rin yan basta ate nandito lang ako para sayo,susuportahan kita basta kaya ko.sige matutulog na ko maaga pa akong susunduin ni bevs bukas eh"

"Ahhhhhh nakakainis ka lalo mo lang dinadagdagan yan bigat ng dibdib ko dahil dyan sa lovelife mo,oo na naiingit na ko,akala ko pa naman nandito ka para suportahan ako,mang iingit kalang pala sige na matulog ka na"

Pinikit ko narin ang mga mata ko,agad naman akong nakatulog.

Kinaumagahan,pag mulat palang ng mata ko nakita ko na nakititig sakin si Avey,napaupo naman agad ako sa gulat sa kanya.

"Anung ginagawa mo dito,kanina ka pa ba dyan,at tska bakit di mo ko ginising hindi yung naktitig ka lang sakin"nilapitan nya agad ako at niyakap.

"Ahhhhhhhh im so sorry Claire, huhuhu sorry kung ngayon lang ako dumating para damayan ka,sorry talaga naging selfish ako mas inuna ko pa ang sarili ko kesa damayan dahil sa nangyari sayo."

"Anu ka ba Avey, okay lang yan,wag na nating isipin yun tapos na yun. At tska kagabi naman parang gusto ko din mapag isa,at mag isip isip. "

" im sorry Claire kasi pinilit rin kita na magtapat kay Zin, hindi ko kasi ineexpect na ganito ang mangyayari e. Sana wag kang magalit samin ni Gaby."

"Anu ba kayong dalawa,wala na sakin yun nuh at tska ginusto ko rin yun kahit kaylan di ko kayo sinisi sa mga nangyari,nagpapasalamat pa nga ako kasi lagi kayong andyan para sakin."

"Alam mo bestie ang mabuti mo nalang gawin ngayon ay ang mag move on, alam ko di naman na ayaw nyo ni Zin na maging ganito,mag move on kana lang sa nararamdaman mo para sa kanya,para mag kaayus na kayo at bumalik nalang sa dati"

"Move on? Bakit naging kami ba? Ako lang naman ang hopia e,alam ko naman na bestfriend lang ang tingin nya sakin tapos ito ako ngayon? Hindi naman talga ako nasasaktan ng sobra."

"Ai ai ai ai ewan ko sayo Claire ito ha hindi porket hindi kayo magkarelasyon e  wala kang karapatan mag moveon.Alam mo bestie nasa denial state ka na,yan ang unang step ng pag momove on."

"Ewan ko sayo Avey,maliligo nalang ako baka malate pa ako. Kumain ka na sa baba,nagluto si papa pero wag na wag mong sasabihin ang tungkol,sa nangyri sa kahapon,malalagot ka sakin."

"Oo na oo na po,bilisan mo baka malate rin ako,sabay na tayo kay Austine ha."

Move on???????? Gusto ko na nga bang mag move on,gusto ko na nga bang kalimutan ang nararamdaman ko para kay Zin. Panu kung ayaw ko pang bitawan ang nararamdaman, na hanggang ngayon umaasa parin ako na pwede parin. Anu ba talaga???









Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon