Buong gabi kong iniisip ang mga sinabi ni Kristine kay Michael.Gusto ko din subukan at sabihin talaga kay Zin ang nararamdaman ko habang hindi pa nahuhuli ang lahat. Anu man ang kalabasan ng pagtatapat ko at least sinabi ko sa kanya ang totoo,wala akong magiging pag sisisi.
Pumunta muna ako sa kwarto ni Kristine may gusto lang akong itanung sa kanya,mas mature pa nga ata talaga si Kristine kesa sa akin.Nakita ko naman sya na nag aayos na sya paschool ,siguro susunduin sya ng boyfriend nya.
"aga mo naman ,susunduin ka ba ni Michael?"
"oo ate susunduin nya ko,tapos lalabas kami after ng class"
"talagang seryoso ka na ha,dati rati away kayo ng away tapos ngayon kayo rin pala magkakatuluyan nu,ang saya naman"
"alam ko na ate kung bakit ka nandito,may gusto ka bang sabihin sakin o itanung?sige ate ok lang,tungkol ba yan kay Zin?"
"ah ....e anu kasi......,kasi.....teka panu mo alam na gusto ko si Zin,wala naman akong nakukwento sayo a"
"ai naku naman si ate,hindi lang naman sa salita malalaman ang totoong nararamdaman ng isang tao pati narin sa mga kilos nito,diba nga action speaks louder than words,nagtampo pa nga ako sayo dati e nung napatunayan ko na gusto mo rin Zin pero may isang tao na nakapag sabi sakin na minsan kaya naglilihim ang isang tao ay para narin sa ikabubuti ng iba at di ako dapat magalit hanggang di ko pa naririnig ang side nya"
"pasensya ka na Kristine kung di ko nasabi sayo kasi naman gusto mo din date si Zin kaya di ko na lang sinabi baka kasi isipin mo inaagaw ko sya sayo"
"anu ka ba ate wag mo ng isipin yun at tska may mahal na kong iba sa ngayon"
"teka nga pala kelan mo nalaman na gusto mo pala si Michael?at tsaka ang lakas ng loob mo para aminin sa kanya ang nararamdaman mo"
"ganun talaga ate kapag totoong mahal mo,siguro nuon palang gusto ko na sya ayaw ko lang aminin sa sarili ko kasi baka kaaway lang talaga ang tingin nya sakin edi ako din ang kawawa sa huli pero kasi nangibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya,balak ko na nga din magtapat kaso nauna sya sakin na nagpasaya talaga sakin ng sobra."
"ang swerte mo kasi pareho kayo ng nararamdaman sa isat isa pero ako kasi hanggang kaibigan lang ata ako sa kanya"
"panu nga natin malalaman kung walang gagawa ng paraan,kaya ate magtapat ka na kay Zin,sige na ate mauuna na ko baka dumating na si Michael at tska maligo ka na malalate ka na naman sa school nyan lagot ka pa kay kuya"
"sige na mauna ka na,maliligo na ko"lumabas na ko ng kwarto nya at dumeretso na sa banyo para maligo.
Kasabay ko si kuya ngayon,madalas sa kanya na ko sumasabay tinatamad na kong magbike at tska sanay narin naman akong magising ng maaga ngayon.Haixt bute pa si Kristine okay ang lovelife nya,,haixt.
"nakakailang buntong hininga ka dyan Ghaztine ha,may problema ka ba?"
"wala kuya,wala akong problema may iniisip lang ako"
"bakit di mo sabihin sakin baka matulungan kita dyan"
"i doubt kuya kung matulungan mo ko ni hindi mo pa nga ata nararamdaman to e masyado ka kasing focus sa school"
"anu ba yan ha,linawin mo kasi at tska may social life din kaya ako nu"
"sige nga kuya,nainlove ka na ba? naranasan mo na ba na magkagusto tapos hindi naman kayo pwede? nakapagtapat ka na ba sa taong mahal mo o kaya naranasan mo na ba yung itago na lang ang nararamdaman mo para sa isang tao dahil ayaw mo na may masira at magbago? di ko na talaga kasi alam kung anung gagawin ko e di ko alam kung anung pipiliin ko?" nakita ko nakatulala lang si kuya habang nagsasalita ako,di naman ata nakikinig to e.
![](https://img.wattpad.com/cover/72119321-288-k165714.jpg)
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Roman pour AdolescentsNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...