Chapter 29: Anger Stage

175 8 2
                                        

"Gusto mo maging totoo ako sa sarili ko,kung anung nararamdaman ko ngayon? Sige,oo nagagalit ako sayo,galit na galit ako sayo!!!!!! Nagagalit ako sayo kasi ang manhid manhid mo,nagagalit ako sayo kasi palagi mo nalang sinasaktan ang damdamin ko at nagagalit ako sayo dahil hindi mo ko mahal!!!!!!!!!!!Anu masaya ka na kasi anu,narinig mo na ang gusto mong marinig. Zin ayaw ko na sanang dumating sa point na to,kasi kahit naman anung isumbat ko sayo wala ka ng magagawa kasi hindi mo naman talaga ako mahal,gusto kong ibalik ang lahat sa dati kaya ayaw ko sana ng ganito pero tingn............"

Hindi ko na natapos ang pag sasalita ko,niyakap ako ng mahigpit ni Zin,sobrang higpit na parang gusto nyang sabihin na wag na akong mag salita. Hindi sya nag sasalita pero halata mo sa kanya na nasasaktan din sya.

"Ayos lang sakin kung galit ka sakin............ basta hindi ka mawala sakin. Ghaztine kayong mga kaibigan ko ang higit na pinapahalagahan ko,kayo ang pamilya ko kaya ayaw ko na mawala ka sakin. Alam ko di mo ko naiintindihan,makasarili ako masyado Ghaz, im sorry........im sorry talaga"

Gusto ko syang suntukin,bugbugin pero di ko magawa, hindi ko naman sya masisisi kung ayaw nya sakin, wala na talagang ibang paraan kundi ang tanggapin ang mga pangyayari. Humiwalay si Zin sa pag kakayakap sakin at pinunasan ang mga luha sa mga mata ko.

"You deserve someone who will love you truly and take all the risk to fight for your love. Sana maging okay ulit tayo Ghaz tulad ng dati, handa akong mag intay sayo at please,wag mo ng itatago ulit kung anu man ang totoong nasa puso mo."

"Kasi ikaw yung Ghaz na natural,hindi itinatago sa mkakapal na make up at magagarang damit, wag ka sanang mag babago. Sana,.....sana talaga mapatawad mo ko."

"Hindi mo ba talaga ako mahal? Wala ka man lang bang nararamdaman para sakin. Talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sakin?"matagal na  hindi nagsalita si Zin.

"Hayaan mo na,wag mo ng sagutin ang tanung ko, alam ko na rin naman kung anu ang sasabihin mo".

"Sumama ka sakin"itatanung ko palang kung saan kami pupunta, hinila na nya agad ang kamay ko at sumakay na kami sa kotse nya.

"Saan mo ko dadalhin"

"Basta,magtiwala ka lang sakin"hindi na ko nagtanung pa at hindi narin kami nag imikan habang bumabyahe.

"Ghaztine............Ghaz......, gising na nandito na tayo" nakatulog pala ako sa byahe,nilibot ko ang mga mata ko kung saang lugar ba kami nagpunta. Nakita ko na may isang lumang bahay, pero maganda parin sya kahit na wala ng tumitira. Lumabas ako sa kotse at sinundan si Zin papasok sa loob ng bahay.

"Saan lugar to?At kaninong bahay to?Bakit tayo nandito ngayon?"

"Ang dami mo namang tanung, sumama ka nalang sakin." Sinundan ko nalang sya,kung san man sya pupunta. Dalawang palapag ang bahay, kumpleto parin sa gamit bahay kahit na walang nakatira dito.

"Ito ang lumang bahay namin, dito ako pinanganak at dito narin ako lumaki. Palagi kaming nag lalaro ni daddy ng board games dito sa sala, at duon sa bakuran namin dati may ring dun nag lalaro din kami ng basketball. Alam mo daddys boy talaga ako e, sobrang busy kasi lagi ni mommy sa trabaho kaya si daddy talaga madalas ang nakakasama ko. Isang araw nabalitaan namin na buntis si mommy, sobrang saya naming dalawa ni daddy kasi madadagdagan ang family namin. Hindi ko hiniling kung anu man magiging gender ng kapatid ko,okay lang sakin kahit anu mahalaga mag kakaroon na ko ng kapatid."

"Pero napawi agad yung saya namin ng makunan si mommy, sobrang depress ni mommy nuon pinasya namin na lumipat nalang ng bahay para makalimot kami sa nangyari. Simula din nung lumipat kami naging madalas na ang pag aaway nina mommy, naging busy na din si daddy kaya nawalan narin sya ng time sakin. Matagal na panahon naramdaman ko na mag isa lang ako,ni walang pumapansin akin sa bahay, parang nawalan na rin sila ng panganay na anak. Kaya madalas mas matagal pa ang oras na kasama ko ang mga kaibigan ko. Ayaw na ayaw ko na dumating yung time na mag aalisan sila kasi maiiwan na naman akong mag isa. "

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon