Chapter 39: Zin's True Feelings

218 10 1
                                        

Gaby

Nag aayos na kami ng mga gamit kasi mag sisi uwian na kami. Sobrang saya ng gabing to...buti nalang pala naisipan kong dumaan sa tambayan. Tapos biglang dumating sina Ghaztine at nag kaayos na ang buong barkada. Naisip ko na ako nga siguro ang nag simula nito,ako ang puno't dulo ng gulong ito,kaya sobrang gaan sa dibdib ng mag kaayos kaming lahat. Kami kaya ni Austine....mag kakaayos na din. Pinag mamasdan ko sya sa malayo....may nararamdaman parin kaya sya sa akin hanggang ngayon...kahit konte lang...

"Gaby, sabay ka na samin pauwe....kina Michael ako sasabay" Avey

"sige......kukunin ko lang ang gamit ko"

Pag kuha ko ng gamit ko nakita ko nasa harap ko na si Austine. Hindi sya nag sasalita nakatingin lang sya sakin.... May inabot syang kapirasong papel sa akin...at umalis na... ni isa wala man lang syang sinabing kahit anu....at tska anu batong binigay nya sakin.

Nung buksan ko yung papel, natuwa ako sa nakita ko, at para akong sira na pangiti ngiti....sigurado hindi na naman ako makakatulog nito.

"ok ka lang ba Gaby, gusto mo ihatid na kita pauwe" Zin

"okay lang ako Zin, kina Michael nalang ako sasabay pauwe....sige mag iingat pag uwe mo ha"Gaby

"dito lang ang bahay ko....sige ingat kayo" Zin
...........

Anu bang dapat kong sabihin sa kanya,panu ko ba sisimulan to. Dapat ba tanungin ko sya kaagad kung pwede ko syang maging boyfriend...mali mali masyado namang mabilis yun baka anung isipin nya sa akin. e kung tanungin ko lang sya na mahal pa ba nya ako...aixt Gaby... bakit ba napaka assumengera mo na minahal ka rin nya....haixt...naku baka mainip yun sa pag iintay sa text...simplehan ko nalang dapat..

To: Austin😍

"hi...si Gaby to"

Nag intay ako ng ilang minuto para sa reply nya pero wala. Anu ba yan nainip ba sya kaagad dahil hindi ako nag text sa kanya. O ako na naman yung nag eexpect na nag aantay sya sa text ko, baka naman tulog na sya....sabagay gabi na din 11:30pm na... haixt baka nga tulog na sya..matutulog na din ako.

Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko at pinikit ko na din ang mata ko.

*cling cling

Napaupo ako nung marinig kong may nag text sa cellphone ko. Binuksan ko kaagad ang lampshade sa bedside table ko at kinuha ang cellphone ko.

From: Austine 😍

Good night.....matulog ka na....alam ko hindi ka makakatulog dahil nag text ako pero naisip ko baka lalo kang hindi makatulog sa kaiintay sa reply ko.

Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako sa message nya kahit dapat mainis ako kasi ang yabang yabang nya pero kasi totoo naman. Haixt Austine bakit ba kasi ang lakas ng tama ko sayo.

.............

Kinaumagahan, nag iisip na naman ako ng dapat kong itext sa kanya. Tulog pa ba sya bakit hindi sya nag tetext sakin, ako na nga lang mag text sa kanya.

To: Austine 😍

"Good morning Austine,kamusta ang tulog mo?"

"kumain ka na ba?"

"kumain na ko Austine......"

"anung ginagawa mo ngayon?"

"ui busy ba?"

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon