Chapter 38: Jake's Turn

219 6 1
                                    


First day of school maaga akong nag handa,ihahatid muna kasi kami ni kuya sa eskwelahan bago sya pumunta sa university kung saan sya nag aaral.  Pero nakapag tataka talaga si Jake,hindi man lang sya nag tetext o tumatawag man lang.

"Ate,mukhang ang lalim ng iniisip mo ah...kinakabahan ka ba sa first day of school? wag ka ng kabahan ang ganda ganda mo kaya,sigurado ako maraming maiinlove sayo" Kristine

"hindi naman yun ang iniisip ko....si Jake kasi hindi sya nag paparamdam..tinext ko sya kagabi pero hindi man lang sya sumagot" Ghaztine

"wow ate...totoo ba to?namimiss mo si kuya Jake...uuuuiiiiiiii"

"sira ka Kristine..hindi sa ganun..nag aalala lang naman ako sa kanya,baka kasi may nangyari sa kanya o anu....kasi normally mag tetext na yun lalo na at first day ng school"

"ok lang naman si Jake kausap ko sya kahapon at tinext pa nya ako kaninang umaga....." Kuya Austine

"anu????? pero bakit hindi sya nag tetext sakin?" ako

"may naiisip akong dahilan,siguro iniiwasan ka na ni Kuya Jake....kasi siguro tingin nya wala naman syang pag asa sayo...yun ang naisip nyang paraan para makapag move on sayo ate" Kristine

Totoo nga kaya ang sinabi ni Kristine,yun nga ba talaga ang dahilan.

"wag kang maniniwala dyan kay Kristine,mas mabuti pa kausapin mo sya mismo para malaman mo ang dahilan,kilala ko si Jake hindi sya gagawa ng mga bagay na hindi makakasama o makakasakit sa iba lalo na sayo Ghaz" kuya Austine

"sige kuya,gagawin ko yun"

"o nandito na tayo sa school nyo,ingat lang kayo"

"okay kuya ingat ka din po" Kristine

Nagpaalam na kami ni Kristine kay kuya.

"ate mauna na ko sayo ha,hahanapin ko pa kasi yung section ko...ingat ka nalang"

"sige Kristine...mag iingat ka din"

Pumunta na ko agad sa building ng fourth year,habang nag lalakad ako ang daming nag titingin at nag bubulungan,nahihiya tuloy ako...

"si Ghaztine ba yan??ang ganda ganda naman nya.....maganda naman pala sya kapag nakapag ayos" girl 1

"wow ang ganda naman nya.....may bago na namang pantasya ang school natin" boy 1

"Claire!!!!!!!!!!!!!!!!" boses palang kilalang kilala na kung sino....ang lakas lakas ng boses nya.Avey

"Avey.....kamusta ka na.....anu nga pala yung sasabihin mo sakin"

"yun na nga....eeeeeeeiiiiiii kinikilig ako bestie"

"bakit kayo na ba ulit ni Kent?"

"ai grabe ka naman bestie panira ka ng momentum ako dapat ang mag sasabi sayo nun...pero tama ka ....kami na ulit ni Kent......"

"im happy for the both of you...sabi ko na nga ba. mag kakabalikan kayo "

"nasaan na nga pala si Gaby?wala pa ba sya?'

" alam mo naman yun laging late...siguro naman parating na rin sya"

Nagulat na lang kami na biglang may humarang samin na grupo ng mga babae.

"well well well ikaw na ba yan Ghaztine.....kahit na nag bago yang itsura mo mas maganda parin ako sayo"

"well well well din Trixie.....kakasimula pa lang ng school year nang gugulo ka na...gusto mo bang tuluyan ka ng makick out dito sa school...."Avey

" pasalamat ka Ghaz kasi nandyan sina Avey para ipag tanggol ka pero kung wala sila kawawa ka"Trixie

"alam mo Trixie.....kapag ginulo mo pa si Ghaztine o mag balak man lang na guluhin sya kami na makakalaban mo talaga...kaya kung gusto mo pang makagraduate dito sa school na to layuan mo si Ghaztine"Gaby

Love or FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon