Jake
"Girlfriend!!!!!!!!!!"sabay sabay kaming napasigaw sa sinabi ni Zin. Nabigla kaming lahat,may dinala syang babae dito at sinabi nyang girlfriend nya daw,sinung hindi mabibigla dun.???
Parang nung isang araw magkakasama lang kami at nagcelebrate pa dahil sa pagkapanalo namin tapos ngayon may girlfriend na sya,ang bilis naman ng mga pangyayari.Wala din naman nababangit si Zin kung may nililigawan sya at kaylanman hindi sya naglilihim sa amin.Alam na kaya to ni Ghaztine?????pero imposible edi sana nabanggit nya din sa amin yun.Anu bang plano ni Zin,hindi ko malaman kung anung tumatakbo sa isip nya.Pero alam ko na may tinatago sya sa amin.
"ah pwede ba muna naming makausap si Zin,yung kami lang dito ka muna ha"nginitian naman nung girlfriend daw ni Zin si Kent at hinila na namin si Zin sa loob ng kwarto,panigurado hot seat to.
"Zin anu to ha????girlfriend.?????"Michael
"oo nga Zin,wala ka man lang nababangit samin bakit biglaan pare"Kent
"Zin alam ko na may pinaplano ka,kaya mabute pa sabihin mo na samin"Jake
"anu ba kayo guys,bakit ba kayo ganyan sakin,bawal na ba akong magkagirlfriend ha???"
"dahil ba to kay Gaby????dahil ba bumalik na sya sa buhay mo ha Zin"
"mali ka Jake,walang kinalaman si Gaby dito,hindi ba pwdeng mahal ko lang talaga si Jelly tapos sinagot nya agad ako kaya ngayon girlfriend ko na sya????"
"tanga ba tingin mo sa amin Zin,matagal na tayong magkakaibigan at kilala ka na namin,ni hindi mo nga ata alam ang full name at background ng sinasabi mung girlfriend e"Michael
"kilala ko sya Michael naging classmate ko sya sa isa sa mga subjects ko at tska maganda naman sya diba???hindi malayong magkagusto ako sa kanya"
"Zin naman pare akala ko ba magkakaibigan tayo dito at tska walang lihiman diba???anu ba talagang binabalak mo"Kent
"guys bakit ba ganyan tingin nyo sakin,sinusuportahan ko naman kayo sa mga gusto nyong gawin,bakit hindi nyo ako masuportahan ngayon???gusto ko sya at wala akong ibang binabalak gawin"
"panu si Ghaz,alam nya ba to?panigurado masasaktan sya pare,hindi mo ba naiisip yon?"
"bakit naman masasaktan si Ghaz,siguro katulad nyo rin sya magugulat sya sa umpisa pero matatanggp nya rin yun"
"hindi mo naiintindihan Zin,iba si Ghaz masasaktan sya ng sobra kapag ginawa mo yan"
"hindi sya dapat masaktan ng sobra,magkaibigan lang naman kami tulad nyo dapat tanggapin nyo nalang kung anung desisyon ko."gustong gusto ko ng suntukin si Zin sa mga binitawan nyang salita ngayon lalo na tungkol kay Ghaz.
"Ghaztine??????"sabay sabay kaming napatingin sa direksyon ng pinto ng kwarto at nakita namin si Ghaztine nakangiti sya pero halata mo sa kanya na pinipigil nyang umiyak.
"guys tama si Zin,desisyon nya yan at dapat tanggapin nalang natin.nga pala Zin congrats sa inyong dalawa sana maging masaya kayo."tumakbo palabas ng tambayan si Ghaz at tska ko sya sinundan,alam ko kailangan nya ngayon ng makakaramay.Kung ako nalang sana kasi ang minahal nya kailanman di nya to mararamdaman.
................
Bakit ba lagi nalang nangyayari sakin to,bakit ba palagi nalang akong nasasaktan sa mga ginagawa nya.Pumunta lang naman ako sa tambayan para ibigay yung cookies na binake namin nina papa tapos ganito pa nangyari.
Flashback
Panigurado magugustuhan nila to mas masarap pa kaya to kesa sa luto ni Michael.Grabe hindi ko parin halos maisip yung sinabi ni Michael,talagang may gusto sya kay Kristine.Sana lang talaga totoo ang sinabi nya kung hindi lagot talaga sya sakin.
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Teen FictionNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...
