Zin
Nagready na ko para sa pag pasok ko sa school,inayos ko na din ang mga dadalhin ko gusto ko kasi laging naka organize ang mga gamit ko. Lalabas na ako ng kwarto ko ng biglang my kumatok sa pinto ko at nakita ko si Manang Lily siya na ang yaya ko simula nung bata palang ako.
"Marcus, halina at nakahanda na ang almusal mo"
"si mommy po ba,sasabay mag almusal?"
"Pasensya ka na Marcus pero maagang umalis ang mama mo marami pa daw kasi syang dapat asikasuhin sa opisina nya"
"ah ganun po ba,sige po manang tara sabay na taung kumain alam ko naman na masarap ang luto mo"nginitian ko nalang si manang para hindi halata na nalulungkot ako,minsan naiingit ako kay Ghaztine lagi paring may panahon ang papa niya para sa kanila,parang kumpleto parin kahit wala na yung mama nya. Samantalang ako iisang anak na nga lang pero parang wala parin syang paki alam sakin mula nung iniwan kami ni daddy.
"oh ito Marcus masarap to alam kong paborito mo tong tapa kumain ka ng marami,alam mo natatandaan ko pa nuon kapag almusal at tapa ang ulam halos maubos nyo ni Gaby ang niluto ko"napatigil ako sa pag kain ko dahil sa sinabi ni Manang lily.
"ah e pasensya na Marcus ang ingay ingay ko talaga hindi ko muna iniicip ang sinasabi ko alam ko nam......."
"ok lang po yun manang,wag ka ng mag alala,umupo na po kayo at kumain na tayo wag nyo na pong isipin yun"
"ah cge cge Marcus"
Pag katapos kong kumain ay nag handa na ko para pumasok.Naalala ko na naman si Gaby,tama si manang masaya ako nuon nandito pa si Gaby at tska malapit din sya kay mama magkasundo silang dalawa. Pero sometimes once upon a time does not end happily ever after,may mga tao talaga na dadating sa buhay natin,sasamahan tayo,papasayahin tayo pero sa huli aalis simka, iiwan ka at wala ka nang mararamdamang saya puro sakit. Bakit madalas kapag nagseseryoso ka ikaw pa yun iniiwang luhaan. Kaya pinangako ko sa sarili ko hinding hindi na ko ulit maiinlove sa isang kaibigan,sa bestfriend ko kay Ghaztine to be specific.
Nakarating na ko sa school,pinark ko na yung sasakyan pag kababa ko palang sa kotse ko marami na agad mga mata ang nakatingin sakin,yung iba nga kinukuhaan pa ko ng picture pero di ko na sila pinapansin parang nasanay na ko kasi halos araw araw ganito ang eksena. Nakita ko naman agd si Michael na maraming nakapulupot na babae,agang aga ganito na naman si Michael,sinu kayang makapag papabago sa kanya.
"hey Zin pare andyan ka na pala,sorry mga girls sa susunod nalang ulit andito na si bossing e"iniwan na ni Michael ang mga babaeng kasama nya at lumapit sya sa akin.
"grabe ka Michael agang aga puro pambabae ang inaatupag mo"
"anu ka ba naman Zin bago ka parin ng bago sakin,hindi na si Michael yun kapag nag bago ako"
"tsk sira ka talaga,tara na sa klase natin baka kanina pa dun si Kent alam mo naman yun papatulad na kay Jake"
"ang sabihin mo kayong tatlo pare pareho na kayo,haixt wala na kong makakasama sa pam babae sinasayang nyo lang mga itsura nyo tsk tsk tsk"
"wag ka ng maraming sinasabi tara na pumasok"
Nadatnan na nga namin si Kent sa loob at parang iba ang dating nya nitong mga ilang linggo na, hindi ko lang sya matanung kung my problema sya kasi alam ko naman na hindi nya sasabihin ang totoo ayaw rin kasi nya na mag aalala kami para sa kanya. Nilapitan ko nalang sya nginitian naman nya ako.
"Kent sama ka sakin sa friday alam mo na matagal na rin kasi nung huli tayong nakapg bonding,anu Zin tara isasama ko din si Jake at Ghaz"
"pasensya ka na dre pass muna ko may aasikasuhin pa ko e"kent
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Teen FictionNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...
