Chapter 30: Bargening Stage

174 7 2
                                        

Kent

"Bakit ganun.......... *hik....... hik........... sawi tayong lahat sa pag ibig.......hik....hik.....Sabay sabay talaga tayo? Mahal talaga tayo ng tadhana. Akala ko ba basta gwapo hindi nasasaktan..........hik........hik......panget ba ako?.... Panget nga siguro tayo...."

"Hoy....wag mo kaming idamay dyan.." andito kami ngayon sa bar. Kanina kasi nung tumawag si Michael kala mo magugunaw na ang mundo. Ibang klase palang masaktan ang lalaking natutong mag seryoso,para syang babae kung umiyak. Kaya ito kami ngayon ni Jake napasugod para makinig sa kaartehan ng baliw naming kaibigan.

"Siguro dapat mas nag effort pa ko..........hik....hik.... siguro kung ginawa ko yun kami parin hanggang ngayon ni Kristine........anu bang mali sakin ha mga pare,........bakit ako iniwan ni Kristine."

"Galit lang siguro sya dahil sa nakita nya sa inyo ni Ella, pero kapag lumipas na ang galit nya.....magkakabalikan din kayo"Kent

"Pero bakit kasi hindi sya nakikinig sakin,pinaliwanag ko naman sa kanya ang lahat e,kulang pa ba ang ginawa ko? Pare alam nyong lahat mula ng maging kami ni Kristine never na kong tumingin sa ibang babae,sya lang..........sya lang talaga........,."

"Bigyan mo lang sya ng time, hayaan mo muna syang mag isip....kapag malinaw na sa kanya lahat babalik din sya sayo kung totoong mahal ka nya"Jake

"E panu kung hindi na, panu kung tuluyan na syang mawala sakin. Anu bang dapat kong gawin mga pare......."

"Matuto kang mag intay......umiyak ka nalang muna dyan.....wag kang mag alala kami ang bahala sayo...." ilang minuto lang ang lumipas ay patakbong dumating si Zin. Nakita naman agad sya ni Micheal at parang bata na yumakap kay Zin habang umiiyak.

"Pare......hiniwalayan na ako ni Kristine.....hik........hik....... buti dumating ka na, mahal na mahal ko talaga kayong lahat......kayo nalang ang nag mamahal sakin....."

"Ang drama mo Michael tigilan mo na nga yan, uminom nalang tayo"...........

"Hoy Kent ikaw ang tumigil dyan......akala mo dahil lagi tayong partners in crime e hahayaan ko nalang na hindi mo pansinin itong si Zin........hala .......mag usap na kayo.....tigilan na natin ang tampuhan......hik.....hik.....dapat nag mamahalan tayong apat.....wala ng awayan....."

"Alam nyo kahit lasing tong si Mic,sang ayon ako sa kanya.......wag niu ng tiisin ang isat isa mag usap na kayo......tayo tayo rin naman mag dadamayan kapag may ganitong problema ang isa"Jake

Grabe naman tong dalawang to,para naman kaming mag karelasyon ni Zin. Hindi pa ako makatingin ng deretso kay Zin,kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan nito e, nagalit lang ako kasi ayaw kong nakikita na nasasaktan si Ghaztine. Lumapit na rin sakin si Zin.

"Kent, im sorry.........hindi ko naman gustong saktan si Ghaz pero kasi may sarilu naman akong dahilan at alam nyo naman yun. Sorry talaga sana mag kaayos ba tayo"

"Pasensya nadin pare kasi nasaktan kita,dala lang nag damdamin yun. Kalimutan na natin yun"

"Hehehheehee..........hik.......hik.......buti pa ang friendship natin nu may forever hehehehe ang love life natin wasak...."

"Gusto mo rin pala si Ghaztine?"tanung sakin ni Jake.

"Oo.....pero wag kang mag alala Jake,wala akong balak na ligawan sya at ipag tapat ang nararamdaman ko.....sapat na sakin ang protektahan sya sa iba.........at sa ngayon pinipilit ko nang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya kasi alam ko naman na wala ng pag asa."

"E panu si Avey"

"Bakit????anung tungkol kay Avey???matagal na kaming hiwalay at ang alam ko may boyfriend sya dun sa States. Hindi pa lang kami nakakapag usap pero pinaplano ko naman na mag offer ulit ng friendship sa kanya. Mahirap kasi yung halos araw araw mo syang nakikita pero hindi kayo nag uusap diba?"

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon