"Marcus........"
Hindi ko alam kung bakit nakatulala si Zin sa babaeng nagsalita. Napakaganda nya para syang super model,ang tangkad tapos ang flawless ng skin nya,matangos din yung ilong nya at super puti grabe napaka perfect naman ng babaeng to siguro nung nagsabog ng kagandahan si Lord gising na gising ang babaeng to.
"ah Zin,kilala mo ba sya?"
"a Ghaz mauna ka na sa kotse dalhin mo na tong pinamili natin,mag uusap lang kami"
"sige,"nginitian ko si miss beautiful bago ako pumasok sa kotse at ngumiti din sya sakin,sinu ba sya?bakit ayaw ni Zin na marining ko yung pag uusapan nila?mukhang hindi nagustuhan ni Zin na makita sya,may past kaya sila?pero wala naman nababanggit si Zin e,sino ba talga sya.
Alam kong masama makinig sa usapan ng ibang tao pero hindi talaga ako mapakali gusto ko talagang malaman kung sinu ba talaga sya.Kaya sinundan ko sila at nakinig sa usapan nila.
.............
Hindi ako handa na makita sya ngayon,bakit naman ganito kabilis?bakit naman hindi muna ako hinanda ng tadhana para sa pag kakaton na to.
"Girlfriend mo ba sya Zin?"
"hindi bestfriend ko sya,kilala mo naman siguro sya diba?"
"bestfriend?hindi ba dyan din tayo nag simula?magugustuhan mo din sya"
"hindi ko sisirain ang pagkakaibigan namin para lang sa pag ibig na walang kasiguraduhan, i've already learned my lesson.Hinding hindi na ko magkakagusto sa bestfriend,mas papahalagahan ko si Ghaz at kailaman man hindi ko sya iiwan lalo na sa panahong kaylangan nya ako"
"im sorry Marcus,alam ko nasaktan kita alam ko nahirapan ka ng matagal na panahon dahil sakin,im so sorry pero gusto ko ng itama ang lahat Marcus gusto kong bumalik sa buhay mo"
"nababaliw ka na ba Gaby after ng ginawa mo sakin ngayon sasabihin mung babalik ka sa buhay ko?para anu?para sirain at guluhin ulit ito?pasensya ka na Gaby pero hindi,matagal na tayong tapos matagal ka ng wala sa buhay ko mas pinili mo siya kesa sa akin hindi ba?hindi lang buhay ko ang sinira mo pati narin ang pagkakaibigan namin.Ang tanga tanga pala nuon sayo ko lang kasi tinuon ang buhay ko kaya nung iniwan mo ko hindi ko alam kung anung gagawin ko hindi ko alam kung saan ako magsisimula ulit. Kaya Gaby please lang wag mo na kong guluhin ulit"umalis na ko kasi anu mang oras tutulo na ang mga luha ko at ayaw kong makita nya na hanggang ngayon nasasaktan padin ako.
Pumunta na ko sa kotse nakita ko naman na nakatulog na pala si Ghaztine bute nalang kasi ayaw ko na makita nyang umiiyak ako hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.Gusto ko ng kalimutan si Gaby pero panu lalo na ngayon na bumalik na sya,anung dapat kong gawin.
Inuwe ko nalang si Ghaztine sa bahay nila sinabi ko nalang na sa susund nalang kami mag luto pagod na din kasi ako pero ang totoo naguguluhan ako.Nag paalam na ko sakanya at umuwe na.
............
Pag kaalis ni Zin tumakbo na agad ako papunta sa kwarto ko,hindi ko na mapigilan ang umiyak nasasaktan ako ng sobra sobra ngayon. Naiinis ako sa sarili ko masyado kasi ako tsimosa yan tuloy ang napapala ko. Iyak lang talaga ako ng iyak lagi ko kasing naaalala yung nangyari kanina.
"hindi ko sisirain ang pagkakaibigan namin para lang sa pag ibig na walang kasiguraduhan, i've already learned my lesson.Hinding hindi na ko magkakagusto sa bestfriend,mas papahalagahan ko si Ghaz at kailaman man hindi ko sya iiwan lalo na sa panahong kaylangan nya ako"
Kahit anu palang gawin ko walang kwenta kasi hindi nya ko magugustuhan kasi isang hamak na bestfriend lang pala ang tingin nya sakin. Bakit kasi napaka unfair ng tadhana e bakit ba kasi sa kanya pa ko nagkagusto,bakit kasi sya lang ang nagpapasaya sakin at higit sa lahat bakit kasi sya pa naging bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Novela JuvenilNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...
