Chapter 26: Rejection

207 10 2
                                        

Zin

"Ghaztine.............."

"Im sorry..........sobrang mahal kita kaya ayaw kong mawala ka sa buhay ko.Ayaw ko na magkahiwalay tayo tulad nina Kent at Avey,ayaw ko na iwan mo ko sa oras na kaylangan kita tulad ni Gaby.Mahirap makipag relasyon sa isang kaibigan Ghaz,maraming pwedeng masira oras na nagkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan.Ayaw ko na magkaroon tayo ng relasyon na higit pa sa kaibigan."

"At hindi naman talaga ako ang lalaking para sayo.Ako lang yung.......yung kaibigan mo na handang makinig sayo sa lahat ng sasabihin mo,ako yung kaibigan mo na dadamay sa problema mo ,ako yung kaibigan mo na handang ipagtanggol ka sa boyfriend mo kapag inaway ka pero Ghaz..........never akong magiging boyfriend mo. Mahal na mahal kita kaya gusto ko manatili tayong magkaibigan habang buhay".

"Im sorry talaga Ghaztine"

Hindi ko alam kung panu parin ako nakakatayo ng maayos matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Zin.Sa sitwasyon ko ngayon hindi ako naniniwala sa action speaks louder than words,mas masakit marinig sa kanya mismo na kaylanman hindi magiging kami mas masakit pa talaga sa mga pinapakita nya. Sunod sunod na ang pag tulo ng luha ko ayaw ko pa naman sana na makita nya na ganito ako pero ayaw talagang tumigil ng luha ko nakakainis na.

"Ghaz please wag kang umiyak,please ayaw ko ng ganito hindi kita gustong saktan please,kalimutan natin kung anung nangyari ngayon,bumalik na lang tayo sa dating tayo Ghaz"

Gustong gusto ko syang sapakin ngayon sa mga sinasabi nya. Anung kalimutan?anung bumalik sa dati?nababaliw na ba sya?gusto nya isipin ko na parang walang nangyari,na hindi ako nasasaktan ng sobra ngayon. Sobrang selfish nya talaga. Tumakbo nalang ako palayo sa kanya,iyak parin ako ng iyak. Narinig ko na paulit ulit nyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko sya pinansin.Tumakbo nalang ako pabalik sa tambayan namin.

"Congratulations Ghaztine!!!!!!!!!!!!"sabay sabay na sigaw nina Avey,Gaby at Michael. May hawak pang banner sina Jake at Kent. May hinanda pa silang mga pagkain,sadyang pinag handaan nila ang araw na to,dahilan para lalong lumakas ang pag iyak ko.

Natahimik silang lahat nung marinig ang pag iyak ko,bakas sa mukha nila ang pagkabigla at parang hindi nila maintindihan ang mga nangyayari,umiling na lang ako at sa ginawa kong yun alam na nila,isa isa silang lumapit sakin.Niyakap naman ako ng mahigpit ni Gaby.

"tahan na Ghaztine, im sorry kung pinilit kitang gawin ang bagay na to,im sorry talaga Ghaz,akala ko kasi mababago mo yung isip ni Zin"mas lalong humigpit ang yakap ko kay Gaby,bakit nga ba ko ng tapat sa kanya ganyong alam ko naman ang sasabihin nya,pero sobra talaga akong nasasaktan ngayon.

"Bwiset talaga"narinig ko na sinabi ni Kent sabay labas ng tambayan.

"Kent!!!!!"sinundan naman sya ni Avey.
......................

Nakakainis si Zin,bakit ganun sya?bakit ang dali para sa kanya saktan ang damdamin ni Ghaztine.Hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko sinaktan nya ang babaeng gusto ko.Gusto gusto ko syang bugbugin ngayon,balian ng buto lahat na. Nung nakita ko sya sa may tabing dagat,tumakbo ako papalapit sa kanya at agad ko syang sinuntok.

"Tanga ka ba Zin o nagtatanga tangahan lang!!!Mahal ka ni Ghaztine pare hindi mo ba nakikita yun?!??!!Alam ko hindi ka manhid,alam kong alam mo na matagal ng may gusto sayo si Ghaztine at alam ko din na pareho kayo ng nararamdaman pero bakit mo sya sinasaktan ngayon!!??!?!?!!!!!!!"

"hindi mo ko maiintindihan Kent"nakahiga parin sya sa buhangin nung sinabi nya yun.

"kasi ayaw mung ipaintindi sa amin!!!?Hindi lahat ng tao katulad ng daddy mo at ni Gaby!!!Hindi lahat ng tao iiwan ka!?!!!Bakit sa ginawa mo ba ngayon,sa tingin mo hindi mag iiba ang tingin ni Ghaztine sayo,sa tingin mo magiging normal lang ang lahat!!!! "

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon