Chapter 25: Confession

231 11 1
                                        


Ilang araw narin mula nung huli kaming mag usap ni Zin at ngayon kinakabahan parin ako kung tama tong gagawin ko. Baka lalo lang kaming hindi magkasundo nito pero dun nalang ako sa positive side. Masaya din ako kasi mga kaibigan ko talaga ang tumulong sakin para dito. Nalulungkot lang ako para kay Jake ayaw ko naman syang saktan pero hindi mo naman talaga matuturuan ang puso mo kung sinu ang dapat mahalin diba?E di sana dun nalang ako sa alam kong di ako sasaktan at mamahalin ako ng sobra.

Balak kong ipagtapat kay Zin ang nararamdaman ko mamaya pag katapos ng klase.Nasa tambayan mamaya lahat kaya andun din si Zin,its now or never na talaga.Wala akong hinandang sasabihin sa kanya dahil gusto ko natural lang,kung anung nasa puso ko yun ang sasabihin ko para maramdaman nyang seryoso ako. Kaya mo yan Ghaztine gogogo!!!??!!!!!!!

............
Avey

Pumasok ako ng maaga ngayon dahil may quiz kami sa math,kailangan kong magreview ngayon maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya di ako nakareview.Sana lang maintindihan ko pa to,medyo mahina kasi ako sa math,sana makita ko rin Jake para makapag paturo ako.

Umupo muna ko sa bleacher at inilabas ang libro at notebook ko,nagsimula na kong mag aral.Ilang minuto kong tinitigan ang math problems pero hindi ko talaga maintindihan,sobrang pigang na ang utak ko pero wala pa din maluha luha na ko grabe mukhang babagsak pa ata ako ngayon.

"hindi mo lalo maiintindihan yan kung iiyak ka lang"nagulat ako sa nagsalita pero hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang nagsalita boses palang nya kilalang kilala ko na at higit sa lahat miss na miss ko na sya.Hindi ko nalang sya pinansin at nagbasa nalang ulit.Pero nagulat ulit ako ng kunin nya yung libro ko at binasa ito.Umupo sya sa tabi ko,matagal ko syang tinitigan dahilan para taasan nya ako ng kilay at mag salita.

"tititigan mo lang ba ako o mag aaral tayo"

"ha?e ah mag aaral"

"good"sinimulan nya na kong turuan,sinubukan kong intindihin ang mga sinasabi nya.Ang galing nyang mag turo,iniisa isa nya talaga para mas maintindihan ko.Madaling lang pala sya,masyado lang akong napressure dahil mamaya na yung quiz.

"salamat sa pag turo sakin,kala ko talaga hindi ko na sya maiintindihan hahanapin ko pa sana si Jake  buti nalang dumating ka"

"tsk....di ka parin nagbabago,wag mung idepende sa ibang tao ang buhay mo panu kung wala kami panu ka na?iiyak ka nalang?hahayaan mo nalang.Sana matuto ka na rin tumayo sa sarili mung paa"

"ha!!!??? wow im sorry ha nasayang ko ata yung oras mo,dahil turuan mo ko.Sorry kung kailangan ko pang magpatulong sa iba pero hindi naman kita pinilit diba,ikaw ang nagkusa na tulungan ako tapos ganyan ka ngayon!!!"

"kaya ayaw kitang kausap e,ang kitid ng utak mo hindi lang naman yung ngayon ang ibig kong sabihin.Panu ka matututo kung di mo sasanayin yang sarili mo na gawin kung anu man yung kaya mo namang gawin"

"ang kapal mo para sabihing makitid ang utak ko,inaanu ba kita ha?at tska buhay ko to gagawin ko ang gusto ko,wala ka ng pakialam dun"

"tsk.......napaka isip bata mo talaga,siguro nga hindi na talaga tayo magkakasundo pa"iniwan na ko ni Kent.Hindi ko malaman kung anu ang mararamdam ko magagalit ba ko dahil sa masasakit na salita na sinabi nya o malulungkot dahil sa sinabi nyang wala nang pag asa na magka ayos kami. Panu ba kami nauwe sa ganito,kasalanan ko talaga to e.Siguro nga deserve ko ang mga nangyayari sakin ngayon,karma ko na nga ata to sa pag iwan ko sa kanya. Pero kasi mahal ko pa sya,mahal na mahal.Ayaw ko namang iconfess ang nararamdaman ko dahil matagal ko ng alam na may iba ng nilalaman ang puso nya.At kung hindi ako nagkakamali baka ang bestie ko pa ang taong mahal nya.

Sana talaga matauhan na ang tadhana para makita nya na masakit ang mapaglaruan.Sana rin panain ni kupido ang sarili nya, maramdaman naman nya na hindi lahat nagiging masaya dahil sa pag ibig.

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon