Michael
Mabilis lumipas ang mga araw,hindi talaga namin inaasahan ang balita ni Zin na nandito na ulit si Gaby pero hindi pa sya nagpapakita sa amin.
miyerkules ng hapon andito kami apat sa tambayan,pinapunta kami ni Zin may importanteng bagay daw kasi syang sasabihin sa amin.
"oh pare anu ba yung importanteng bagay na sasabihin mo at tska bakit wala dito si Ghaztine,hindi ko din sya nakita sa school kanina tungkol ba sa kanya ang pag uusapan natin?"tanung ko kay Zin pero hindi sya mapakali palakad lakad lang sya.
"hindi sumasagot si Ghaztine sa mga tawag at text ko sa kanya kanina kaya si Austine na lang kinausap ko,sabi naman nya girl's thing lang daw kaya hindi ko na sya kinulit okey lang sya,"jake
"pwde ba Zin,sabihin mo na yung gusto mung sabihin nahihilo na kami sa ginagawa mo e"kent
"bumalik na sya,....."hindi na kami nagtanung kung sino yun dahil alam na namin kung sinu ang tinutukoy nya.Nilapitan namin si Zin at tska pinaupo,mukhang any moment from now maiiyak na sya halata mo sa kanya na affected parin sya sa mga nangyari.
"kagabi habang kasama ko si Ghaz na mamili para sa regalo ko kay mommy nagpakita sya sa amin,pero hindi pa alam ni Ghaztine ang tungkol sa kanya ayaw ko na sana na malaman pa nya,kaya ko kayo pinapunta dito wag nyo na sanang sabihin kay Ghaz ang tungkol sa kanya."
"hindi ba parang magiging unfair tayo kay Ghaz kapag hindi natin sinabi sa kanya ang totoo,nandito na sya kaya any moment pwde silang magkita ni Ghaz"
"alam ko yun Kent wag nyo nalang sabihin sa kanya na,naging kaibigan din natin sya nuon na,na malapit tayong lahat sa kanya at sya ung girl bestfriend ko nuon"
"iisipin ni Ghaztine na pumalit lang sya sa pwesto ni Gaby"
"wag naman sana,alam ko naman na hindi yun iisipin ni Ghaz iba sya sa lahat"
"napaka manhid mo talga,aalis na ko magrereview pa ko"
"Jake wait lang sabay na ko"sabi ni Kent at umalis na silang dalawa.
"hayaan mo na Zin medyo hindi lang nila nagustuhan ang plano mo na maglihim kay Ghaz,pero wag kang mag alala tutulungan ka nila hindi ka nila papabayaan ganyan tayo diba?"
"salamat Michael,hindi ko naman gustong mag lihim kay Ghaz ayoko lang na madamay pa sya dito lalo na kapag nalaman nya pa yung totoo"
.........
Kaya ito ako ngayon mag isa sa suppose to be gala ng barkada,wala si Jake kasi puro aral naman yun isang yun,si Zin may issue parin sya sa pag babalik ni Gaby si Ghaztine dalawang araw ng hindi pumapasok girl issue parin ata si Kent naman ilang araw ko na syang napapansin na parang may iniiwasan pero wala pa naman syang kinukwento sakin.
Balak ko nalang manuod ng sine at maglaro,habang naglalakad lakad ako nakakita ako ng chicks pag sinsuswerte ka pa nga naman oh,nakatalikod sya pero likod palang alam mo ng maganda sya,ok din pala na wala sila sakin lahat ng chicks ngayn hahahaha!!
Lalapitan ko na sana ung chicks kaso naunahan ako ng tatlong unggoy.Pinag masdan ko sila kinukulit nila yung babae pero ayaw naman nitong sumama. Ehem ito na ang pagkakataon ko magiging night and shinning armor na ko.
"pwede ba?ayoko ngang sumama sa inyo e,mine your own business nalang"
"ang sunget mo naman sige na sumama ka na samin,kami bahala sayo"boy 1
"hindi nga pwede kasama ko boyfriend ko nu"
"talga lang ha?e kanina ka pa namin tinitingnan wala ka namang kasama e"boy 2
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Teen FictionNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...
