Jake
After Graduation, napag planuhan ng barkada na mag outing kami. Syempre partner partner . Si Austine at Gaby.....di mo akalain na may romantic side din pala tong si Austine. Pero may pag ka under pala sya kay Gaby....si Gaby ang parating nasusunod..akala mo lang matapang si Austine di naman uubra sa master nya.
Si Michael at Kristine, kahit na hindi pa sila,halata na naman sa kanila na mahal na mahal nila ang isat isa, hindi naman talaga kailangn ng label sa isang relationship para maging masaya diba at para makasama ang taong mahal mo.
Syempre hindi papahuli dyan ang Kenvey kung sweetness lang naman ang pag uusapan ay panalong panalo sila dun. Sabi nga nila love is sweeter the second time around. Lahat may second chance sa lahat ng bagay...nasa sa atin narin kung pahahalagahan natin o babaliwalain lang natin.
Hindi rin papahuli ang bagong loveteam ng barkada namin si Zin at Ghaztine, masaya ako para kay Zin kasi sa ngayon pinag laban nya na talaga kung anung mag papasaya sa kanya. At syempre masaya din ako para kay Ghaztine kasi nakasama na nya ang talagang lalaki na mahal nya.
Ako? wala pa e....pero hindi ako sumusuko alam ko makikita ko rin ang para sa akin. Pero hindi ko sya hahanapin, hahayaan ko nalang syang dumating sa buhay ko. At tska sa ngayon ayaw ko pang hayaan na mapalitan si Ghaztine dito sa puso ko. Kahit na tanggap ko na na hanggang friends lang kami masaya na ako dun. Diba basta mahal mo ang isang tao kahit na mahirap ibibigay mo sa kanya kung anu man makakapag pasaya sa kanya.
Ganyan ang love....hindi puro saya lang....may lungkot at pag sasakripisyo...minsan may makikilala tayo tapos akala natin sya na talaga yung forever natin...aalagaan mo syang mabuti at proprotektahan...pero kung sadyang hindi sya para sayo...mismong ang tadhana na ang mag sasabi nito...Dadating lang sila sa buhay natin para may matutunan tayo at para patibayin tayo. Para sa susunod na makita mo na talaga ang destiny mo handa na tayo.
Sa pagkakaibigan hindi mo din maiiwasan na may magustuhan ka lalo na kung parati naman kayung mag kasama...sa kanya mo kasi pinapakita kung sino yung totoong ikaw...nang walang tinatago...magaan ang loob mo kaya pakiramdam mo safe ka sa kanya.
Pero kapag naramdaman mo na iba na...ang hirap mag decide..ang hirap mamili....kaibigan ba o kai-bigan. Madaming dapat isipin bago pasukin ang isang desisyon kasi dito mag sisimula ang lahat. Isasakripisyo mo ba ang pagkakaibigan o mananatili nalang tikom sa nararamdaman.
Hai buhay parang life talaga.... bahala si batm.........
Hindi ko na matuloy yung sinasabi ko, binangga kasi ako ng isang babae na hindi marunung tumingin sa dinadaan...pero dahil gentleman ako..ako na hihingi ng sorry kahit na sya talaga ang may kasalanan.
"Miss...im sor....."
"OMG..tingnan mo yung ginawa mo..nadumihan tuloy yung suot ko....kasalanan mo to e "
Wow just wow...naman talaga sa babaeng to...unang una ang hilig nyang putulin ang mga sinasabi ko tapos ako pa talaga ang may kasalanan e sya tong hindi marunung tumingin sa nilalakaran nya. Tapos nadumihan ko daw yung damit nya...e tubig lang naman yun at tska nasa beach kami, so ayos lang na mabasa sya ng tubig...grabe talaga.....
"so anu to???hindi ka man lang hihingi ng sorry sa ginawa mo??? anu ba yan....hindi gentleman...dyan ka na nga...."
Iniwan ako ng babaeng yun ng nakatulala...at literal na naka nganga talaga...wala akong masabi as in....ibang klase...ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng babae...
Hayaan kita sa ngayon miss...dahil alam ko..hindi pa ito ang huling pagkikita natin....mag kikita tayo ulit...alam ko yun...
"Jake!!!!!!tara na dito...bilis...mag pipicture tayo" tawag sakin ni Avey.....kinalimutan ko muna si miss sunget mag kikita kami...soon......
……............
Guys.....thank you po sa lahat ng patuloy na nag bbasa ng story na to...sorry po kung di ko na upload ang ending kaagad super busy lang...pero ito na po.....enjoy po kau...Merry Christmas everyone...love you......
xoxoxo
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
أدب المراهقينNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...