Chapter 28: Denial Stage

214 11 2
                                        

Tahimik lang kaming dalawa ni Avey sa kotse,walang gustong magsalita samin. Ayaw ko na malaman pa ni kuya ang nangyari sakin kasi alam kong sesermunan na naman nya ako.

"Bakit parang ang tahimik nyo atang dalawa ngayon,may tinatago kayo nuh"

"Anu ba yan kuya,tahimik lang may tinatago agad,hindi ba pwedeng inaantok pa rin kami at tska ayaw namin abalahin ang pag dadrive mo kaya tahimik kaming dalawa"

"E bakit ang defensive mo, ang dami mo agad nasabi sa tanung ko,nahahalata tuloy na nag sisinungaling ka. Dinedeny mo pa na wala kayong tinatago."

"Anu ka ba Austine,wala nga kaming tinatago ni Claire,ang totoo nyan may exam kami mamaya,kaya nirereview namin ang scope ng exam"

"Nang walang hawak na reviewer?????, isa ka pa Avey hindi talaga kayo magaling magsinungaling."

"Nirereview namin sa utak namin kuya,alam mo na matatalino naman kami,stock knowledge, ganun lang yun. At tska pwede ba wag kang mag tanung kuya nawawala kami sa focus e. Magdrive kanalang, at tska si Gaby lang ang nag rereview ng may reviewer,kailangan nya yun. Kami utak lang,utak lang.........."

Hindi ko na natapos ang aking pag sasalita ng biglang nagpreno si kuya Austine,grabe naman walang pasabi sabi.

" anu ba yan Kuya,mag ingat ka nga,maaaksidente tayo nyan e. Okay ka lang ba?"

"Wala to,pasensya na okay lang ba kayo wala namang nasaktan sa inyong dalawa,pasensya na talaga"

"May nasabi ba ako kaya bigla kang napapreno ha kuya?"

"Ha?anu??wala.....wala. may anu.......may,,,.........tumawid na pusa, oo tama may tumawid na pusa kaya nabigla lang ako sa kanya."

"Sus pusa daw,,,..........in denial"may binulong si Avey at sinamaan bigla ng tingin ni Kuya si Avey.

" may sinasabi ka ba Avey???anu yun?????"

"Ah wala yun Claire,tama si Austine may pusa nga,hindi pa nga nakaka MOVE ON e,ang tagal tagal nga"

"patingin nga nasaan ba,wala naman e"

"Wala na, bumalik ka na sa upuan mo aalis na ulit tayo."mukhang badtrip na si kuya.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Avey,anu bang meron???....

...............................

Nakarating kami sa eskwelahan ng hindi nag sasalita si kuya,sya naman ang parang may tinatago ngayon. Bumaba na kami ni Avey sa kotse ni kuya,para tuloy na badtrip sya,kawawang pusa.

"Anung nangyari kay kuya, grabe oa naman nya pusa lang e sobra na agad magalit"

" mahal nya kasi......."

"Ha????anung mahal?????nino????sino??????"

"Wala yun,wag mo ng intindihin ang sinasabi ko,tara na baka malate pa tayo at tska iniintay na tayo ni Gaby dun."

Nag lakad na kami ni Avey papunta sa classroom, hindi namin nakita si Gaby,absent kaya siya??? Bakit wala man lang syang pasabi,buti nalang nagsalita ang isa naming kaklase.

"Kung hinahanap nyo si Gaby,nakita ko syang kasama ni Austine,parang may pinag uusapan sila,nung nakita nila ako umalis sila e."

"Ha?si kuya at Gaby ang bilis naman ni kuya, anu namang pag uusapan ng dalawang yon,lagot baka sabihin ni Gaby ung tungkol samin ni Zin,lagot na. Tara Avey sundan natin sila dali dali."

"Wait lang Claire,hayaan mo na sila at tska sigurado ako na hindi sasabihin ni Gaby kay Austine yung tungkol sa inyo. Hayaan nalang natin silang dalawa."

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon