Chapter 11:The Truth

262 10 2
                                        

"ang totoo nyan matagal na kaming hiwalay ni Avey,hindi ko lang talaga alam kung papaanu ko sasabhin sa inyo,siya din, ang plano namin kapag umuwe sya tska namin sasabhin na wala na kami pero sobrang hirap na hirap na ko Ghaz,ayokong umuwe si Avey,ayokong malaman nyo na hiwalay na kami lalong lalo na si Zin,ayaw nya na magiging ganito kami ni Avey,Ghaz anung gagawin ko?anung dapat gawin ko?"patuloy lang sa pag iyak si Kent,totoo ang sinabi nya masasaktan si Zin pamilya na ang turing nya sa amin,nahihrpan din ako sa sitwasyon ni Kent,mdyo nag tatampo ako kay Avey at naglihim pa talaga sya sa akin..

"gawin mo kung anung tama Kent,lahat naman masasaktan kapag nalaman nilang wala na kayo,bakit papatagalin mo pa?sabihin mo sa kanila nag plano pa nga tayo diba gagawa tayo ng party dito sa tambayan para sa kanya anung gagawin mo?"

"hindi ko alam Ghaz,tulungan mo ko please!????!"niyakap ko nalang si Kent kasi sa ngayn ito ang mas kailangan nya."wag kang mag alala tutulungan kita Kent pero kapag handa na kayo o ikaw sabihin mo sa kanila ang totoo."

"salamat Ghaz masaya ako na ikaw ang nakausap ko tungkol dito"

"ok lang ba na ikwento mo sa akin ang buong pangyayari?"

"nung una naman kahit mahirap yung ldr nakakayanan namin ni Avey,nag skype kami every night,tintext ko din sya kapag free time ko bsta gusto ko lagi kaming connected.Minsan may tampuhan din kami hindi naman yun maiiwasan diba pero kahit sya ang mali ako parin ang sumusuyo sa kanya kasi ayoko ng magkakasamaan kami ng loob,gusto ko ok kami lagi malayo na nga kami sa isat isa ganun pa db?Pero nitong huli dumalas ang pag aaway namin,kahit sinusuyo ko na hindi nya tinatanggap,madalang na din sya kung makipag usap sakin parang wala na din syang time sa aming dalawa.Tapos one time nung nagskype kami may nakita akong lalaki sa likuran nya,tinanung ko kung sinu yun sbi nya wala lang pero Ghaztine di mo mawawala sakin ang mag selos ang tagal na namin hindi nagkakasama tapos ganun pa yung makikita ko.Tpos 2 months nang nakaka lipas nagpasya na syang tapusin nalang kung anung meron kami,hindi ako pumayag nung una pero sinabi nya hindi na daw sya masaya,so naisip ko bakit papahirapan ko pa sya,kung ako gusto ko pang ipaglaban sya sumuko na.Sabi nya tska nalang daw namin ipaalam kapag umuwe na sya,hindi ko alam kung papanu ang mangyayari kapag umuwe na sya,nahihirapan ako Ghaz,mahal na mahal ko pa din sya.

"may dahilan si Avey,alam ko yun kasi alam ko mahal na mahal ka din nya Kent imposible yun,wag kang mag alala kakausapin ko si Avey alam kong may kadramahan lang yun sa buhay pero mahal ka nun Kent."

"Salamat Ghaztine pero wala na siguro pag asa kasi sinabi din nya sa akin na may mahal na syang iba"nagulat ako sa sinabi ni Kent kasi alam ko mahal na mahal ni Avey si Kent palagi pa ngang pinapabantayan sakin ni Avey si Kent e kaya bakit nya sasabihing may mahal na syang iba,may mali dito.

"alam ko at naniniwala ako na ikaw ang mahal ni Avey siguro may problema lang sya o may gumugulo sa kanya"

"hindi na ko umaasa pa Ghaz,gusto ko lang maka move on na,gusto ko kapag umuwe sya wala na kong nararamdaman para sa kanya,gusto ko na syang kalimutan"

"madali lang naman ang makalimut ang mag move forward ang mahirap,lalo na at palagi mo ng makikita ang taong gusto mung kalimutan"

"ikaw Ghaz?gusto mo na bang kalimutan o aasa ka pa din?"

"ha????anung sinasbi mo dyan???hindi kita maintndihan???"iniwas ko ang tingin ko kay Kent,anung sinasabi nya,may alam ba sya??kinukwento ba ni Avey ang sinasabi ko sa kanya?lagot sakin ang babaeng yun talaga.

"kung iniisip mo na nalaman ko to sa iba nagkakamali ka,alam namin tong lahat maliban nalang dun sa manhid mung nagugustuhan,kahit si Jake alam to kaya nga bumilib kami sa kanya nung yayain ka nyang mag date kahit na may iba ka nalang gusto"

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon