Chapter 8:Spy

301 10 1
                                    

Zin

Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko,sinu ba to agang aga pa at tska weekends anu ba yan.Sinagot ko ang tawag ng hindi titingnan kung sino tumatawag,ayoko pang imulat ang mga mata ko.

"hello,sinu to?"

"dude,maligo ka na at mag aus magdala kadin ng cap at sunglass mo,malapit na kami 8 sharp nandyan na kami!!!"

"Michael!!!!!!!!for pete sake weekends ngayon,at ang aga aga pa san nyo ba balak pumunta mamaya nalang tanghali wag ngaun,nagpapahinga pa ko"

"Anu ka ba naman Zin,alam mo naman hindi masaya ang lakad kapag hindi ka namin kasama,malulungkot si Kent nyan"

"Dinamay mo pa talaga si Kent,susund nlang ako sa inyo sabihin mo nalang kung saan yang pupuntahan nyo"

"Hindi pwde pare dapat sabay sabay tayo,talaga bang natitiis mo kami,cge pare wag na lang mas gusto mo pa atang matulog kesa kasama kami,sige pare"tumahimik bigla si Michael,eto na naman po sya haixt.

"Ang bading bading mo talaga Michael,oo na oo na sasama na ko"narinig kong nag appear ang dalawa mga baliw talaga

"Sabi ko na nga ba mabisa pa din ang charm ko,hehe 8  pare sa my tambayan dun ka na namin susunduin bsta ung mga pinapadala ko ha sige pare"

Bumangon na ko,sabado pa naman ngayon pahinga ko sana pero ung dalawang ugok kasi,natawa na lang ako sa sarili ko kasi hindi ko sila matanggihan.Nung tatayo na ko para maligo may nagtext sa akin,akala ko sina Michael na naman pero hindi pala.

1 message received
63917805....

See you soon

Si Gaby...................

....................
8 sharp nga dumating sina Michael.

"Pare sakay na"

"saan naman tayo pupunta,siguraduhin nyo lang na matutuwa ako dyan,dahil ginising nyo ako ng maaga"

"anu ka ba naman pare,minsan na nga lang tayo lumabas,wag ka ng mag reklamo dyan,dinala mo ba yung pinapadala namin"kent

"oo bakit pa natin kelangn mag suot nito,anu ba talagang gagawin ntn?"

"manunuod tayo pare,masaya to"ngumiti ng kakaloko si Michael,anu na naman kayang trip ng dalawang to.Hindi na ko nag salita pa pinikit ko na lang ang mga mata ko habang nasa byahe kami para naman makabawi sa pang gigising sa akin ng dalawang to.Naalala ko date nga pala ngayon nina Jake at Ghaztine.Kamsta na kya si Ghaz sana maging masaya silang dalawa sa date nila,ittext ko sana sya pero ayoko ng makaistorbo pa baka mag kasama na silang dalawa. Masaya ako para kay Jake kahit napaka nerd nun e may ganito pala syang side atleast nilabas na nya.Natigil ako sa mga iniisip ko ng huminto ang kotse ni Kent.Andito kami ngayon sa Mall.

"Mall???????mga pare kung gusto nyo naman palang manuod ng sine sana mamaya nalang tayo nanuod hindi yung ganito kaaga,mga baliw talaga kayo."

"Hindi sine papanuorin natin nu,at tska mga chicka babes ko ang gusto kong kasama kapag mag sisine hindi kayo"

"Ulol ka Michael,mag intay ka lang Zin,wag kang masyadng oa dyan. Iba ang papanuorin natin"

"Ewan ko talaga sa inyong dalawa,panigurado kalokohan to,bakit ba ako nagpapauto sa inyo"

"Kasi mahal mo kami!!!!!"sabay pa talaga ang dalawang ugok.Napangiti na lang ako.

------------
Ghaztine

Maaga akng nagising hindi ko kasi alam ang gagawin ko.Susunduin daw ako ni Jake ng 8 am pero 5 Pa lang ngayon kinakabahan ako,ayaw ko namang puntahan si Kristine sabihin pa nun napaka excited ko. Humiga nalang ako ulit pero hindi ako makatulog. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang wallpaper ko,kaming dalawa ni Zin.Ang saya saya naming dalawa sa picture na to ito ung unang beses na may naramdaman akong iba para sa kanya.Na hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kanya,mahal ko na siya. Siya ung super sweet sa barkada at napaka protective nya.Biglang bumukas ung pinto si Kristine,tiningnan ko ang oras at 6 na pala kapag talaga naiicip ko siya nakakalimutan ko ang oras.

Love or FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon