Chapter 5: Friends Forever

334 9 1
                                        

Zin

Andito ako ngayon sa tambayan namin,kasama ko si Jake,Kent at Michael. Nag vivideo games lang kami as usual. Si Michael naman ang daming kausap sa phone panigurado mga chicks na naman yan,wala talgang kasawa sawa sa mga babae.

Bute nalang,hindi kami nahawa sa kanya,itong si Kent loyal kay Avey,kaht na malayo sila sa isat isa. Ito namang si Jake kahit ayaw sabihin halata mo namang may gusto kay Ghaztine.Kahit tahimik at seryoso sya pag dating kay Ghaz nag iiba sya.

Ako?wala pa kong balak mainlove at ayaw ko din magkagirlfriend kaht laro laro lang.Kasi for sure mag bebreak din kami.Oo ganun ako kasigurado wala naman talaga happy ending pag dating sa love e,hindi rin naman puro saya ang pakikipag relasyon. Mag kakatampuhan,suyuan,away ulit hanggang sa mag hiwalay na kayo. Lahat naman ganun e.

Ang totoong nagmamahal sayo,ay ang totoo mong kaibigan,sila ang dadamay sayo kapg nasaktan ka,mapag hihingahan mo ng problema,magbibigay ng payo at dadamay sayo.Kaya mahal na mahal ko mga kaibigan ko e. Kahit anu gagawin ko para sa kanila wag lang silang mawala sa akin.

Halata nyo naman siguro,sa mga kaibigan ko lang ako nakakadama ng pag mamahal,as in sa kanila lang. Ang mga magulang ko? hiwalay na sila,mas maganda pa nga talaga yun e lagi din naman silang nag aaway,nagkakasakitan na sila minsan. Kaya napag desisyonan na nilang mag hiwalay. Nasa puder ako ni mommy. Pero si mommy busy din sa business nila ni Tito Justine kaya madalas wala din syang time sakin. Dito nalang ako sa tambayan kasama ang mga kaibigan ko mas nakakadama ako ng pag papahalaga.

Kaya kahit babaero si Michael,napakaseryo ni Jake, masekreto si Kent ,malayo samin si Avey at malaking topak ni Ghaztine mahal na mahal ko pa parin silang lima. At kaylan man hindi ko sila iiwan at sasaktan.Friends Forever kumbaga lalong lalo na kay Ghaztine.

Siya ang pinaka malapit sa akin sa mga kaibigan ko,nagkakasundo kami sa madaming bagay kahit na may pag kaisip bata siya. Nakakatuwa syang kasama pakiramdam ko may nababata akong kapatid. Ang sarap nyang protektahan napaka fragile nya kasi. Iyakin talaga kahit na kala astig sya dahil sa pananamit nya wala syang arte kaya gustong gusto ko talaga.

Sana lang kapag nagtapat sa kanya si Jake,wag siyang saktan nito kasi pati ako masasaktan,mahalaga silang dalawa sakin e.

"Nga pala guyz,niyaya kong magdate si Ghaztine sa sabado,saan tingin nyo maganda kaming pumunta?"-Jake

Natigil kami sa pag lalaro at nabitawan ni Michael ung phone nya.Sabay sabay kaming tatlo nina Kent na napatingin kay Jake habang nakanganga. Kakasabi ko lang kanina eto na agad.

"Wow Jake!!ikaw ba yan?may sakit ka ba?Nagyaya ng date sa isang babae?At si Ghaztine pa talaga?Ayos ka bro your the man na talaga"-Michael

Tumayo din si Kent at lumapit kay Jake nakipag kamay ito sa kanya. "Congratz, bro graduate ka na sa pagiging torpe, susuportahan ka namin dyan"

"Bro,maganda pumunta kayo sa isang resto,may alam ako malapit sa sea side tapos pupunta kayo kapag mag sunset na para romantic ang dating. Gustong gusto nyon ng mga chicks ko."

"Hoy ikaw Michael,wag mo ngang turuan ng kalokohan si Jake,bsta pare kahit saan mo dalhin si Ghaztine matutuwa yun"

"ah Zin,.... ok lang ba sayo na idate ko si Ghaz?"

Medyo naguluhan ako dun ha,bakit nagpapa alam sakin si Jake hindi naman ako ung tatay at kapatid ni Ghaz? Siguro kasi best friend ko si Ghaz.

"Oo naman pare,bsta ito tatandaan mo wag na wag mung sasaktan at papaiyakin si Ghaztine. Ayoko na magkasamaan tayo ng loob.Basta kung mahal mo si Ghaztine alagaan mo sya at mag mung iiwan. Boto naman ako sayo para kay Ghaztine."

"Salamat bro, wag kang mag alala gagawin ang payo mo

Nakipag kamay din sakin si Jake,may ganito pala syang side. Madami pa talaga akong hindi alam sa kanila.

"Kamusta kayong lahat,may dala akong pagkain,baka sawa na kayo sa mga niluluto ni Michael e,gawa namin to ni Papa"

"Ghaztine,tamang tama ang dating mo,gutom na ako,ayoko ng kainin luto ni Michael pare pareho na ang lasa e."

"Grabe ka naman Kent,sarap na sarap ka nga sa mga luto ko nag uuwe ka pa nga"

"e sayang wala kasing gustong kumain,kaya binibgay ko nlang kay dipsy"

"Anu?pinapakain mo lang sa pusa mo? grabe ka naman Kent ang sama mo"Nagtawanan kaming lahat sa pag tatalo nina Kent at Michael lagi silang ganyan dalawa."

"Hi Ghaztine,kamusta ang araw mo?"tanung ni Jake sa Ghaz sobrang lawak ng ngito nya.

"Aus lang naman,kayo ba?Nga pala di na ko magtatagal may pupuntahan pa kasi kami ni Kristine e dinala ko lang tong food,ingat kayo nga "Umalis na si Ghaz parang may kakaiba sa kanya,hindi man lang nya ako pinansin,may problema kaya un,matawagan nga mamayang gabi.

"Sumama ka sakin dito Jake,tuturuan kita sa gagawin mo kapag pag first. Kulang yong nbabasa mo lang sa mga libro mo."

"Hoy ikaw Michael ha baka kalokohan yan sasabihin mo sa kanya,sama ako baliw ka talaga"Pumasok sa kwarto sina Jake. Naiwan ako dito sa sala,masaya ako para kay Jake at Ghaztine madadagdagan na naman ang love team sa grupo.Sana lang magtagal sila katulad nina Avey,sana walang masasaktan sa huli.

Niligpit ko nalang ang kalat dito sa tambayan,ako lang naman talaga taga ayos nila dito e.Tumunog ang phone ko,tiningnan ko at ito ang nabasa ko

1 message recieved
+63917805....

....,,hi Marcus kamusta ka na?excited na akong umuwe,gusto na kitang makasama.Intayin mo ko ha.

Gabby......





Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon