Ghaztine
Hindi pumasok ngayong araw si Avey,hindi ko sya macontact kahapon pa. Nag aalala na ko sa kanya pero siguro nga kailangan muna nya ng oras para makapag isip at mapag isa. Habang iniisip ko ang tungkol kina Avey hindi ko na namalayan na may nabunggo na pala ako at natapon ko sa kanya ang dala kong juice. At kapag minamalas ka nga naman si Trixie pa ang naka bunggo ko.
"yahhhhhhhhh anu ba naman Ghaztine tatanga tanga ka talaga,bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaan mo e,yung damit ko ang mahal mahal pa naman ng bili ko dito tapos ganito gagawin mo!!!!!!!!!!!"
"sorry di ko kasi napansin na nandyan ka at tska isa ka pa rin hindi tumitingin sa dinadaan mo e"
"aba talagang sumasagot ka pa,e kung ikaw kaya ang buhusan ko ng juice dyan sabagay wala naman magbabago kung buhusan kita ng juice madungis ka pa rin na pilit sinisiksik ang sarili kina Zin.Hanga talaga ako sa kakapalan ng mukha mo hindi mo ba nakikita ikaw ang nagpapapangit sa image nila,kaya kung ako sayo lumayo ka na sa kanila"
"alam mo kung katulad mo lang akong isang inggetera at walang kwenta baka kanina pa kita sinaktan pero alam mo hindi kasi ako bababa sa level mo e.Masaktan ka na lang sa mga salita ko. At tska ikaw matagal ka ng nagpapapansin kay Zin pero may napapala ka ba?wala naman diba?"
"ah ganun sumosobra ka na ha"inaasahan ko na ang mga sumunod na pangyayari,pinagtulungan ako nina Trixie at ng mga alipores nya.Grabe ang ginawa nila sakin sinabunutan nila ako,sinipa, tinadyakan at kung anu anu pa.Halos di ko na nakikita ang paligid ko.
"Tigilan nyo yan!!!!!!!!!!"May sumigaw at may lumapit sakin na dalawang lalaki hindi ko sila makilala parang slow motion ang nasa paligid ko.Binuhat ako ng isa sa mga lalaki,hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
................
Pag mulat ng mga mata ko nakita ang................ kisame,syempre nakahiga pala ako.Babangon sana ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.Sobrang sakit talaga ng katawan ko.Naalala ko na ang nangyari binugbog nga pala ako nina Trixie pero teka sino nga ba yung dalawang lalaking tumulong sakin???
Pagtingin ko sa kaliwa ko nakita ko si Jake at Zin na natutulog,napangiti naman ako sila palang dalawa ang nag ligtas sakin kina Trixie.
"Ahem.....naghahanap lang ata kayo ng matutulugan e...tsk tsk tsk"
"Ghaztine!!!!!!!"sabay pa talaga sila at patakbo silang lumapit sakin.
"Ghaz ok ka lang ba?wala namang masakit sayo?yung kamay mo,yung ulo masakit ba?"
"Princess ok ka na ba?gusto mo ba dalhin ka namin sa ospital?may gusto ka bang kainin bibilhin ko para sayo"
"wow naman napaka swerte mo naman,dalawa pang prince charming ang nag aalala at nag aalaga sayo,ikaw na talaga"singit ng nurse dito sa clinic namin.Nahiya naman ako dun,mamya ko na itatali ang mahaba kong hair,hehehe.
"anu ba kayong dalawa ok lang ako malayo sa bituka"
"lagot talaga sakin yang Trixie na yan sumosobra na sya e,sinaktan ka na nya talaga"
"isumbong nalang natin sa principal para mapa alis na sya dito sa school at matahimik na din ang buhay natin"
"anu ba naman kayong dalawa,hindi na kailangan nu,galos lang to at tska baka kapag ginawa nyo yun lalong magalit sakin si Trixie baka pati sa labas ng school gantihan nya ako,kaya relax lang kayo ok"
"nag aalala lang naman kami ni Jake para sayo e,ayaw ka lang naman naming masasaktan alam mo naman kung ganu ka kahalaga sa amin diba?"
"oo Zin,salamat talaga sa inyong dalawa sa pag tulong sakin at tska kahit ganito lang ako hindi nyo ko iniiwan,talaga bang napapasama ko ang image nyo dahil lagi akong nakabuntot sa inyo?
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Teen FictionNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...
