Zin
Akala nila manhid ako,akala nila wala akong alam sa mga nangyayari,pero ang totoo ayaw ko lang na tanggapin sa sarili ko dahil ayaw ko na may masira at masaktan,gusto kong manatili kung anu man meron kami ngayon.
Matagal ko ng alam na gusto ako ni Ghaztine,hindi bilang kaibigan lang.Pero kasi pinangako ko na sa sarili ko na ayaw ko na ulit mangyari yung nuon.I learned my lesson kaya gagawin ko ang lahat para hindi na mangyari yon.At tska dahil narin sa nangyari kina Kent at Avey kaya lalong lumaki ang takot ko na matulad sa kanila.Sobrang mahalaga sakin ang mga kaibigan ko,sila talaga ang dahilan kung bakit ako masaya araw araw lalo na si Ghaztine.
Natatandaan ko pa nuon,nung panahon na umalis si Gaby sobrang hirap sakin,pangalawang pagkakataon kasi na iniwan ako ng taong mahal ko.Naging masama ang image ko nuon,pati na ang ugali ko pero si Ghaztine ang nagpabalik sa totoong ako kaya pinapahalagahan ko sya ng sobra.Ayaw ko syang masaktan pero alam ko din na ako madalas ang dahilan kung bakit sya nasasaktan.
Hindi ko kayang ibigay kay Ghaztine ang pagmamahal na gusto nya,hindi ko sya kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan at higit sa lahat hindi ko kaya na mawala sya sa akin.Alam ko sa gagawin ko ngayon baka lalo pang masaktan si Ghaz dahil sakin yun lang ang naiisip kong dahilan para hindi sya mawala sa buhay ko.
Matagal ko ng naisip ang bagay na ito,lalo ng bumalik si Gaby ayaw ko na isipin ni Ghaztine na pumalit lang sya dito. Lalo na ngayon na nagka ayos na si Gaby at ang buong grupo,ayaw ko nadin na magkaroon ng wrong impression naming dalawa.
Every time na tinutulak ko palayo sakin si Ghaz,kitang kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya,nasasaktan din ako pero wala akong magawa.Sabihin ng selfish ako wala na akong paki alam.
Alam ko din naman na makakahanap pa si Ghaz ng lalaking totoong mamahalin sya.Kung si Jake man ang taong yun sana hindi sila matulad kina Avey ayoko na mangyari sa kanya yun.Kung pwde nga lang protektahan sya araw araw gagawin ko,pero alam kong magiging unfair ako sa kanya dahil hindi naman kami pareho ng nararamdaman.
Sana sa gagawin ko mabaling nalang sa iba ang nararamdaman nya,sana sa gagawin kong ito walang magbago samin at sana forever bestfriend nalang talaga kami.Sana.........
..............
Michael
Totoo pala na kapag nakaramdam ka ng tunay na pag mamahal,magbabago ka.Mababago yung mga hindi mo magandang gawain,mababago ang tingin mo sa mundo.Mali ako nuong sinabi ko na ang love ay para lang sa mga hopeless romantic kasi kapag tinamaan ka pala nito wala ka ng magagawa.Ayaw ko mang aminin sa sarili ko nung una pero ngayon hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko.
Nagsimula talaga to nung aksidenteng nahalikan ko sya,parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko at nagpabago sa sistema ko.Simula nun lagi nalang syang nasa isip ko,kahit na madalas nag aasaran kami kapag nagkikita kami,iba yung nararamdaman ko sobrang saya ko.
Ang kaso sa sobrang galit nya ata sakin,baka kapag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko pagtawanan nya lang ako at sabihin pa nyang pinagtritripan ko sya.
Gusto kong humingi ng tulong kay Ghaz pero alam ko din na hindi sya papayag dahil sa image ko,kailangan sa kanya ko muna patunayan na nagbago na ako.Pero anu nga ba o panu ba ang unang dapat kong gawin.Hindi ko alam kung saan ako magsisimula,nakakabaliw pala talaga to.
Tinawagan ko si Ghaztine at Avey gusto ko silang makausap tungkol sa bagay na to.Sinabi ko magkita nalang kami sa coffee shop.Hindi ako mapakali habang hinihintay silang dalawa,halos maubos ko na nga yung inoorder ko.Pag kita ko palang sa dalawa tumayo na ko at kinawayan sila.
"anung kaylangan mo Mic at pinag madali mo talaga kaming pumunta dito??"
"oo nga Michael,nagbabake pa kami nina papa at Kristine e"naubo ako nung binanggit ni Ghaz ang pangalan ni Kristine.
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Novela JuvenilNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...
