Pag pasok ko palang sa gate madami na agad bulong bulungan ang mga estudyante tungkol kina Avey at Gaby. Siguro nga sobrang sikat nila nuon wala pa ko dito. Habang nag lalakad ako sa pathway lumakas ang bulungan ng mga estudyante nandito na pala si Gaby.Pinagmasdan ko sya habang naglalakad,para talagang super model,tapos yung wavy nyang buhok sumasabay sa paglalakad nya. Tapos napakaganda ng mukha nya,simple lang yung make up nya pero bagay na bagay sa kanya.Ang lakas makatomboy ng babaeng to. Napansin nya ata ako kaya napatingin sya sa direksyon ko at nilapitan ako.
"Hi,your Ghaztine right?bestfriend ni Zin. Hindi pa ako naintroduce sayo ni Zin nung gabing nagkita tayo tama?Ako nga pala si Gaby dati nilang kaibigan."inilahad nya yung kamay nya para makipag kamay sakin,tinanggap ko naman yun.
"Ghaz...Ghaztine Claire"
"sa pag kaka alam ko classmate tayo??naorient na kasi ako kahapon,magiging classmate din natin si Avey diba?"
"oo tama ka,gusto mo bang sumabay sakin papunta sa room?"
"talaga niyayaya mo ko,sige ba ok lang sakin"
"hep hep hep.........Hi Gaby its Trixie,do you still remember me?samin ka nalang sumabay,gusto mo itour ka pa namin dito e,at tska may iba pang iniintay si Ghaztine "napaka epal talga ng Trixie na to ang sarap sabunutan nginitian ko lang si Gaby mas maganda na din yun medyo naiilang pa kasi ako sa kanya napasubo lang ako na yayain sya.
"ganun ba,sige sa inyo nalang ako sasama ,by the way its nice meeting you Ghaztine"nginitian nya ako,grabe ang perfect nya talga,kaya siguro nagustuhan sya ni Zin.
"Claire!!!!!!!!!!!!!"eto na po ang maingay na si Avey,grabe wala talaga syang pag babago napaka hyper parin nya.Pag ka lapit nya niyakap nya agad ako.
"wow Avey ha miss na miss mo talaga ako e parang kagabi magkasama lang tayo ah"
"ganun talaga bestie ang tagal kaya nating hindi nagkita kaya miss na miss kita"
"oh siya mamaya nalang tayo ulit tayo magdramahan baka malate na tayo bestie"Naglakad na kami ni Avey papuntang classroom namin. Pag pasok palang namin ang dami na agad bumabati kay Avey,sikat na sikat talaga ang bestie ko.
Nung dumating si maam pinakilala nya si Gaby at Avey bilang bago naming kaklase.
Tumabi si Gaby kina Trixie naku naku wrong move ka dyan Gaby,mag iingat ka dyan baka matulad ka sa bruhildang si Trixie. At nagsimula na ang klase namin.After ng morning class namin,niyaya ko na si Avey para mag lunch.Hindi ko pa natatanung si Avey tungkol sa kanilang dalawa ni Kent,gusto ko kasi sya mismo yung magsabi sakin ng totoo handa naman ako pakinggan at damayan sya.
"tara bestie,nagugutom na ko"
"sige gutom narin ako,sipag ng mga teachers dito akalain mo buong 4 hours may klase sobrang nakakagutom talaga to."
Nung nasa canteen na kami nakita ko agad sina Zin,lalapit na sana ako ng biglang hinila ni Avey yung kamay ko.Nakita ko andun pala si Kent.
"bakit Avey??ok ka lang ba?tara dun tayo kina Zin,andun din si Kent,diba hindi pa kayo nagkikita,hindi mo ba sya namimiss?"
"ha???e kasi.....Claire...anu kasi....."
"Avey,kung iiwasan mo sya parati walang mangyayari,dadating din yung time na to.Oo alam ko yung tungkol sa inyo,nakakatampo ka kasi wala kang kinukwento mamayang gabi sabihin sakin lahat ha?"Nung una halata kay Avey ang sobrang pagkagulat dahil alam ko na ang tungkol sa kanila ni Kent pero napalitan ito ng ngiti nung huli.Lumapit na kami kina Zin.
"o andito na pala sina Ghaz at Avey e,dito na kayo maupo"Zin
"ahem Avey anung suprise sayo nitong si Kent,siguro napaka romantic nu,magkwento ka naman"Hindi halos makatingin si Avey sa lahat pero pansin ko kay Kent na parang wala lang sa kanya.Minsan nga nahuhuli ko pa syang nakatingin sakin tapos nginingitian nya ako kapag napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love or Friendship
Подростковая литератураNaniniwala si Ghaztine Claire Dela Fuente na destiny nya ang kanyang bestfriend na si Zin Marcus Jimenez.Na one day marerealize ni Zin na si sya ang babaeng nararapat sa kanya. Pero habang tumatagal palalim ng palalim ang pag mamahal ni Zin kay Ghaz...