Chapter 23: The Plan

241 12 2
                                    

Gaby

Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko kasi alam ko susumbatan nya ako at magagalit sya sakin pero sa ngayon ayaw ko munang isipin ang bagay na yun,kailangan ko syang makausap,kailangan kong malaman kung anu ba talaga ang gusto nyang mangyari.

Andito ako sa harap ng bahay nina Marcus,gusto ko syang makausap ngayon.Nagdoorbell ako at agad namang lumabas ang isa sa katulong nila.Mukhang bago sya dito hindi ko kasi sya kilala,sinabi ko nalang na kaibigan ako ni Zin at kailangan ko syang makausap ngayon.Pinapasok naman nya agad ako.Pag pasok ko sa loob ng bahay,halos walang nagbago ganun parin ang ayos ng bahay nila.Namiss ko tuloy yung nakaraan pero alam ko hanggang doon nalang yun,kasi mas pinili kong iwan at saktan sya.

"Gaby hija??ikaw ba yan??"napatingin naman ako sa nagsalita,lumapad ang ngiti ko ng makilala ko kung sino ang nagsalita.

"Manang Lily!!!!!!"agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.Sobrang nakakamiss talaga si manang Lily,sya na kasi yung naging nanay namin ni Marcus nuon busy kasi yung mama nya palagi.

"Grabe anak,miss na miss kita,at lalo ka atang gumanda ngayon"

"salamat po manang Lily,sobrang namiss ko din po kayo,parang walang pinagbago tong bahay a,si tita po?"

"alam mo naman yung nanay ni Marcus napaka busy,para ngang natutulog nalang sya dito at umaalis na agad,alam ko naman kung bakit ka nandito buti at dumating ka,andun sya sa kwarto hindi daw sya papasok,ewan ko ba kung anung nangyayari sa batang yun nung isang araw pa syang ganyan,parang wala sa sarili"

"pwede ko po ba syang makausap?may gusto lang po akong itanung sa kanya?"

"sige Gaby punta  ka na sa taas,baka ikaw pa ang makapag palabas sa kanya.Sige ipagluluto ko muna kayo maiwan ko muna kita dyan"

"salamat po manang Lily"nung pumunta na sa kusina si manang Lily ay pumunta narin ako sa kwarto ni Marcus.Nagdadalawang isip pa ko kung papasok ba ako o hindi pero nilakasan ko nalang ang loob  ko.Kumatok muna ako pero nung walang sumasagot ay binuksan ko na ang pinto.Ang lakas ng tibok ng puso ko kinakabahan ako masyado.

Nakita ko sya na nakataklob ng kumot,medyo magulo ang kwarto nya ibang iba sa dating Marcus na kakilala ko.Nagagalit pa sya sakin nuon kapag ang kalat kalat ng kwarto pero sya rin naman ang naglilinis nito.Pinulot ko muna ang mga gamit sa sahig at inayos ang kwarto nya.

Naramdaman ko nung kumilos sya at nag alis ng kumot sa mukha.Mukhang nagulat sya na makita ako dito,sinu bang hindi diba?

"anung ginagawa mo dito at sinung may sabi na pwede kang pumasok sa kwarto ko,lumabas ka na"

"alam ko sobrang kapal ng mukha ko na pumunta pa ko dito pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo pero Marcus mali ang ginagawa mo,anu ba talaga ang tumatakbo dyan sa isip mo?"

"nakakatawa ka naman Gaby para sabihin sakin ang mali ko,bakit alam mo ba yung tama at tsaka anung karapatan mo para sumbatan ako ngayon?"

"im sorry Marcus sa lahat ng ginawa ko,alam ko din na wala akong karapatan pero ayaw ko na ganito ka ngayon,bakit hindi mo piliin ang taong mahal mo bakit pinipilit mo syang lumayo sayo?"

"hindi porket mahal mo ang isang tao dapat makipag relasyon ka na sa kanya,minsan mas magandang manatili nalang kayong magkaibigan dahil sigurado kang magtatagal.Sobra ko syang pinapahalagahan at ayaw ko na mawala  sya sa buhay ko,kahit na mag mahal sya ng iba ayos lang sakin,hindi naman ako iiwan at hindi ipagpapalit sa iba"

"tsk wala ka paring pinagbago Marcus akala ko naman hindi na ikaw yung immature na Marcus na kilala ko pero ikaw parin pala,hindi mo ba naisip na baka may mali rin sayo kaya ka iniiwan ng taong mahal mo,wag mung isisi sa iba ang lahat dahil baka may kasalanan ka rin.At napaka selfish mo ,puro sarili mo lang yan iniisip mo.Mali ako nung sinabi ko na intayin mo ko matapos ng lahat ng ginawa ko kasi naisip ko naka move on ka na at hindi ako ang tumulong sayo kaya hindi ko na pinipilit ang sarili ko sayo.Pero tatandaan mo Marcus,wag mong hayaan mawala din lahat ng pinapahalagaan mo dahil dyan sa pagiging selfish mo!!!!!!!!!"

Love or FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon