Chapter 16: Welcome back Avey

284 7 1
                                        

Ghaztine

Nagising ako ng maaga,kasi mahalaga ang araw na ito,uuwe na si Avey excited na kong makita ang bestfriend ko dito na ulit sya mag aaral,kaya makakasama na ulit namin sya salamat naman at may malalapitan na ako. Inayos ko na ang mga gagamitin ko sa school,nakangiti ako habang bumababa sa kusina nakita agad ako nina papa.

"oh anak masaya ka ata?anung meron?inaya ka ba ulit ni Jake na magdate?"

"papa naman kayo talaga,hindi po uuwe na kasi ngayon si Avey syempre sobra ko syang namiss"

"wow uuwe na si ate Avey,mabubuo na ulit ang Kenvy"

"anu naman yung Kenvy ha Kristine?"

"anu ka ba ata ang slow mo naman loveteam ni ate Avey at kuya Kent sinu pa?"

Bute nalang walang laman ang bibig ko kung hindi baka naibuga ko na kay Kristine dahil sa sinabi nya,kung anu anu pa nalalaman ng batang to.

"Sari sari ka na tine pati yun alam mo"

"bakit ate Ghaz? anu ba ang love team nyo ni kuya Jake ha,Jhaz o Jatine"

"wala nu!ang baduy mo talaga Kristine

"o baka naman Clairke"

"papa!!!!!!!"nagtawanan silang tatlo si kuya pasimple pang tahimik e pinagtatawanan din naman ako haixt ang saya talaga ng pamilya ko.

"oh siya tara na at baka mahuli pa tayo madami pa kong gagawin sa student council"

Tinapos na agad namin ang pagkain namin at umalis na hindi ko na ginamit ang bike ko ngayon para kasing ayaw kong maubos yung energy ko mamaya kapag nagkita kami ni Avey.

"dito na ba ulit mag aaral si Avey?"

"oo kuya,dito na ulit sya mag aaral at classmate pa kami"

"kamusta naman sila ni Kent?"

"ha.....???eh???bakit mo naman natanung kuya??"

"wala lang natanung ko lang,wag mo nang intindihin yon"buti nalang hindi na nagtanung pa si kuya tungkol dun sa dalawa,hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. "

"ah nga pala Ghaztine, si Gaby?nagkita na ba kayo ulit ni Gaby?may nasabi na ba ang mga kaibigan mo tungkol sa kanya?"

"wala pa kuya,pakiramdam ko din may tinatago sila sa akin pero iintnyin ko nalang na sila mismo ang magsabi sakin."

"sana kung anu man yung malaman mo sana wag ka agad magagalit o magtatanim ng sama ng loob sana pakinggan mo muna ang sasabihin ng lahat"

"ok kuya,naiintindihan ko,nga pala kuya sa friday na ang laban nyo nina Jake ah,siguro super busy nyo na anu?alam ko naman na kayo yung mananalo e"

"oo busy na kami,palagi ka parin bang tinatawagan ni Jake?"

"oo kuya ang bait bait nga ni Jake kahit madalas hindi na kami nagkikita kasi nga medyo busy sya pero hindi parin sya nawawalan ng time"

"alam kong hindi natuturuan ang puso Ghaztine,pero kung ako ikaw mas pipiliin kong mahalin si Jake kesa kay........kesa sa iba dyan"

"ha??sinung gusto mo ate?may nagugustuhan ka na pala????akala ko pa naman gusto mo din si kuya Jake,grabe ate bakit di ka nagkukwento sakin???sinu ba sya???ui...........ate dali!!!!!!!!!"

"wala akong nagugustuhan tine,niloloko ka lang ni kuya"

"ai sus ganyan ka na ate marunung ka na palang mag lihim sakin ha"

"bakit ikaw Kristine diba hinatid ka ni Michael nung isang gabi ha,pasalamat ka hindi ka nakita ni papa kung hindi napagalitan ka nun.San kayo nagpunta ni Michael ha?nagdate ba kayo?"Austine

Love or FriendshipMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon