Chapter 40: Love or Friendship

270 7 1
                                        

Ghaztine

Kumakain na kami ng hapunan ng marinig namin ang busina ng kotse ni kuya. Tumayo kaagad si Kristine para buksan ang gate. Ilang minuto lang bumalik na si Kristine pero may kasama na sya. Si Gaby!!!!!!!

"magandang gabi po tito, hi Ghaztine" Gaby

"Gaby anung ginagawa mo dito"Ghaz

" ha????a......eh....."

"kasama ko sya....." Austine

"yahhhhhhhhh papa...nag uwe si kuya ng babae sa bahay.....girlfriend na nya si Ate Gaby!!!!!!!" Kristine

"magandang gabi, hija.....halina kayo sumabay na kayo samin sa pag kain....kumuha ka Ghaztine ng extra plate" papa

Wow,hindi ko ineexpect ang bagay na yun ah, talaga palang seryoso si kuya kapag nag mahal.....ang cute nilang tingnan.

"kaklase ka pala ni Ghaztine...Gaby...anak sya ba yung kinukwento mo dati..yung babaeng gusto mo?" papa

"ahem...papa naman..." Austine

"ai sus nahihiya pa si kuya e.....masaya ako para sa inyo ate Gaby.....yehey magiging part ka na talaga ng family namin" Kristine

"oo nga Gaby....lalo tayong magiging bff nyan...." Ghaztine

"kamusta na kayo ni Jake" Gaby

"maayos naman kami....malapit na kaming mag isang taon....ang bilis nu...." Ghaz

"oo nga...im happy for the both of you....buti nga at pareho din kayo ng school na papasukan"

"alam nyo..nalulungkot akong mag isa....lahat kasi kayo aalis na...sino na makakasama ko dun..." Kristine

"wag kang mag alala Kristine, punta ka lang sa tambayan at lagi parin tayong mag kakasama...at tska diba parati ka parin naman ihahatid at susunduin ng masugid mong manliligaw diba?" Gaby

"oo nga bunsoy......at tska pag uwe mo ng bahay nandito naman kami ni kuya Austine"Ghaz

"basta kapag inaway ka ni Michael sabihin mo kaagad sakin.....lagot sya sakin" Austine

"ang swerte mo anak.....mahal na mahal ka talaga nila"

After naming kumain....ay nag paalam na si Gaby...medyo madilim na kasi.... Sana mag tagal ang relasyon nila...Im happy for kuya kasi nakasama nya yung totoong mahal nya. Kung naging kami rin kaya ni Zin....ganun din ba ako kasaya...?....di ko na dapat iniisip yun...kinalimutan ko na kung anu mang nararamdaman ko para sa kanya....

Jake

Sabi nila,wala naman talagang nag tatagal sa mundo. No matter how much you love someone...one day....goodbye....

Ayaw kong mangyari samin ni Ghaz ang bagay na yan pero sa tingin ko, ako mismo ang gagawa ng bagay na to....pero ako kahit na anung mang mangyari, alam ko na forever last.....

9 na buwan, siyam na buwan ko ng girlfriend si Ghaztine Claire. Sa loob ng siyam na buwan sobrang saya ko lang na kasama ko si Ghaz...masaya ako kasi pinapakita rin nya sa akin kung pano ang pakiramdaman ng mahalin. Sa loob din ng siyam na buwan na pag sasama namin ni Ghaztine bilang mag kasintahan, napansin ko din na hindi na sila masyadong close ni Zin. Wala naman akong pinag babawal kay Ghaz lalo na at kaibigan namin si Zin...siguro lang pinipilit nya talagang kalimutan ang nararamdaman nya kay Zin at ituon nalang sakin ang nararamdaman nya. Masaya ako kasi sobrang nag eeffort si Ghaz para sa aming dalawa.

Ilang araw nalang graduation na namin, hindi naman ako sobrang nalulungkot kasi pareho naman kami ng eskwelahan na papasukan ni Ghaztine. Pero siguro ito narin yung tamang panahon para sabihin sa kanya ang bagay na matagal ko ng dapat ginawa. Hanggang ngayon nag dadalawang isip pa ko kung gagawin ko ba pero kasi matagal ng panahon nakuha ko at naging selfish ako kasi pinatagal ko parin hanggang ngayon bago ko gawin.

Love or FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon