Amelia's POV
"Raphaella!!!!" Napasigaw ako sa sobrang saya dahil hindi ko inexpect na uuwi pala ngayon ang kakambal ko. Bata pa lang kami, mahilig na to sa surprises. "I miss you! Sana naman tinawagan niyo ako para naman sinundo namin kayo ni mama. Teka, si Luke na ba yan?! Mas matangkad na kaysa satin ha. Pogi pa ng pamangkin ko! Manang mana sa tita niya" nakangiti lang ako habang pinipisil ko na parang bata ang pisngi niya
"Si Phrina na ba yan? OMG! Ang ganda ganda naman talaga ng pamangkin ko. Manang mana sa tita!" Tuwang tuwang sabi ni Rapha
"Opo naman po! Mana po ako sa maganda kong mama at tita!" Nakangiting sagot ni Phrina habang niyayakap si Rapha
"Oh nasan pala si Gabriel?" Nagtatakang tanong ko
"Hindi siya pwedeng sumama kasi masyado siyang busy sa business namin. Mas lumalaki na kasi yung kinikita ng companya kaya hindi niya pwedeng iwanan. Pero baka sooner or later susunod siya para asikasuhin yung mga planned business niya dito."
Oo, sa aming dalawa ng kambal ko, mas angat yung buhay niya ngayon. Pareho kaming amerikano ang asawa kaya lang noong mag tatatlong taon pa lang si Phrina, naaksidente ang asawa ko. May mga business rin kami noon pero noong wala na ang asawa ko, unti unti ng nalugi ang malaki naming kompanya. Kaya ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang bantayan ko si mama, ang anak ko, at ang munting business namin na dalawang book stores. Sa dami ng naglalakihang business namin noon, ito na lang ang natira
"Ah ganun ba. So hanggang kailan ba kayo dito sa Pilipinas?"
"Magtatagal siguro kasi napagdesisyonan namin ni Gab na dito na namin pagtatapusin ng high school si Luke. Sa dating school niya rin noong 1st year high school siya bago kami bumalik sa amerika. Sa una ayaw ni Gab pero mas gusto ko kasi dito. Miss na miss na rin naman niya ang lola at ang pinsan niya"
"Opo tita Amelia! Miss na miss ko na po si lola tsaka yung cute na cute kong pinsan! Diba Phrina?" Nakangiting sabi ni Luke habang ginugulo ang buhok ni Phrina
"Miss na miss din kita kuya Luke! 1st year palang tayo noong huli ulit tayong nagkita, tapos ngayon akalain mo, senior year na natin! Hooo!" Masayang sagot ni Phrina at niyakap si Luke
Magkasing edad lang sina Luke at Phrina pero mas nauna lang ng ilang buwan si Luke. Bata pa lang sila ay parang magkapatid na ang turing nila sa isa't isa. Pareho rin silang only child kaya ganun na lang ang closeness ng dalawa
"Oo nga Phrina. Sayang lang at hindi pareho ang school natin" nalulungkot na sagot ni Luke
"Oo nga kuya e." Malungkot rin na sumagot si Phrina
"Huwag na kayong malungkot. Simula sa pasukan, doon na rin mag-aaral sa school mo si Phrina, Luke. Magsasama na kayo. Anak, you're going to transfer at Sandler Academy."

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Novela JuvenilPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)