Phrina's POV
"Ma, seryoso po kayo?! As in? Talaga po? Nakoooo ang saya ko po! Knowing na makakasama ko po si kuya Luke tapos SANDLER ACADEMY OMG Ma thank you!!!" Masayang sagot ko habang niyayakap ko si Mama
"Anything for my daughter, and for Luke. Alam ko namang hindi kayo mapaghiwalay e" nakangiting sagot ni mama habang niyakap rin ako. "Oh siya, diyan muna kayo at maghahanda ako ng meryenda" tinignan muna kami ni mama habang nakangiti at pumasok na sa kusina
"Oh ano excited ka na ba?" Nakangiting tanong ni kuya Luke
"Oo naman kuya! SANDLER ACADEMY kaya yun. One of the finest Academies in the Philippines!" Tuwang tuwang sagot ko. "1 week na lang pala at pasukan na! Excited na kinakabahan ako."
"Huwag kang kabahan, nandito naman ako. Kuya mo ako diba? Poging kuya" natatawang sagot niya
Oo pogi naman talaga itong pinsan ko. May pag ka player nga lang. Porke't pogi eh no? Hayy. Pero kahit ganyan yan, mabait at mahal ko siya.
"Sinong pogi? Ikaw? Ang corny naman ng joke mo kuya. Huwag mo ng ulitin ha?" Natatawang sagot ko habang tumakbo palayo
"Anong sabi mo? Halika nga dito!" Hinabol ako at kiniliti tulad ng ginagawa namin noong bata pa lang kami
"Kuyaaaa! Tama na! Oo na! Pogi ka na! Ikaw na yung pinaka pogi sa lahat!" Tawang tawang sagot ko at tinakbuhan ko ulit siya, sumunod naman siya at dumeretso na kami sa kusina
"Talagang 'tong dalawang to kahit kelan. Ang lalaki na pero parang bata parin. Yan ang gusto ko sa inyo eh. Kayo parin yung dati. Yung makulit at mahal na mahal naming mga anak ng kambal ko. I love you both!" Nakangiting sabi ni mama habang hinalikan kaming dalawa ni kuya sa pisngi
"We love you too!" Sabay na sagot namin ni kuya
"Huwag kayong magbabago ha? Kahit anong mangyari, kayo parin yung baby namin." Nakangiting sabi ni tita Rapha
"Opo tita. Hindi kami magbabago. Kami parin yung maganda at pogi niyong mga anak." Nakangiting sagot ko
"Talagang itong mga apo ko. Pogi't maganda na, ang babait pa." Natutuwang sabi ni lola habang niyakap kami na parang bata
Tumunog ang cellphone ni kuya at agad naman nitong sinagot
"Excuse me lang po sasagutin ko lang tong tawag ko"
Tumayo si kuya at naglakad papunta sa sala
"Hello? Oh bro ikaw pala!" "Oo nga eh kauuwi lang namin ni mama" "Nice! What time?" "Okay i'll see you there"
Bumalik si kuya sa kusina at umupo ulit sa tabi ko
"Ma, lalabas ako mamaya kasama sina Blaize. Matagal ko na ring hindi sila nakita at nakasama e" nakangiting sabi ni kuya
"Well you should invite them over sometimes. Matagal ko na ring hindi nakita ang mga makukulit mong kaibigan" nakangiting sagot ni tita Rapha
"Oo nga Luke, invite them here and have a dinner if they are free" sumabat si mama habang nakangiti
"Ma kilala niyo ang mga kaibigan ni kuya?" Nagtatakang sabi ko
"Yes anak, actually kababata rin sila ni Luke"
"Po? Eh bakit po di ko sila kilala?" Nagtataka paring sagot ko
"Yung mga magulang nila, business partner natin dati. Sa office ng toy store ng mga Brennan ang madalas naming meeting place ng mga magulang nila for some business matters dahil hilig ng mga anak nilang maglaro. Palagi ring nandun ang mga anak ng iba pa nilang business partners. At hindi lang basta business partners, magkakaibigan rin kami noong kabataan namin. Kasing edad ko siguro kayo noong una kaming nagkakilala lahat at magpa hanggang ngayon na may sari-sarili na kaming mga pamilya, ay magkakaibigan parin kami. Hindi ko nga lang naipakilala sa iyo kasi yung mga panahon na yun, kanya kanya kaming abala sa aming pamilya at mga business."

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)