Chapter 5

17 0 0
                                        

Phrina's POV

*Riiiiiiinnnnnggggg!!!!!*

Muntik na akong mahulog sa kama ko dahil sa pagkagulat ko sa napakalakas na alarm ko

Tumayo na ako at dumeretso sa banyo para ayusin ang sarili ko at bumaba na sa kusina para mag almusal. Nakita kong wala pa si kuya kaya pumunta ako sa kwarto niya para gisingin siya

"Kuya! Halika na kain na tayo!" sigaw ko sa labas ng kwarto niya

Hindi siya sumagot at nakailang sigaw narin ako kaya kinuha ko na ang susi sa kwarto niya at binuksan ito

Dumeretso agad ako sa kama niya at sumigaw ako pero hindi effective. Pinalo ko siya ng mga unan pero wala parin

"Ah ganun ha" sigaw ko sa kanya

Kiniliti ko siya at ayun nagising siya. Hinila niya ako sa kama niya at kiniliti rin ako

"Sinong nagsabing istorbohin mo ang tulog ng napaka gwapo mong kuya ha?" nakangiting sabi niya habang kinikiliti ako

"Kuya naman! Nagmamalasakit na nga e! First day natin ngayon ano ka ba anong oras na o!" sigaw ko habang tawang tawa dahil sa kiliti ni kuya

"Sh*t wtf" bulong niya sa sarili niya habang tinignan ang kalendaryo at orasan sa kwarto niya

"Nakalimutan mo no? Nako naman kuya! Hulaan ko, nag bar ka na naman kagabi no? Sinong kasama mo? Anong ginawa niyo? Ilang babae na naman ang pinaiyak mo ha?!" derederetsong tanong ko sa kanya na para bang ako ang nanay niya habang tumayo ako sa harap niya at nasa bewang ang mga kamay ko

"Chill. Oo nag bar po ako MANANG. Sorry po." diniinan niya ang pagsasabi niya ng manang habang tawang tawa siya

"Sige na bumaba ka na at kumain, susunod ako" pagpapatuloy ni kuya habang tumayo siya at lumapit sakin at hinalikan ang noo ko. Sweet ng kuya ko no?

Bumaba ulit ako at dumeretso sa kusina

"Good morning!!!!" bati ko sa kanilang lahat habang nakangiti

"Good morning anak, hindi namang obvious na excited ka no? nakangiting sagot ni mama

"Oo na ma, syempre excited ako no!" nakangiting sagot ko

"Oh nasan na pala yung kuya mo?" tanong ni tita Rapha

"Nasa kwarto pa po, ginising ko na po siya at susunod na daw siya" Nakangiting sagot ko

Sakto naman na bumaba na si kuya at nagsalo salo na kaming kumain

"Oh, first day ni Phrina ngayon ha, bantayan mo siya and make sure na okay siya" pagaalalang sabi ni tita Rapha

"Tita okay lang po, senior na po ako so kaya ko na po ang sarili ko" nakangiting sagot ko

"Kahit na, hindi natin maiiwasan ang mga pasaway dun sa school, at huwag kayong mag alala mama at tita Amelia, ako pong bahala kay Phrina" tumingin si kuya sakin habang nakangiti

Tapos na rin kaming kumain kaya nama'y dali dali kaming pumunta ni kuya sa sarili naming mga kwarto para maligo at nagbihis na

Tumingin ako saglit sa salamin at huminga ng malalim

"Eto na Phrina, ang pinapangarap ng lahat na school, doon ka narin mag aaral, first day mo to so do your best! Magiging masaya itong araw na to at walang makakapigil sayo, okay?!" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin

Bumaba na ako at hinihintay na ko ni kuya sa labas

"Ma! Tita! Una na po kami! Paki sabi po kay lola na pumunta na kami ni kuya sa school kapag gising na siya. Love you mama at tita!" sabi ko sa kanilang dalawa habang nakangiti at yinakap ko silang dalawa

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon