Chapter 38

8 0 0
                                    

Lucy's POV

"Hindi ka parin ba pinapansin ni Nixon hanggang ngayon? It has been a week already" malungkot na sabi ko habang kaharap ko si Phrina. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siyang kumain

"Hi Lucy" biglang dumating si Elaine, nagpaalam naman si Phrina at umalis na. Naiwan na kaming dalawa ni Elaine habang umupo na siya sa harap ko

"Hi" pinilit kong ngumiti sa kanya

"I'm going back to US tomorrow and I just want to tell you something" pinilit niyang ngumiti sa akin

"What is it? You can tell me" pinilit ko rin ngumiti sa kanya

"I'll be going back to marry my fiancé" ngumiti na siya at tinignan lang ako. Ngumiti rin ako sa kanya at nagsalita na siya

"I'm so happy for you and Luke. I know how much he loves you and, I know that you won't hurt him like I did" bigla siyang nalungkot habang tinignan ako

"Elaine don't say that" malungkot na sagot ko sa kanya habang hinawakan ko ang kamay niya

"You're such an amazing person Lucy. Sana kahit anong mangyari, huwag mo siyang iiwan gaya ng ginawa ko. Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal niya sayo" ngumiti siya na para bang naiiyak. Tumayo ako at umupo sa tabi niya habang yinakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya

"Actually nasabi ko na sa kanilang lahat, gusto ko lang sabihin sayo na yung tayo lang dalawa kase miss na rin kasi kita. Yung dating tayo" naiiyak na sabi niya habang yakap parin ako

"Miss ko na rin yung dating tayo. Pero eto yung tandaan mo, kahit anong mangyari, walang magbabago" hinarap ko na siya at nginitian ko siya, yinakap niya akong muli bago siya tuluyang umalis

Umalis na rin ako at sumunod kay Phrina sa hallway

"Bakit kaya ganun? Ang bait nina Aica at Elaine no? Anyare kay Vivian?" Tawang tawang tanong ni Phrina habang naglakad lang kami, tumawa rin ako at bigla naming nakitang magkasama sina Vivian at Kyla

"Magkakilala sila?" bulong ni Phrina habang naglakad lang kami

"Talk about being so much in common. B*tches" seryosong sagot ko habang sinamaan ko lang sila ng tingin mula sa malayo. Nakita nila kami at dali dali silang lumapit sa amin

"Thanks for touring me around Kyla. Ang dami ng nagbago dito no? Kung sino sino na pala ang pumapasok sa Sandler Academy" nakangiting sabi ni Vivian habang nagtawanan sila ni Kyla

"Alam mo bang ang dami ring ambisyosa na nangangarap maging boyfriend si Nixon? Can you imagine that? Omg" tinignan ni Kyla si Phrina at tinaasan ng kilay

"Alam ba ni Vivian na ikaw yun? Na patay na patay ka kay Nixon at kulang na lang magkandarapa ka na para lang mapansin ka niya?" Seryosong sagot ni Phrina kay Kyla

"What? Is it true?" Galit na tanong ni Vivian kay Kyla. Bigla silang nagsumbatan, nagkatinginan na lang kami ni Phrina at umalis na kami

"They're so pathetic. Pinag aawayan nila si Nixon eh alam naman nating lahat na ikaw yung mahal niya" sabi ko kay Phrina habang naglalakad lang kami

Hindi ako sinagot ni Phrina at tulala lang siya. Mahal nila ang isa't isa pero  may hindi sinasabi si Nixon. Kung ano man yun at kung ano man ang dahilan kung bakit nagka ganun si Nixon, I'm sure para rin sa ikabubuti nilang dalawa

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon