Chapter 43

14 0 1
                                    

Blaize's POV

"Really? Uuwi ka na?" natutuwang sabi ko sa kanya habang kausap ko siya sa cellphone ko. "Alam ba nina Nixon at Renz?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Oh. Okay, I'll pick you up at the airport. Bye"

"Guys una na ako may aasikasuhin lang ako" nagpaalam na ako sa kanila at dumeretso na ako sa airport

"Hey! I missed you!" natutuwang sabi ni Zea

"Missed you too!" Nakangiting sagot ko sa kanya. "You looked gorgeous as always" nakangiting pagpapatuloy ko at yinakap ko siya

"So ano na naman ba ang mga kalokohan mo habang wala ako?" Nakangiting tanong niya habang tinignan niya ako at yakap ko parin siya

Tumawa lang ako at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya

"Mom and dad arranged a dinner for me so call them and join us" nakangiting sabi niya. Them literally means our friends of course

"Oh and while you're away, we met a new girl who transferred at Sandler Academy and we all became good friends. She's the cousin of Luke, her name's Phrina" nakangiting sagot ko sa kanya

"Well I would love to meet her! Invite her too. Come on let's go and let's just wait for them at the resto" sagot  niya at dumeretso na kami doon. Tinawagan ko na rin silang lahat at sumunod naman sila

"Zea?! For real?! Omg it's been a long time! I missed you!" Sigaw ni Lucy habang yinakap niya si Zea

"Nice to see you back" nakangiting sabi ni Zach

"Aica? You're here too? Gosh I missed you guys!" Nakangiting sabi ni Zea habang nagyakapan sila

"Actually sina Elaine at Vivian rin pero kababalik lang nila sa US" nakangiting sabi ni Luke

"They were here too? Pati si Vivian? Well sayang at hindi ko man lang sila naabutan" nakangiting sagot ni Zea

"Wait where's Phrina?" Tanong ko sa kanila

"She was just with us awhile back. Susunod daw siya" sagot ni Luke. Dumating na ang parents ni Zea at umupo na kami sa pina reserve nilang table for us dito sa isang exclusive resto na napili ng parents niya

Tumunog ang cellphone ko at nagtext si Phrina na nasa labas daw siya, lumabas ako saglit at sinundo ko siya  sa labas dahil nahihiya raw siyang pumasok mag isa

"May girlfriend ka pala tapos kung ano anong kalokohan ang mga ginagawa mo noon" natatawang sabi ni Phrina

"Hindi naman, alam ko naman yung mga limits ko. Tska buti na lang at hindi ako binugbog nina Nixon at Renz sa mga kalokohang nagawa ko" natatawang sagot ko

"Nixon at Renz? Ha? Girlfriend mo si Vivian? Bumalik na siya?" Sigaw ni Phrina

"The hell are you talking about?" Natatawang sagot ko. "It's not what you think Phrina" natatawang pagpapatuloy ko

"Siya nga pala nakita ko si Nixon kanina kasama ang isang babae. Tuwang tuwa nga yung babae noong nagkita sila ni Nixon, nagyakapan pa nga sila eh. Kilala mo ba yun?" Malungkot na tanong ni Phrina

"Nagseselos ka ba?" Tawang tawang sagot ko sa kanya

"Hindi no" tipid na sagot niya habang sinamaan ako ng tingin

"Mahal yun ni Nixon" nakangiting sagot ko sa kanya

"Kailan pa?" Interesadong tanong ni Phrina

"Bago ka pa niya nakilala" nakangiting sagot ko sa kanya. Bigla siyang nalungkot at napayuko siya. Hinila ko na siya papasok sa resto at naglakad na kami papunta sa table. Pinaupo ko na siya sa tabi ko habang harap namin sina Nixon at Zea

"Siya yun. Siya yung sinasabi ko. Hindi ko alam na may girlfriend pa palang iba si Nixon maliban kay Vivian" bulong ni Phrina habang lumapit siya sa akin. Tinawanan ko lang siya at tinignan niya lang ako na para bang nagtataka. Biglang dumating si Renz at hinalikan ang pisngi ni Zea

"Nandito rin si Renz at parents nila ni Nixon. Ano to? Akala ko ba dumating yung girlfriend mo kaya tayo nandito?Eh si Nixon yata ang dumating ang girlfriend tapos ipapakilala niya" Naguguluhang bulong ni Phrina. Hindi ko parin siya sinagot at tumawa lang ako

"So how was London Zea? Did you enjoyed your stay there?" Nakangiting tanong ni Renz

"Oo pero mas gusto ko parin dito. Yung kasama kayo" nakangiting sagot ni Zea habang hinawakan ang braso ni Nixon, nagtinginan at nagtawanan silang dalawa. Tinignan ako ni Phrina at makikita mo ang lungkot sa kanyang mukha

"I missed you!" natutuwang sabi ni Zea kay Nixon. Sinagot din siya ni Nixon habang inakbayan niya si Zea

"Sweet isn't it?" Nakangiting sabi ko kay Phrina. Tinignan niya ako at pinilit niyang ngumiti

"She's really sweet when it comes to her brothers" nakangiting pagpapatuloy ko

"What?!" Nagulat siya sa sinabi ko at bigla siyang napasigaw. Lahat sila ay napatingin kay Phrina at bigla siyang namula

"Are you okay Phrina?" Pag aalalang tanong ng mom nila Nixon

"Ah. Um. Okay lang po ako" pinilit niyang ngumiti at tumawa

"Why didn't you tell me?!" bulong ni Phrina at sinamaan niya ako ng tingin. Nginitian ko lang siya at kumain na kaming lahat. Nagkwentuhan kami at nagkamustahan. Pagkatapos ay nagpaalam na silang lahat at umalis na. Nagpaiwan muna ako at nakiusap si Zea na dito muna si Phrina para magkausap muna sila

"Hey! So you're Phrina right? I'm Zea" nakangiting sabi niya kay Phrina. Tatlo kaming magkakaharap at sina Nixon naman ay nasa table parin sila habang kami naman ay nasa tapat ng pintuan ng resto, hinatid pa namin kasi palabas ang iba. Tumango lang si Phrina at nginitian niya si Zea

"I heard a lot about you. Whenever Nixon calls me he always talks about you" nakangiting sabi ni Zea

"By the way I'm Renz's little sister and Nixon's my--" hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang biglang dumating si Nixon at nagsalita siya

"Stepbrother" sabi ni Nixon habang humarap sa amin

"Oh there you are!" Nakangiting sabi ni Zea. "So I guess we'll leave you both to talk. Come on babe" nakangiting pagpapatuloy ni Zea habang hinila na niya ako palayo

Naiwan sina Phrina at Nixon na nakatayo lang habang harap ang isa't isa. Sana ay maging okay na sila kasi alam naman ng lahat na miss na miss na nila ang isa't isa

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon