Phrina's POV
Anong nangyari dun? Ang dami kong hindi alam. Teka, nasan nga pala si Lu?
Tinawagan ko siya at hindi niya sinagot ang tawag ko pero nagtext din siya agad
*Phrina i'm okay now. Nandito ngayon ako sa school at nandito na rin ako sa room. On going na yung class so kita na lang tayo mamaya*
Buti naman at okay na siya at nandito siya sa school. Binulsa ko na ang cellphone ko at pag angat ko ng ulo ko, nasa harap ko parin sina Blaize at Nixon at tinignan lang nila ako
"What?" Nagtatakang tanong ko
"Kelan mo pa nakilala si Elaine?" Pagtatakang tanong ni Nixon habang naglakad na kaming tatlo papunta sa klase namin
"Noong first day pa. Actually siya yung pinakaunang friend ko na girl dito, except for Lu of course best friend ko siya" sagot ko
"Bakit di mo sinabi sa amin?" Tanong ni Blaize. Nasa gitna nila ako habang naglalakad parin kami
"Ha? Hindi ko naman alam na kilala niyo pala siya at wala naman kayong kwinekwento" sagot ko sa kanila
"At paano niyo ba kasi siya kilala? Dati ba siyang nag aaral dito? Ex niyo ba siya? Pinsan niyo? Crush niyo? Ano?" Derederetsong tanong ko habang biglang inakbayan ako ni Nixon at tinakpan ang bibig ko
"You talk too much baby girl" Sabi ni Nixon habang kinindatan ako
"Hands off her dude" sagot naman ni Blaize habang inalis ang kamay ni Nixon
"Is there a problem?" Tanong ni Nixon
Sasagot pa lang sana si Blaize nang bigla akong humarap sa kanilang dalawa
"Ano ba! Kayo ang may problema! Kung meron kayong hindi pinagkakaintindihan huwag niyo akong idamay!" Sigaw ko sa kanila at nauna nang lumakad
Pumasok na ako at umupo. Pumasok na rin ang dalawa at umupo sa tabi ko
Buong klase ay hindi ko sila pinansin at nakinig lang ako. Mabilis ding natapos ang klase. Tumayo na ako at dali daling lumabas
"Phrina wait" sabi ni Nixon habang hinawakan ang kamay ko
"What?" Sagot ko habang tinignan lang siya
"I'm sorry" seryoso niyang sagot
Nakatayo lang ako doon habang hawak parin niya ang kamay ko. Sinilip ko rin si Blaize na nakaupo pa rin sa likuran ni Nixon
"Okay fine. I'm sorry too Phrina" tumayo siya at lumapit sa amin. Inalis na ni Nixon ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ibinulsa na lang niya ang mga kamay niya
"Sorry din kasi nasigawan ko kayo. Hindi ko sinasadya. Siguro naguguluhan lang ako. Sa nangyari kanina. Ang dami kong hindi alam. Tapos bigla pa kayong nag away" seryosong sagot ko sa kanila habang tinignan lang sila
Biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko naman itong sinagot
*Hello bestie. Tapos na klase namin nina Luke. Sabay na lang ako sa kanila papuntang tambayan. Kita na lang tayo don*
"Ah sge punta na rin kami" sagot ko at binulsa ko na ang phone ko
"Si Lu, papunta daw ng tambayan. Makikisabay na lang ako sa inyo" sagot ko sa kanila habang tinignan lang sila
Sabay sabay na kaming lumabas at lumakad papunta sa tambayan nang biglang may isang babaeng yumakap mula sa likuran ni Nixon. Napahinto kami ni Blaize at tinignan namin sila
"Hi babe! I miss you. Been a long time since you last called me" pabebeng sabi ng babae habang yakap pa rin si Nixon
Nagkatinginan lang kami ni Nixon at inalis niya ang kamay ng babae at tinulak niya ito

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Novela JuvenilPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)