Chapter 42

9 0 1
                                    

Zach's POV

"Really? She said that?" Nagtatakang tanong ko. Actually lahat kami ay nagtataka sa kwinento ni Phrina

"You're kidding right?" Natatawang sagot ni Blaize

"She really did that? Pumunta siya sa bahay niyo?" Nagtatakang tanong ni Lucy

"And she apologized to you?" Seryosong tanong naman ni Luke

"I know! Ako nga rin ay hindi ako makapaniwala" seryosong sagot ni Phrina

"Baka naman parte lang to ng kung ano man ang plina-plano niya. Alam mo kapag artista yang si Vivian, best actress yan" seryoso ring sagot ni Lucy

"Hindi! Totoo talaga! Kwinento pa nga niya yung totoong nagyari sa kanila nina Renz, yung totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Nixon. Buti pa nga si Vivian nakipagbati at kinakausap na niya ako, eh si Nixon kaya kailan?" Malungkot na sagot ni Phrina

"Ano? Sinabi niya yung talagang dahilan? Eh kami nga hindi niya sinabihan eh. Baka siguro totoong sincere siya sa pakikipagbati sayo. Ano kayang kung anong nakain niya at bigla siyang nagka ganun?" Sagot ni Blaize

"Siguro na realize na niya kase na hindi na niya maibabalik yung dati at tanggap na niya sigurong si Phrina na ang mahal ni Nixon" nakangiting sagot ko

"Tsaka guys, pinapasabi pa ni Vivian na pupunta na daw siya ng US. Biglaan daw kase yung pagsama niya kay Elaine kaya hindi na siya nakapagpaalam sa inyo" seryosong sagot ni Phrina

"Wow. Iba na talaga si Vivian. Nagpaalam pa talaga siya sayo" nakangiting sagot ni Lucy

"Mabait naman talaga yung pinsan ko. Nasanay lang kasi siyang nakukuha lahat ng gusto niya kaya noong nalaman niyang iba na ang mahal ni Nixon, nilamon na siya ng pagkamaldita" nakangiting sabi ni Aica habang bigla siyang dumating at nakisama sa usapan namin

"Aica? Hindi ka sumama sa kanila?" Pagtatakang tanong ni Phrina

"Pinapasama nila ako pero nakiusap ako sa kanila na magpapaiwan ako at pumayag naman sila. Sinabihan ako nina Elaine at Vivian na huwag ko raw silang tularan. Na hindi nila pinaglaban ang mga taong mahal nila. Sinabi nila na kahit ano daw ang mangyari, sundin ko daw ang sinasabi ng puso ko kasi kung hindi, sarili ko daw mismo ang magsisi" pinilit ni Aica na ngumiti habang nakatayo lang sa harap namin

"And I don't want to regret anything so I decided to stay and be with the one I love" nakangiting pagpapatuloy niya. "Zachary Brooks" tinignan niya ako at ngumiti. Nagsigawan at nagpalakpakan sila na para bang baliw. Hindi ko rin napigilan ang sarili kong napangiti at dali dali akong lumapit kay Aica at yinakap ko siya

"I'm glad you stayed. I promise you won't regret anything. I love you Aica" nakangiting sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo niya habang yakap parin niya ako

Kumawala siya sa pagkakayap sa akin at bigla niya akong hinalikan. Napangiti nalang ako at yinakap ko muli siya ng mahigpit. I'm so damn lucky to have Aica

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon