Phrina's POV
"Good morning love!" Ngumiti si Nixon habang dahan dahang lumapit sa akin. Binaba niya ang ulo niya at tinapat niya ang mukha niya sa akin at tinitigan niya ako habang nakahiga naman ako. Ang ganda naman nitong panaginip ko, sana huwag muna akong magising
Hinawakan ko ang mukha niya at nginitian ko siya
"Ang pogi talaga ng boyfriend ko" Nakangiting sabi ko sa kanya habang hawak ko parin ang mukha niya. Buti na lang panaginip lang ito, ayokong sabihin sa personal no, kahit boyfriend ko na siya nahihiya parin ako sa kanya tsaka magyayabang na naman siya
"Alam ko" tumawa siya at mas inilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan niya ang mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko noong na realize ko na gising pa pala ako kanina at hindi ito panaginip
"Totoo ka?!" sigaw ko sa kanya habang hinawakan ko ang mukha niya na para bang hindi ako makapaniwala
"Hindi ko alam. Halikan kaya kita para malaman natin kung totoo ba ako o hindi" tinitigan niya lang ako habang magkalapit parin ang mukha namin at ngumiti siya. Kinuha ko ang unan ko at hinampas ko sa kanya at dali dali akong lumakad papunta sa banyo
"Nakakakilig naman na poging pogi sa akin yung girlfriend ko" natutuwang sigaw niya habang nasa loob pa ako. Nakakahiya, nakita na niya ang morning face ko baka ma turn off siya. Hays
"Hindi ah. Ang ganda mo kaya kahit kagigising mo" hala, may superpowers ba to at alam ang sinasabi ko? Lumabas na ako ng banyo at nagulat ako dahil nakatayo na siya sa harap ng pinto habang tinitigan ako at nginitian, nakabulsa sa kanyang pantalon ang mga kamay niya. Hays ano ba weakness ko yan, mas lalo akong naiin-love sa kanya kapag ginagawa niya yan. Ganito yata talaga kapag in love ka no? Kahit maliliit na bagay naa-appreciate mo
"Ano ba kasing ginagawa mo dito ang aga aga?" seryosong tanong ko sa kanya habang nakatayo parin ako at kaharap ko siya
"I miss my girlfriend" Sagot niya at nag pout siya. Ene be temegel ke nge
"Kagabi lang tayo huling nagkita" Natatawang sagot ko sa kanya
"So? Kung pwede nga lang 24/7 kitang kasama" Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang nakangiti. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi ko siya pinansin at naglakad lang ako. Narinig ko siyang tumawa at lumakad din palapit sa akin at tumayo siya sa harap ko
"Get dressed. We're going somewhere" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at ngumiti siya
"Ba't ba palagi mong linalapit ang mukha mo sa mukha ko eh naririnig ko naman ang sinasabi mo" seryosong sagot ko habang tinignan ko rin siya sa mga mata niya
"Ang sarap mo kasing titigan" Nakangiting sagot niya "I can do this all day" Nakangiting pagpapatuloy niya habang mas lumapit siya at tinitigan ang mga mata ko
"Can I kiss you?" nakangiting tanong niya habang tinitigan parin ako
"No" tipid na sagot ko habang naglakad na ako papunta ng banyo at naligo na
"Did she just say no? Ugh" Sigaw niya at natawa nalang ako. Natapos na akong naligo at nakapagpalit narin ako
"What are you doing?" tanong ko sa kanya habang nakatayo lang sa harap niya
"I'm in pain" Seryosong sagot niya habang naka higa siya sa kama ko
"What?! Anong masakit?!" kinakabahang tanong ko habang dali dali akong lumapit sa kanya at tinignan ko ang buong katawan niya
"Dito oh" hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya ito sa tapat ng puso niya habang ngumiti siya. Sinamaan ko siya ng tingin at lalakad na sana ako palayo ng bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at hinila niya ako. Napahiga ako sa taas niya at nagkatinginan lang kami
BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)